Mga Kapansanan
Sino ang mga disability specialist at disability activity leader at paano sila makatutulong?


“Sino ang mga disability specialist at disability activity leader at paano sila makatutulong?” Disability Services: Mga Lider (2020)

“Sino ang mga disability specialist at disability activity leader at paano sila makatutulong?” Disability Services: Mga Lider

Sino ang mga disability specialist at disability activity leader at paano sila makatutulong?

Babae na nagtuturo sa bata sa harap ng isang kompyuter

Mga Disability Specialist

Ang bishopric o stake presidency ay maaaring tumawag ng isang ward o stake disability specialist para tulungan ang mga indibiduwal at pamilyang may kapansanan o mga tagapag-alaga ng mga may kapansanan (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 38.8.28.9). Ang tungkulin ng isang disability specialist ay tumulong na pangasiwaan ang dagdag na partisipasyon at pagsali ng mga miyembro ng Simbahan na may kapansanan; gayunman, ang responsibilidad na pangalagaan ang iba ay responsibilidad ng lahat (tingnan sa Mosias 18:8–9).

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa papel ng isang disability specialist o kung paano magsimula bilang disability specialist, magpunta sa Aking Tungkulin: Disability Specialist.

Mga Disability Activity Leader (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.8.28.5)

Ang mga adult na miyembro ay maaaring tawagin bilang mga disability activity leader. Ang mga lider na ito ay nagpaplano at nagsasagawa ng disability activity program. Sumasangguni sila sa mga ward at stake disability specialist (tingnan sa General Handbook, 38.8.28.9) para anyayahan ang mga miyembrong may kapansanan na makibahagi. Nag-uusap-usap sila kung paano tutugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembrong iyon.

Ang mga disability activity leader ay tinatawag at isine-set apart sa ilalim ng pamamahala ng agent bishop o agent stake president. Maaari ring atasan ng stake president ang isang high councilor na maglingkod bilang disability activity leader.

Kinukumpleto ng mga lider na naglilingkod sa anumang edad na may kapansanan ang pagsasanay sa ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org. Para sa mga karagdagang kinakailangan sa kaligtasan para sa mga lider, tingnan ang disability.ChurchofJesusChrist.org.

Kapag inanyayahan, ang mga disability activity leader ay maaaring dumalo sa mga stake o ward leadership meeting.

Mga tuntunin para sa mga disability activity program. Ang mga disability activity program ay inoorganisa para tulungan ang mga kalahok na umunlad sa espirituwal, sa pakikisalamuha, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52). Ang mga lider ang nagpapasiya kung gaano kadalas ang mga aktibidad. Isinasaalang-alang nila ang bilang ng mga kalahok, layo ng paglalakbay, at iba pang mga sitwasyon.