Mga Kapansanan
Paano ako makapag-aambag at makapaglilingkod?


“Paano ako makapag-aambag at makapaglilingkod?” Disability Services: Mga Indibiduwal (2020)

“Paano ako makapag-aambag at makapaglilingkod?” Disability Services: Mga Indibiduwal

Paano ako makapag-aambag at makapaglilingkod?

Kid helps man in wheelchair rake leaves

Lahat ay may maiaambag. Sinabi ni Elder Joseph B. Wirthlin: “Hindi pinuno ng Panginoon ang mundo ng masiglang orkestra ng mga personalidad para lamang itangi ang mga piccolo sa mundo. Bawat instrumento ay mahalaga at nagdaragdag sa ganda ng pinagsamang mga tunog. Lahat ng anak ng Ama sa Langit ay may kaunting kaibhan, subalit bawat isa ay may sariling gandang nagdaragdag ng lalim at yaman sa kabuuan.”1

Binigyan kayo ng mga natatanging kaloob at talento mula sa inyong Ama sa Langit. Maaaring makatulong na itanong sa iba kung ano ang nakikita nila bilang inyong mga kasanayan at talento. Kausapin ang isang taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa mga paraan na pinakamainam mong mapaglilingkuran ang iba. Ipaalam sa iyong mga lokal na lider ang iyong mga hangaring maglingkod at kung paano mo magagamit ang iyong mga talento at kasanayan para mapagpala ang iba.

Nais ng ating Ama sa Langit na paglingkuran mo ang iba para sa Kanya. Kahit wala kang opisyal na tungkulin, makakahanap ka ng mga paraan para makapaglingkod sa iba bawat araw. Manalangin upang malaman kung paano mapaglilingkuran ang iba at magkaroon ng mga pagkakataong gawin iyon. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa ministering sa ministering.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Tala

  1. Joseph B. Wirthlin, “Pag-alala sa Nawala,” Liahona, Mayo 2008, 18.