Seminary
Lesson 9—Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26: “Nakakita Ako ng Isang Pangitain … at Ito’y Hindi Ko Maipagkakaila”


“Lesson 9—Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26: ‘Nakakita Ako ng Isang Pangitain … at Ito’y Hindi Ko Maipagkakaila,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 9: Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26

“Nakakita Ako ng Isang Pangitain … at Ito’y Hindi Ko Maipagkakaila”

si-Joseph-na-bumabalik-mula-sa-sagradong-kakahuyan

Matapos ibahagi ang kanyang karanasan sa Unang Pangitain sa isang lokal na ministro ng simbahan, ang 14 na taong gulang na si Joseph Smith ay kaagad na naging puntirya ng pag-uusig. Gayunman, hindi nito nabawasan ang kanyang pananalig na nagpakita sa kanya ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ang lesson na ito ay makapagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong madama ang Espiritu Santo na nagpapatotoo sa kanila na nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Propetang Joseph Smith.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano kaya ang mararamdaman ninyo?

Maaari mong simulan ang klase sa pag-anyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang sarili nilang patotoo na tinawag ng Diyos si Joseph Smith na maging Kanyang Propeta. Ang sumusunod na kuwento at mga tanong ay maaaring makatulong na maisakatuparan ito.

Nagbahagi si Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) ng isang kuwento tungkol sa dalawang missionary na kinutya dahil sa kanilang patotoo tungkol kay Joseph Smith.

2:3
Pangulong Thomas S. Monson

Kumatok ang dalawang [misyonero] sa bahay ni Mr. Elmer Pollard. … Ipinarinig nila ang kanilang mensahe at itinanong kung puwede siyang sumali sa pagdarasal. Pumayag siya, sa kundisyong siya ang magdarasal.

Nagulat ang mga misyonero sa panalanging sinambit niya. Sabi niya, “Ama sa Langit, basbasan po Ninyo ang dalawang sawimpalad at naliligaw na mga misyonerong ito, para makauwi na sila sa kanilang tahanan at hindi mag-aksaya ng oras sa kasasabi sa mga taga-Canada ng [tungkol sa] isang di kapani-paniwalang mensahe na kakatiting lang ang alam nila.”

Pagtindig nila mula sa pagkakaluhod, sinabi ni Mr. Pollard sa mga misyonero na huwag nang babalik sa bahay niya. Paglisan nila, pakutyang sinabi nito sa kanila, “Huwag ninyong sabihin sa akin na talagang naniniwala kayo na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos!” at [ibinalibag] niya ang pinto. (Thomas S. Monson, “Si Propetang Joseph Smith: Huwarang Guro,” Liahona, Nob. 2005, 69)

Anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal. Maaari mong hilingin sa mga boluntaryo na ibahagi sa klase ang kanilang sagot sa pangalawang tanong.

  • Gaano ka kakumpiyansa na makapagpapatotoo ka na si Joseph ay dinalaw ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at tinawag siya bilang propeta?

  • Paano makakaimpluwensya sa iyong buhay at kaugnayan sa Diyos ang pag-alam niyan para sa iyong sarili?

Habang pinag-aaralan ninyo ang lesson na ito, pag-isipan kung ano ang ibig sabihin sa inyo ng Unang Pangitain at kung paano nito nabago o maaaring mabago ang inyong buhay. Magkakaroon kayo ng pagkakataon sa katapusan ng lesson na isulat ang inyong mga pagmumuni-muni sa inyong study journal.

Ang katotohanan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith

Matapos magpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph Smith, ibinahagi niya ang karanasan sa isang mangangaral ng isa sa mga lokal na simbahan.

Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–23, at alamin kung paano tumugon ang mangangaral at ang marami pang iba nang marinig nila ang tungkol sa pangitain ni Joseph.

  • Ano ang pinakanapansin ninyo mula sa paglalarawan ni Joseph sa nangyari sa mga talatang ito?

