“Pambungad,” Disability Services: Mga Indibiduwal (2020)
“Pambungad,” Disability Services: Mga Indibiduwal
Pambungad
Mahal ka ng ating Ama sa Langit. Kilala ka Niya. Batid Niya ang maraming hamon na kinakaharap mo. Nabigyan ka na ng maraming natatanging kaloob na magagamit upang pagpalain at paglingkuran ang mga nasa paligid mo. Kailangan ka ng iyong mga kapwa-miyembro ng Simbahan. Ikaw ay anak na lalaki o anak na babae na nilikha ayon sa wangis ng Ama sa Langit, na “dahil sa iyong pagkamarapat ay tatanggap ka ng paghahayag na tutulong sa iyong matwid na mga pagsisikap. Maaari mong taglayin ang banal na pangalan ng Panginoon. Maaari kang maging karapat-dapat na magsalita sa sagradong pangalan ng Diyos (tingnan sa D&T 1:20)” (Russell M. Nelson, “With God Nothing Shall Be Impossible,” Ensign, Mayo 1988, 35).