Seminary
Lesson 8—Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26: “Nakakita Ako ng Dalawang Katauhan, na ang Liwanag at Kaluwalhatian ay Hindi Kayang Maisalarawan”


“Lesson 8—Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26: ‘Nakakita Ako ng Dalawang Katauhan, na ang Liwanag at Kaluwalhatian ay Hindi Kayang Maisalarawan,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 8: Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

Joseph Smith—Kasaysayan 1:15-20

“Nakakita Ako ng Dalawang Katauhan, na ang Liwanag at Kaluwalhatian ay Hindi Kayang Maisalarawan”

Unang-pangitain-ama-at-anak

Dagdag pa sa nasagot ang tanong ni Joseph Smith kung aling simbahan ang dapat niyang sapian, itinuro sa atin ng pagpapakita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga katotohanang tulad ng katangian ng Panguluhang Diyos at ang kaugnayan natin sa Kanila. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mahahalagang katotohanan na inihayag tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa Unang Pangitain ni Joseph.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga salitang nagpabago sa mundo

Maaari mong isulat sa pisara ang Walong salita mula sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 na nagpabago sa buong mundo bago magklase. Sa pagpasok ng mga estudyante sa silid at habang hinihintay nilang magsimula ang lesson, sabihin sa kanila na subukang tukuyin ang mga salita mula sa talatang ito na akma sa paglalarawang ito.

Minsan ay itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson sa isang grupo ng mga bata na “[walong] salita ang nagpabago sa buong mundo” (sa “Seven Words That Changed the World” [video], ChurchofJesusChrist.org).

2:12
  • Ano sa palagay ninyo ang mga salitang iyon?

Ang tinutukoy ni Pangulong Nelson ay ang huling walong salita ng Joseph Smith—Kasaysayan 1:17. Basahin ang walong salitang iyon at isiping isulat ang pahayag ni Pangulong Nelson sa inyong mga banal na kasulatan malapit sa dulo ng talata.

icon ng doctrinal mastery Ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan para madali nilang mahanap ang mga ito.

Anyayahan ang isang boluntaryo na sabihin sa klase kung sino ang nagsabi ng walong salitang ito, kung sino ang tinutukoy Niya, at kung kanino Siya nangungusap.

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na talagang pag-isipan at ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong.

  • Sa inyong palagay, sa paanong paraan binago ng walong salitang iyon ang mundo? Paano nakaapekto ang mga ito sa inyong buhay?

Mga katotohanan na maaari nating matutuhan mula sa Unang Pangitain

Ang sumusunod na bahagi ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy at maunawaan ang maraming katotohanan mula sa salaysay tungkol sa Unang Pangitain, lalo na ang mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Kanilang Simbahan.

Maaari kang magdrowing ng apat na stick figure sa pisara, na bawat isa ay may thought bubble na naglalaman ng isa sa mga sumusunod na tanong. (Huwag mag-atubiling gumamit ng iba’t ibang tanong na maaaring mayroon ang mga estudyante sa klase mo tungkol sa Diyos o sa Kanyang Simbahan.) Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo, kung saan magsasaliksik ang bawat grupo sa mga talata 15–20 para sa mga sagot sa isa sa mga tanong. Ipasulat sa isang kinatawan mula sa bawat grupo ang mga numero ng talatang nahanap nila na tumutulong sa pagsagot sa kanilang tanong sa tabi ng thought bubble na nasa pisara.

Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20, at alamin kung paano ninyo sasagutin ang mga sumusunod na tanong ng isang tao, gamit ang salaysay na ito:

  • Alam ba ng Diyos ang tungkol sa atin?

  • Nangungusap ba ang Diyos sa mga tao sa ating panahon?

  • Mahalaga ba kung anong simbahan ang kinabibilangan natin? Bakit?

  • Posible bang malaman kung ano ang totoo? Paano?

Anyayahan ang mga grupo na ibahagi sa klase kung bakit nila pinili ang mga talatang pinili nila para sagutin ang kanilang tanong.

Maaari kang magbigay ng mga follow-up na tanong habang nagbabahagi ang mga estudyante, tulad ng mga ito: “Ano pa ang napansin ninyo sa talatang ito na mahalagang maunawaan ng mga tao ngayon?” “Ano ang iba pang karaniwang maling pagkaunawa tungkol sa Diyos ang nililinaw ng Unang Pangitain?” “Sa inyong palagay, bakit magpapakita ang Diyos Ama nang personal upang pasimulan ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo?” “Ano ang matututuhan natin sa kung paano ipinakilala ng Ama sa Langit si Jesucristo kay Joseph sa talata 17?”