  • Sa paanong mga paraan ninyo naranasan ang oposisyon sa alam ninyong totoo?

  • Bakit mahalagang magkaroon ng sariling patotoo sa katotohanan kapag nag-aalinlangan ang iba sa sinasabi ninyo?

Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:24–26 at markahan ang mga salita at parirala kung saan pinagtibay ni Joseph ang katotohanan ng kanyang pangitain.

  • Anong mga katotohanan ang matututuhan natin sa mga talatang ito?

    Maaaring tumukoy ang mga estudyante ng iba’t ibang katotohanan. Pasalamatan sila sa pagbabahagi ng nalaman nila. Isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay totoong nagpakita kay Joseph Smith bilang sagot sa kanyang panalangin.

    Maaaring makatulong na ilista sa tabi ng katotohanan sa pisara ang mga salita at parirala na minarkahan ng mga estudyante. Bilang alternatibo, maaaring isulat ng mga estudyante ang mga salita o parirala sa maliliit na piraso ng papel at maaari nilang idikit ang mga ito sa pisara.

  • Ayon sa talata 25, paano nakatulong kay Joseph ang naunawaan niya tungkol sa Diyos upang mapanindigan ang alam niyang totoo?

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong pagnilayan at isulat sa kanilang journal ang kahulugan ng Unang Pangitain para sa kanila. Maaari silang mag-ukol ng 10 hanggang 15 minuto sa paggawa nito. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng aktibidad na may tagubilin para matulungan silang magnilay at magsulat, tulad ng mga nakalista sa ibaba, ay makatutulong sa kanila na madama ang pagpapatotoo sa kanila ng Espiritu Santo tungkol sa Unang Pangitain. Maaari mong ipakita ang mga aktibidad na ito at hayaang piliin ng mga estudyante ang gusto nilang gawin, o maaari mong piliin kung ano ang gagawin ninyong lahat sa klase. Ang unang dalawang aktibidad ay maaaring magandang gawin ng buong klase.

  1. Kantahin bilang isang klase o basahin ang mga titik ng himnong “Unang Panalangin ni Joseph Smith” (Mga Himno, blg. 20). Narito ang isang bersiyon ng Tabernacle Choir sa Temple Square na kinakanta ang himno:

    4:8
  2. Panoorin ang video na “A Choice Seer Will I Raise Up: Prophet of the Restoration” (4:42), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

    4:42
  3. Isulat ang mga salita ng Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17 sa iyong journal, at pagnilayan nang mabuti ang mga salita. O kung maaari, i-record at pakinggan ang iyong sarili na binabasa ang mga salitang ito sa isang digital device.

  4. Basahin ang isang mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa Unang Pangitain. Narito ang ilang pagpipilian:

    1. Ang mga Bunga ng Unang Pangitain” (Dieter F. Uchtdorf, Liahona, Mayo 2005, 36–38)

    2. Joseph Smith Did See God” (Joseph F. Merrill, Ensign, Dis. 2015, 70–71)

Maaari mong isalaysay ang natitirang bahagi ng kuwento tungkol kay Mr. Pollard na matatagpuan sa “Si Propetang Joseph Smith: Huwarang Guro” Liahona, Nob. 2005, 69.

2:3

Isulat sa iyong journal kung ano ang kahulugan sa iyo ng Unang Pangitain. Isama sa iyong pagninilay ang patotoo mo o kung paano sa palagay mo mapagpapala ang iyong buhay ng pagkakaroon ng patotoo tungkol sa Unang Pangitain.

Kapag natapos na ang mga estudyante, anyayahan ang mga gustong magbahagi ng kanilang patotoo o damdamin tungkol kay Joseph Smith at sa Unang Pangitain. Maaari mong ibahagi kung paano mo nalaman ang katotohanan ng pagdalaw ng Ama sa Langit at ni Jesucristo kay Joseph Smith.