Lumang Tipan 2022
Oktubre 10–16. Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20: “Bago Kita Inanyuan sa Sinapupunan ay Kilala na Kita”


“Oktubre 10–16. Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20: ‘Bago Kita Inanyuan sa Sinapupunan ay Kilala na Kita,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Oktubre 10–16. Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
propetang nagsasalita sa mga tao

Jeremias, ni Walter Rane

Oktubre 10–16

Jeremias 1–3; 7; 16–18; 20

“Bago Kita Inanyuan sa Sinapupunan ay Kilala na Kita”

Habang nag-aaral ka, isipin ang mga miyembro ng klase mo, at hangarin ang patnubay ng Espiritu para malaman kung anong mga mensahe ang maaaring pinakamahalaga sa kanila.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Ang isang paraan na maaari kang makahikayat ng pagbabahagi ay anyayahan ang mga miyembro ng klase na isulat sa kapirasong papel ang isang katotohanan ng ebanghelyo na natutuhan nila sa kanilang pag-aaral tungkol kay Jeremias sa linggong ito. Pagkatapos ay maaari mong kolektahin ang mga kapirasong papel at piliin ang ilan para talakayin sa klase. Paano naipauunawa sa atin ng mga isinulat ni Jeremias ang mga katotohanang ito?

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Jeremias 1:4–19

Ang mga propeta ay tinawag upang ipahayag ang salita ng Panginoon.

  • Maaari mong pasimulan ang isang talakayan tungkol sa tawag ni Jeremias bilang propeta sa pagpapakita ng isang larawan ng buhay na propeta at paghiling sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano nila nalaman na siya ay tinawag ng Diyos. Maaari mo ring hilingin sa kanila na ibahagi kung paano nila natulungan ang iba na malaman ang mahalagang katotohanang ito. Paano pinagpapala ng kaalamang ito ang ating buhay? Pagkatapos ay maaaring ilista ng mga miyembro ng klase sa pisara ang mga bagay na natututuhan nila tungkol sa mga propeta mula sa Jeremias 1:4–19. Ano ang “binubunot” o “pinababagsak” ng mga propeta sa ating panahon? Ano ang kanilang “itinatayo” at “itinatatag”? (talata 10).

  • Anyayahan ang mga miyembro ng klase na ibahagi kung ano ang nalaman ni Jeremias tungkol sa kanyang sarili sa Jeremias 1:5. Paano maaaring nakaapekto ang kaalamang ito sa kanyang ministeryo? Maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang pahayag sa “Karagdagang Resources” at ang sumusunod na mga talata sa banal na kasulatan na sumusuporta sa katotohanang ito: Alma 13:1–4; Doktrina at mga Tipan 138:53–56; Abraham 3:22–23. Paano nakakaapekto ang mga katotohanang ito tungkol sa ating buhay bago tayo isinilang sa paraan ng ating pamumuhay sa mundo?

Larawan
tao na nakatayo sa sinaunang balon

Gumamit ng mga balon ang mga tao sa sinaunang Israel para pag-imbakan ng mahalagang tubig.

Jeremias 2; 7

“Tinalikuran nila ako, ang bukal ng mga tubig na buhay.”

  • Para magpasimula ng talakayan tungkol sa Jeremias 2:13, maaari kang magdrowing ng isang balon sa pisara (isang malaking imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa) at isang bukal (gaya ng isang natural na bukal). Pagkatapos ay maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang Jeremias 2:13 at pag-usapan kung bakit mas mabuting kumuha ng tubig mula sa bukal sa halip na humukay ng balon. Ano kaya ang espirituwal na katumbas ng paggawa ng mga sirang balon? Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na basahin ang mga talata mula sa Jeremias 2 at7 at ibahagi ang ilan sa mga paraan na tinalikuran ng mga Israelita “ang bukal ng mga tubig na buhay” (tingnan, halimbawa, sa Jeremias 2:26–28; 7:2–11). Bakit magandang simbolo ng ibinibigay sa atin ng Tagapagligtas ang “tubig na buhay”?

Jeremias 3:14–18; 16:14–15

Titipunin ng Panginoon ang Kanyang mga tao.

  • Dahil ikinumpara ni Jeremias ang pagtitipon ng Israel sa mga huling araw sa paglaya ng Israel mula sa Egipto sa pamamagitan ni Moises, maaari mong ipakita ang isang larawan ng Exodo (tingnan ang outline para sa Abril 4–10 sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Anyayahan ang mga miyembro ng klase na talakayin kung gaano kalaki ang kabuluhan ng Exodo sa mga Israelita sa loob ng maraming henerasyon. Pagkatapos ay maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang Jeremias 16:14–15 at pag-usapan kung paano magiging mas mahalaga pa ang pagtitipon ng Israel sa mga huling araw sa mga tao ng Diyos (tingnan din sa Jeremias 3:14–18). Maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase na nagrebyu ng “Pag-asa ng Israel” bilang bahagi ng kanilang personal na pag-aaral kung ano ang kanilang natutuhan tungkol sa kahalagahan ng pagtitipon ng Israel (tingnan sa Russell M. Nelson at Wendy W. Nelson, “Pag-asa ng Israel” [pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018], suplemento sa New Era at Ensign, Ago. 2018, 2–17, ChurchofJesusChrist.org). O maaari ninyong rebyuhin ang ilang bahagi ng mensaheng iyon bilang isang klase. Paano tinitipon ang Israel sa ating lugar?

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Kilala kayo ng Ama sa Langit.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

“Ang inyong espiritu ay walang hanggang nilalang. Sinabi ng Panginoon sa Kanyang propetang si Abraham: ‘Ikaw ay pinili bago ka pa man isinilang’ [Abraham 3:23]. Kahalintulad nito ang sinabi ng Panginoon kay Jeremias [tingnan sa Jeremias 1:5] at marami pang iba [tingnan sa Alma 13:2–3]. Sinabi Niya ito maging sa inyo [tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138:55–56].

“Matagal na kayong kilala ng inyong Ama sa Langit. Kayo, bilang Kanyang anak na lalaki o anak na babae, ay pinili Niyang isilang sa mundo sa panahong ito mismo, upang maging mga pinuno sa Kanyang dakilang gawain sa mundo. Pinili kayo hindi dahil sa mga katangian ng inyong katawan kundi dahil sa inyong espirituwal na mga katangian, tulad ng katapangan, kagitingan, integridad, pagnanais sa katotohanan, pagnanais ng karunungan, at hangaring maglingkod sa kapwa.

“Tinaglay ninyo ang ilan sa mga katangiang ito bago pa kayo isilang. Ang iba ay maaari ninyong taglayin dito sa mundo habang masigasig ninyong hinahangad ito” (“Mga Pagpapasiya para sa Kawalang-Hanggan,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 107).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Ipamuhay ang ebanghelyo nang buong puso. Ikaw ay magiging isang gurong katulad ni Cristo sa pagtanggap mo ng ebanghelyo at sa pamumuhay ayon dito sa bawat araw ng iyong buhay. Sa pagtuturong tulad ni Cristo, hindi ka kailangang maging perpekto—magsikap ka lang at patuloy na magsikap. Kapag masigasig mong ginagawa ang iyong makakaya at humihingi ka ng tawad kapag ikaw ay nagkukulang, maaari kang maging disipulo ni Cristo na tulad ng kailangan Niya. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 13–14.)

Print