Lumang Tipan 2022
Nobyembre 14–20. Amos; Obadias: “Inyong Hanapin ang Panginoon, at Kayo’y Mabubuhay”


“Nobyembre 14–20. Amos; Obadias: ‘Inyong Hanapin ang Panginoon, at Kayo’y Mabubuhay,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Lumang Tipan 2022 (2021)

“Nobyembre 14–20. Amos; Obadias,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School

Larawan
mukha ni Jesus na naiilawan ng mga kandila sa madilim na silid

Bread of Life [Tinapay ng Buhay], ni Chris Young

Nobyembre 14–20

Amos; Obadias

“Inyong Hanapin ang Panginoon, at Kayo’y Mabubuhay”

Habang pinag-aaralan mo ang Amos at Obadias, maging bukas sa mga impresyon tungkol sa dapat mong ituro sa mga miyembro ng klase mo. Itala ang mga ideyang ito, at humanap ng mga pagkakataong ibahagi ang mga ito sa klase ninyo sa araw ng Linggo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Tulad nina Amos at Obadias na nagbabala sa mga tao sa kanilang panahon, nagbibigay rin ng mga babala ang kanilang mga salita sa atin ngayon. Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga turo mula sa Amos at Obadias na angkop sa atin.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Amos 3:7–8; 7:10–15

Inihahayag ng Panginoon ang mga katotohanan sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

  • Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga katotohanan tungkol sa mga propeta na natagpuan nila sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya tungkol sa Amos 3 at Amos 7. Maaari mong ilista sa pisara ang kanilang mga sagot. Anong iba pang mga katotohanan tungkol sa mga propeta ang alam natin? (Para sa ilang ideya, tingnan sa Mga Paksa ang artikulong “Mga Propeta” [topics.ChurchofJesusChrist.org].) Hikayatin ang ilang miyembro ng klase na ibahagi kung paano nila natamo ang kanilang patotoo tungkol sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga propeta sa plano ng Diyos.

  • Paano natin maaaring ibahagi sa isang kaibigan kung bakit mahalagang magkaroon ng propeta sa ating panahon? Maaari mong ilista sa pisara ang mga bagay na maaaring itanong ng isang taong hindi miyembro ng Simbahan tungkol sa mga propeta. Paano natin maaaring sagutin ang ilan sa mga tanong na ito gamit ang Amos 3:7–8 at 7:10–15?

  • Talakayin ang tungkol sa mga propeta. Paano tayo natulungan ng mga propeta sa mga huling araw na mas mapalapit kay Jesucristo?

Amos 5; 8:11–12

Ang apostasiya ay parang pagkagutom sa pakikinig sa mga salita ng Panginoon.

  • Para masimulan ang isang talakayan tungkol sa pagkagutom na inilarawan ni Amos sa Amos 8:11–12, maaaring makatulong na rebyuhin nang bahagya ang espirituwal na kalagayan ng mga taong pinangangaralan niya. Paano tumalikod sa Panginoon ang mga Israelita? (tingnan, halimbawa, sa Amos 2:6–8; 5:11–12). Bakit makatutulong na malaman ang tungkol sa kanilang pagbagsak? Pagkatapos ay maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang Amos 8:11–12 at pag-usapan kung bakit magagandang salita ang “pagkagutom” at “pagkauhaw” para ilarawan ang kalagayan ng mga tumalikod sa Panginoon. Maaari ding saliksikin ng mga miyembro ng klase ang Amos 5 para sa mga talatang makatutulong sa atin na iwasang mag-apostasiya sa ating buhay (tingnan, halimbawa, sa mga talata 4, 11–12, 14–15, 25–26).

  • Ang pag-unawa sa espirituwal na pagkagutom na kaakibat ng apostasiya ay ipinauunawa sa atin ang espirituwal na piging na tinatamasa natin dahil sa Pagpapanumbalik. Maaari mong isulat sa pisara ang ilang tanong tungkol sa Apostasiya at Pagpapanumbalik, tulad ng Bakit nagkaroon ng apostasiya? Ano ang naging epekto ng Apostasiya sa mga anak ng Diyos? Ano ang naging epekto ng Pagpapanumbalik? Hikayatin ang mga miyembro ng klase na hanapin ang mga sagot sa mga ito at sa iba pang mga tanong gamit ang resources na gaya ng sumusunod: “Ang Mensahe ng Panunumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo” sa kabanata 3 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ([2004], 33–38); ang artikulo sa Mga Paksa ng Ebanghelyo na “Apostasiya” (topics.ChurchofJesusChrist.org); at ang sipi sa “Karagdagang Resources.” Anyayahan ang mga miyembro ng klase na pag-usapan ang mga katotohanang ipinanumbalik sa ating panahon na talagang makabuluhan sa kanila.

Larawan
grupo ng mga kabataang nakatayo sa harapan ng templo

Maaari tayong maging mga tagapagligtas sa Bundok ng Sion sa paggawa ng gawain sa templo at family history.

Obadias 1:21

“Ang mga tagapagligtas ay aahon sa Bundok ng Zion.”

  • Bakit magandang paglalarawan para sa atin ang pariralang “mga tagapagligtas … sa Bundok ng Zion” (Obadias 1:21) kapag gumagawa tayo ng gawain sa templo at family history? Paano tayo natutulungan ng gawaing ginagawa natin sa templo para sa ating mga ninuno na mas mapalapit sa Tagapagligtas na si Jesucristo? Maaaring magbahagi ang mga miyembro ng klase ng mga karanasan nila kamakailan nang gumawa sila ng gawain sa templo at family history.

Larawan
icon ng karagdagang resources

Karagdagang Resources

Mga aral mula sa nakaraan.

Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard:

“Sa maikling panahong sakop ng Bagong Tipan … kinalaban ng mga tao si Cristo at ang Kanyang mga Apostol. Ang pagbagsak ay napakatindi kaya nakilala natin ito bilang Malawakang Apostasiya, na humantong sa mga siglo ng kawalan ng pag-unlad at kawalan ng kaalaman sa espirituwal na tinatawag na Dark Ages.

“…Mahal ng ating Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang mga anak, at gusto Niyang makamtan nilang lahat ang pagpapala ng ebanghelyo sa kanilang buhay. Ang espirituwal na liwanag ay hindi naglaho dahil tinalikuran ng Diyos ang Kanyang mga anak. Bagkus, nangyayari ang espirituwal na kadiliman kapag sabay-sabay na tumalikod sa Kanya ang Kanyang mga anak. Ito ay likas na bunga ng mga maling pagpiling ginawa ng mga tao, komunidad, bansa, at ng buong sibilisasyon. Paulit-ulit itong napatunayan sa lahat ng panahon. Isa sa mga dakilang aral ng mga paulit-ulit na pangyayari sa kasaysayan ay ang ating mga pagpili, nag-iisa ka man o may mga kasama, ay may espirituwal na bunga para sa ating sarili at ating angkan” (“Matuto sa mga Aral ng Nakaraan,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 32).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Tulungan ang mga mag-aaral na makilala ang Espiritu Santo. “Kapag ipinahiwatig ng Espiritu Santo, itanong sa mga mag- aaral kung ano ang nadarama nila at ano sa pakiramdam nila ang dapat nilang gawin. Tulungan silang iugnay ang kanilang mga espirituwal na damdamin sa impluwensya ng Espiritu Santo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 11).

Print