Maaari mong ibahagi ang mga pahayag mula sa bahaging “Karagdagang Resources” para suportahan ang mga katotohanang ibabahagi ng mga estudyante o tulungan silang makita ang mga katotohanang hindi nila natuklasan nang mag-isa.

Maraming salaysay tungkol sa Unang Pangitain

Nag-aalala ang ilang tao nang malaman nila na nagbahagi si Joseph Smith ng mga natatanging detalye ng Unang Pangitain sa iba’t ibang pagkakataon kapag inilalarawan niya ang kanyang karanasan. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na isang pagpapala na marami tayong salaysay tungkol sa maluwalhating pangitaing ito. Ang pagpapaliwanag ng nilalaman sa sumusunod na talata ay maaaring makatulong.

May ideya rin sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” na maaaring makatulong.

Isinulat ni Joseph Smith ang salaysay ng Unang Pangitain sa Joseph Smith—Kasaysayan noong 1838 bilang bahagi ng opisyal na kasaysayan ng Simbahan na ilalathala sa mundo. Mapalad din tayong magkaroon ng iba pang mga salaysay tungkol sa Unang Pangitain—kung saan tatlo ang isinulat o idinikta ni Joseph. Bawat salaysay ay inihanda sa iba’t ibang pagkakataon para sa iba’t ibang tao at, samakatuwid, binibigyang-diin nito ang iba’t ibang aspeto ng kanyang karanasan. Halimbawa, sa salaysay ni Joseph noong 1835, nalaman natin na nakakita rin siya ng mga anghel, samantalang sa kanyang salaysay noong 1832, isinalaysay niya ito upang ilarawan ang ibinunga ng pagiging nasa presensya ng Diyos: “Ang aking kaluluwa ay puspos ng pagmamahal, at sa loob ng maraming araw maaari akong magalak nang may malaking kagalakan” (“Mga Salaysay ni Joseph Smith Tungkol sa Unang Pangitain,” josephsmithpapers.org; tingnan din sa Gospel Library app).

  • Ano ang itinuturo sa inyo ng epekto ng pagdalaw ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kay Joseph tungkol sa Kanila?

Ang bawat salaysay ay nagbigay sa atin ng mga natatanging detalye, ngunit lahat ay sumasang-ayon sa mahalagang katotohanan na si Joseph Smith ay pinagbuksan ng kalangitan at nakakita ng mga banal na sugo, kabilang na ang Diyos Ama at si Jesucristo.

Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para saliksikin ang bahaging “Mga Salaysay ni Joseph Smith Tungkol sa Unang Pangitain” sa Gospel Library app. Makikita nila ito sa pamamagitan ng pagpili sa “Library,” pagkatapos ay “Kasaysayan ng Simbahan,” pagkatapos ay “Mga Sanaysay tungkol sa mga Paksa ng Ebanghelyo.” Maaaring bumuo ang mga estudyante ng mga grupo, kung saan ang bawat estudyante ay magsasaliksik ng iba’t ibang salaysay para sa mga karagdagang katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Maaari ding maghanap ang mga estudyante ng mga karagdagang katotohanan sa video na “Humingi sa Dios: Unang Pangitain ni Joseph Smith” (6:35), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Kabilang sa video na ito ang mga detalye mula sa bawat isa sa mga salaysay ni Joseph Smith.

icon ng trainingTumuon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo: Para sa karagdagang training tungkol sa mga tanong na nag-aanyaya sa mga estudyante na pag-isipan ang nalaman nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, tingnan ang training na may pamagat na “Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay,” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo.

6:35
  • Ano pa ang itinuturo ng mga salaysay na ito tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Kanilang Simbahan na ipinagpapasalamat ninyong malaman?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na tapusin ang lesson sa pagsulat sa kanilang study journal ng isang katotohanan na nalaman nila mula sa Unang Pangitain ni Joseph Smith na mahalaga sa kanila at kung bakit. Mag-anyaya ng mga boluntaryo na ibahagi sa klase ang isinulat nila.

Isaulo

Maaari mong tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan ng Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 at pagkatapos ay balikan ang mga ito sa mga susunod na lesson. Ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan ay “si Joseph Smith ay ‘nakakita ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan.’” Ang mga ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”