Lumang Tipan 2022
Agosto 1–7. Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: “Ako’y Aasa pa rin sa Kanya”


“Agosto 1–7. Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42: ‘Ako’y Aasa pa rin sa Kanya,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Agosto 1–7. Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–40; 42,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
tatlong lalaking nakikipag-usap sa isang lalaking nakaupo sa lupa

The Judgments of Job [Ang mga Kahatulan kay Job], ni Joseph Brickey

Agosto 1–7.

Job 1–3; 12–14; 19; 21–24; 38–4042

“Ako’y Aasa pa rin sa Kanya”

Anong mga katotohanan ang tinulungan ka ng Espiritu Santo na matutuhan nang pag-aralan mo ang aklat ni Job? Ano ang nais mong ibahagi sa klase mo?

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Maaaring natuklasan ng mga miyembro ng klase na nag-aral tungkol kay Job sa linggong ito ang mga katotohanang makabuluhan sa kanila. Para mahikayat silang magbahagi, maaari mong isulat sa pisara ang Natutuhan ko mula kay Job … at tanungin ang mga miyembro ng klase kung paano nila kukumpletuhin ang pangungusap na ito.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Job 1–2; 12–13; 19:23–27

Matutulungan tayo ng ating tiwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na manatiling tapat sa lahat ng sitwasyon.

  • Ang unang dalawang kabanata ng Job, na naglalarawan kay Satanas na nagdududa sa mga dahilan ng katapatan ni Job, ay makakatulong sa mga miyembro ng klase na suriin ang sarili nilang mga dahilan sa pagiging tapat sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring magsimula ang mga miyembro ng klase sa pamamagitan ng paglilista ng ilang dahilan para piliin ng isang tao na sundin ang mga utos ng Diyos. Pagkatapos ay maaari nilang saliksikin ang Job 1:6–12; 2:1–6 para tuklasin kung ano ang sinabi ni Satanas tungkol sa katapatan ni Job. Bakit magiging mapanganib na sundin ang Panginoon ayon lang sa dahilang iminungkahi ni Satanas? Ano ang inihahayag ng sagot ni Job sa Job 1:20–22; 2:9–10 tungkol kay Job? Maaaring pag-usapan ng mga miyembro ng klase kung bakit nila pinipiling manatiling tapat sa Diyos.

    Larawan
    lalaking nakatingala sa langit

    Job, ni Gary L. Kapp

  • Bagama’t may mga pagkakataon na nagduda at nalungkot si Job, sa huli ay sinuportahan siya ng kanyang tiwala sa Panginoon sa kanyang pagdurusa. Para matuto mula sa halimbawa ni Job, maaaring saliksikin ng mga miyembro ng klase ang ilan sa sumusunod na mga talata upang matukoy ang ilan sa magagandang sagot ni Job sa kanyang mga pagsubok: Job 1:21; 2:10; 12:9–10, 16; 13:15–16; 19:23–27. Ano ang matututuhan natin mula sa mga sagot na ito na makakatulong sa atin na maging espirituwal na matatag kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok? Bakit mapanganib na ipalagay na ang mga pagsubok ay mga parusa sa kasalanan?

  • Ang pahayag ni Job sa Job 19:23–27 ay maaaring makahikayat sa mga miyembro ng klase na pagnilayan at ibahagi ang sarili nilang pananalig na ang Manunubos na si Jesucristo ay buhay. Maaari kang magsisimula sa pag-anyaya sa mga miyembro ng klase na tahimik na pagnilayan ang mga salita ni Job sa mga talatang ito. Pagkatapos ay maaari nilang talakayin ang mga tanong na gaya nito: Bakit napakahalaga ng patotoo sa ating Manunubos sa mga panahon ng pagsubok gaya ng mga naranasan ni Job? Paano tayo napalakas ng ating patotoo sa ating mga pagsubok? Ang pagkanta o pagbabasa ng mga titik ng isang himno tungkol kay Jesucristo, tulad ng “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78), ay maaaring magdagdag ng kabatiran at espirituwal na lakas sa inyong talakayan.

Job 38

Ang pananaw ng Diyos ay mas dakila kaysa sa ating pananaw.

  • Karamihan sa aklat ng Job (mga kabanata 3–37) ay kinabibilangan ng paghihirap ni Job at ng kanyang mga kaibigan na masagot ang tanong na “Bakit nangyayari ang masasamang bagay sa mabubuting tao?” Bagama’t hindi lubos na sinasagot ng Panginoon ang tanong na ito sa aklat ni Job, nagbibigay Siya ng isang mahalagang mensahe. Maaari mong tulungan ang mga miyembro ng klase na tuklasin ang mensaheng ito sa pag-anyaya sa kanila na basahin ang mga tanong ng Panginoon kay Job sa Job 38:1–7, 18–24. Ano ang natututuhan natin mula sa mga tanong na ito?

  • Ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ay naglalaan ng karagdagang liwanag na magpapaunawa sa atin sa ilan sa mga dahilan ng pagdurusa sa mundo. Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga katotohanang alam nila dahil sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo na nagbigay sa kanila ng mas malawak na pananaw at pag-unawa tungkol sa pagdurusa. Maaari nilang makita ang ilan sa mga katotohanang ito sa mga banal na kasulatan at sa pahayag na matatagpuan sa “Karagdagang Resources.”

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Kabatiran sa mga huling araw tungkol sa mga layunin ng pagdurusa.

Ang sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan ay nagbibigay ng mga kabatiran tungkol sa mga layunin ng pagdurusa:

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball:

“Kung iisipin nating mortalidad lang ang kabuuan ng buhay, ang sakit, kalungkutan, kabiguan, at maikling buhay ay magiging kalamidad. Ngunit kung titingnan natin ang buhay bilang kawalang-hanggan, na sakop nito ang buhay noong bago tayo isinilang at ang walang-hanggang hinaharap, ang lahat ng pangyayari ay mailalagay natin sa dapat nitong kalagyan.

“Hindi ba’t may karunungan sa pagbibigay sa atin [ng Diyos] ng mga pagsubok para madaig natin ang mga ito at umunlad, ng mga responsibilidad para may makamit tayo, ng trabaho para tumigas ang ating mga kalamnan, ng kalungkutan para subukin ang ating mga kaluluwa? Hindi ba’t nahaharap tayo sa mga tukso para subukin ang ating katatagan, sa karamdaman para matuto tayong magtiyaga, sa kamatayan para maging imortal tayo at luwalhatiin? …

“Kung kaagad ipinagkakaloob ang kagalakan at kapayapaan at mga gantimpala sa gumagawa ng mabuti, wala nang masama—lahat ay gagawa ng mabuti ngunit hindi dahil sa wasto ang paggawa ng mabuti. Hindi masusubok ang katatagan, walang pag-unlad ng pagkatao, walang pagsulong ng mga kapangyarihan, walang kalayaan sa pagpili” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 18).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Sundin ang Espiritu. Hindi mo mahuhulaan kung paano tatakbo ang bawat lesson, ngunit gagabayan ka ng mga paramdam o pahiwatig ng Espiritu. Kapag espirituwal kang handa, ibibigay sa iyo ng Panginoon “sa sandali(ng iyon), kung ano ang [iyong] sasabihin” (Doktrina at mga Tipan 100:6), at maaaring iyon talaga ang kailangang marinig ng mga miyembro ng klase. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 10.)

Print