Mga Kapansanan
Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan


“Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan,” Disability Services: Mga Indibiduwal (2020)

“Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan,” Disability Services: Mga Indibiduwal

Mga Madalas Itanong tungkol sa Pakikibahagi sa Simbahan

Girl in wheelchair with family at temple
  • Maaari ba akong mabinyagan? Kung may hangarin kang magpabinyag, makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo, tulad ng iyong mga magulang, tagapag-alaga, o kaibigan, tungkol sa iyong mga hangarin. Iparating din sa inyong bishop o branch president ang iyong hangarin. Matutulungan ka nilang gawin ang pinakamainam na desisyon. Karaniwan, ang mga ordenansa ay hindi ipinagkakait kung ikaw ay karapat-dapat, may hangaring tanggapin ang mga ito, at maaaring magpamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan (tingnan sa General Handbook: Serving in the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints [Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw], 38.2.1.8; Katie E. Steed, “Handa na Bang Mabinyagan ang Anak Kong may Kapansanan?Liahona, Hunyo 2020, 50–53).

  • Maaari ba akong makibahagi sa mga ordenansa sa templo? Kung may hangarin kang makapunta sa templo, ipabatid ito sa inyong bishop o branch president. Matutulungan ka niyang gumawa ng pinakamainam na desisyon tungkol sa pagtanggap ng mga ordenansa sa templo at matutulungan kang maghandang tanggapin ng amga ordenansang ito sa tamang panahon. Karaniwan, ang mga ordenansa ay hindi ipinagkakait kung ikaw ay karapat-dapat, may hangaring matanggap ang mga ito, at maaaring magpamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan. Dapat mo ring maunawaan ang mga layunin at walang-hanggang kabuluhan ng mga templo. Kapag nakatanggap ka na ng temple recommend, mapanalanging pag-isipan ang anumang tulong na maaaring kailanganin mo dahil sa iyong kapansanan. Tiyaking ipabatid nang maaga ang iyong mga pangangailangan sa isang taong pinagkakatiwalaan mo o sa isang temple worker kapag pumapasok ka sa templo. Sa bawat templo ay may mga temple worker na maaaring tumulong sa mga may kapansanan.

  • Maaari ba akong tumanggap ng priesthood? Lahat ng kalalakihang nasa tamang edad na para tumanggap ng priesthood ay hinihikayat na tumanggap ng priesthood. Kung may hangarin kang tumanggap ng priesthood, kausapin ang iyong mga magulang at talakayin ang iyong mga hangarin sa inyong bishop o branch president. Karaniwan, ang priesthood ay hindi ipinagkakait kung ikaw ay karapat-dapat, may hangaring matanggap ito, at nagpapamalas ng angkop na antas ng responsibilidad at pananagutan (tingnan sa General Handbook [Pangkalahatang Hanbuk], 38.2.5.4).

  • Maaari ba akong magmisyon? Maraming oportunidad na makapagmisyon ang mga miyembrong may kapansanan na may hangaring magmisyon. Kung nadarama mong hinihikayat ka ng Espiritu na magmisyon, makipag-ugnayan sa iyong mga magulang at bishop o branch president upang iparating ang iyong hangarin. Para malaman ang tungkol sa mga pagkakataong makapagmisyon para sa mga miyembrong may kapansanan, mangyaring bisitahin ang ChurchofJesusChrist.org/service-missionary.