Lumang Tipan 2022
Oktubre 24–30. Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47: “Lalagyan Ko Kayo ng Bagong Espiritu sa Loob Ninyo”


“Oktubre 24–30. Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47: ‘Lalagyan Ko Kayo ng Bagong Espiritu sa Loob Ninyo,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Oktubre 24–30. Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2022

Larawan
si Jesus na nagpapastol sa mga tupa

Come, Follow Me [Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin], ni Scott Sumner

Oktubre 24–30

Ezekiel 1–3; 33–34; 36–37; 47

“Lalagyan Ko Kayo ng Bagong Espiritu sa Loob Ninyo”

Ang mga salita ni Ezekiel ay naingatan ng Panginoon para sa isang matalinong layunin at maaaring magpala sa mga miyembro ng klase mo. Pagnilayan ito habang pinag-aaralan mo ang mga isinulat ni Ezekiel sa linggong ito.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Inisip ng mga taong nakarinig kay Ezekiel na ang kanyang mga salita ay “maganda” at “mabuti,” “ngunit hindi nila iyon [ginawa]” (tingnan sa Ezekiel 33:30–33). Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng isang talata na natagpuan nila sa mga isinulat ni Ezekiel na naghikayat sa kanila na gumawa ng isang bagay.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Ezekiel 34

Inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na pakainin ang Kanyang mga tupa.

Para matulungan ang mga miyembro ng klase na makahanap ng personal na kahulugan sa Ezekiel 34, maaari mong isulat sa pisara ang mga sitwasyong maaari nilang maranasan, tulad ng paghahandang magmisyon, pagpapalaki ng mga anak, o pagtanggap ng isang ministering assignment. Maaaring pumili ng isang pagninilayan ang mga miyembro ng klase habang tahimik nilang binabasa ang Ezekiel 34:1–10. Anyayahan silang ibahagi kung anong payo batay sa mga talatang ito ang maaari nilang ibigay sa isang taong nasa sitwasyon na pinili nila. Ano ang ibig sabihin ng pakainin ang ating sarili sa halip na ang mga kawan ng Panginoon? Paano tayo magiging mga pastol na kagaya ng Tagapagligtas? (tingnan sa mga talata 11–16).

Maaari kayong mahikayat na magtanong ng mga bagay na tumutulong sa mga miyembro ng klase na pagnilayan ang simbolismo sa Ezekiel 34:11–31. Halimbawa, ano kaya ang kumakatawan sa “mabuting pastulan” at “mabuting lupaing pastulan” sa talata 14? Ano ang kaibhan sa pagitan ng isang tupang “nawala” at isang “naligaw”? (talata 16). Paano sinasagip ng Tagapagligtas ang dalawang klaseng ito ng tupa? Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng iba pang mga simbolong matatagpuan nila sa mga talatang ito at pag-usapan kung ano ang itinuturo sa kanila ng mga simbolong ito tungkol kay Jesucristo.

Ezekiel 37

Tinitipon ng Panginoon ang Kanyang mga tao at binibigyan sila ng bagong buhay.

  • Ang pagbasa sa Ezekiel 37 at pag-iisip tungkol sa pangako ng Panginoon na tipunin ang Israel ay makapagbibigay sa atin ng mga kabatiran kung ano ang kahulugan ng pagtitipon at paano tayo nakikibahagi rito. Para matulungan ang mga miyembro ng klase na makita ang mga kabatirang ito, maaari mong isulat sa pisara ang mga tanong na gaya ng Ano ang sinisikap na isakatuparan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtitipon ng Israel? Paano Niya ito isinasakatuparan? Pagkatapos ay maaari mong hilingin sa kalahati ng klase na basahin ang Ezekiel 37:1–14 at ipabasa sa natitirang kalahati ang Ezekiel 37:15–28 habang naghahanap sila ng mga kabatiran na maaaring ibigay ng dalawang siping ito sa mga tanong na nasa pisara. Maaaring makatulong na ipaliwanag na ang mga tungkod nina Jose at Juda na binanggit sa mga talata 16–19 ay kumakatawan sa Aklat ni Mormon at sa Biblia. Habang ibinabahagi ng mga miyembro ng klase ang kanilang mga sagot, hikayatin silang magsalita tungkol sa kanilang papel sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.

Larawan
disyerto at Dead Sea

Nakita ni Ezekiel sa pangitain ang isang ilog na dumadaloy mula sa templo at pinagagaling ang Dead Sea.

Ezekiel 47:1–12

Ang templo ay naghahatid ng espirituwal na pagpapagaling.

  • Maaaring ipaunawa ng mga larawan sa mga miyembro ng klase ang pangitaing inilarawan sa Ezekiel 47:1–12. Halimbawa, maaari kang magpakita ng larawan ng templo, ilog, disyerto, at Dead Sea (tingnan ang mga larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Aking—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at mga Larawan sa Biblia, blg. 3, “Ilang ng Judea”). Maaaring makatulong na ipaliwanag na ang Dead Sea ay napakaalat kaya hindi maaaring mabuhay roon ang mga isda at halaman. Maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang mga talata 1–12 at ibahagi kung ano ang hinahangaan nila tungkol sa mga tubig na inilarawan sa pangitain (tingnan din sa Apocalipsis 22:1 at ang pahayag sa “Karagdagang Resources”). Maaari din silang magdrowing ng mga larawan ng pangitain ni Ezekiel. Ano kaya ang isinisimbolo ng mga tubig na ito? Ano ang maaaring kinakatawan ng mga punong inilarawan sa talata 12? Marahil ay maaaring ibahagi ng mga miyembro ng klase kung paano naghatid sa kanila ng espirituwal na buhay at paggaling ang templo at mga pagpapala nito.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Maaari tayong mapagaling ng mga pagpapala ng templo.

Sa pagtukoy sa tubig na dumadaloy mula sa templo sa pangitain ni Ezekiel (tingnan sa Ezekiel 47:1–12), sinabi ni Elder Dale G. Renlund:

“Kapansin-pansin ang dalawang katangian ng tubig. Una, bagama’t walang mga sanga ang maliit na ilog, lumaki ito, mas lumapad at mas lumalim habang palayong dumadaloy ito. Ganito rin ang nangyayari sa mga pagpapala na dumadaloy mula sa templo kapag ibinubuklod ang mga indibiduwal bilang mga pamilya. Makabuluhang pag-unlad ang nangyayari pabalik at pababa sa mga henerasyon kapag pinag-ugnay-ugnay ang mga pamilya sa pamamagitan ng mga ordenansa ng pagbubuklod.

“Pangalawa, pinanibago ng ilog ang lahat ng bagay na madaluyan nito. Ang mga pagpapala ng templo ay may ganito ring nakamamanghang kakayahan na magpagaling. Maaaring pagalingin ng mga pagpapala ng templo ang mga puso at buhay at pamilya” (“Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 47–48).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang iba na tanggapin ang Espiritu. “Kung minsan, maaaring matukso ang mga guro na isipin na ang kaalaman o pamamaraan o personalidad nila ang nagbibigay-inspirasyon sa mga tinuturuan nila. … Ang layunin mo bilang guro ay hindi ang gumawa ng kahanga-hangang paglalahad ng lesson kundi ang tulungan ang iba na matanggap ang impluwensya ng Espiritu Santo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 10).

Print