Mga Kapansanan
Bakit nangyari ito sa akin? May ginawa ba ako?


“Bakit nangyari ito sa akin? May ginawa ba ako?” Disability Services: Mga Indibiduwal (2020)

“Bakit nangyari ito sa akin? May ginawa ba ako?” Disability Services: Mga Indibiduwal

Bakit nangyari ito sa akin? May ginawa ba ako?

Woman giving talk at pulpit

“Sa kanyang paglalakad, nakita [ni Jesus] ang isang lalaking bulag mula pa sa kanyang pagkapanganak.

“Tinanong siya ng kanyang mga alagad, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya’y ipinanganak na bulag?

“Sumagot si Jesus, “Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, o ang kanyang mga magulang man, kundi upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Diyos” (Juan 9:1–3).

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson: “Dahil sa mga dahilang kadalasan ay hindi alam, ang ilang tao ay isinilang na may pisikal na limitasyon. Maaaring abnormal ang ilang bahagi ng katawan. Maaaring hindi gumagana nang angkop ang mga sistema sa katawan. At ang buong katawan natin ay daranas ng sakit at kamatayan. Gayunman, ang pisikal na katawan na ipinagkaloob sa atin ay walang katumbas. Kung wala nito, hindi natin matatanggap ang ganap na kagalakan.”1

Bilang bahagi ng plano ng Ama sa Langit, dumaranas tayo ng paghihirap sa mortalidad. Bagama’t magkakaiba ang mga detalye ng ating mga hamon sa buhay, ang mga di-inaasahang pagsubok—pisikal, mental, at espirituwal—ay dumarating sa bawat isa sa atin dahil lahat ng ito ay bahagi ng ating buhay sa mundo. Anumang mga hirap o pagsubok ang kinakaharap natin, matutulungan tayo ng mga ito na espirituwal na lumago at maging higit na katulad ng ating Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Ang sinabi ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith sa Liberty Jail ay maaaring iangkop din sa mga pagsubok sa mga taong may kapansanan: “Alamin mo … na ang lahat ng bagay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan, at para sa iyong ikabubuti” (Doktrina at mga Tipan 122:7).

Mga Tala

  1. Russell M. Nelson, “We Are Children of God,” Ensign, Nob. 1998, 86.