Seminary
Buod ng Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26


“Buod ng Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan, (2025)

“Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

Buod

Sa batang edad, ninais ni Joseph Smith na sundin si Jesucristo at hinangad niyang malaman kung aling simbahan ang tama at kung alin ang dapat niyang sapian. Ang kanyang paghahanap ay umakay sa kanya patungo sa isang kakahuyan malapit sa kanyang tahanan upang magtanong sa Diyos. Bilang sagot, nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph at sinimulan ang Pagpapanumbalik ng tunay na Simbahan ng Diyos sa lupa. Matapos ibahagi ang karanasang ito tungkol sa Unang Pangitain, naging puntirya ng pag-uusig si Joseph. Gayunman, hindi ito nakabawas sa kanyang pananalig na nagpakita sa kanya ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

icon ng trainingTumuon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo: Ang makilala at mahalin ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay tutulong sa mga estudyante na magbalik-loob upang sundin Sila. Habang naghahanda at nagtuturo ka ng mga lesson, patuloy na humingi ng inspirasyon para sa mga paraan na maitutuon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang karanasan sa pag-aaral. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito gawin, tingnan ang bahaging “Tulungan ang mga Mag-aaral na Lumapit kay Jesucristo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gagawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–14

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matularan ang halimbawa ni Joseph Smith sa kanilang mga pagsisikap na matutuhan ang katotohanan mula sa Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipaliwanag sa mga estudyante na ang pamilya ni Joseph Smith ay regular na nag-aaral ng Biblia, nananalangin, at nag-uusap-usap tungkol sa relihiyon. Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang turo ng ebanghelyo na nararanasan nila sa kanilang tahanan. Pagkatapos ay maaaring bigyan ang mga estudyante ng oras sa klase para magbahagi kung paano sila naimpluwensyahan ng pag-aaral ng ebanghelyo na nakasentro sa tahanan o kung paano nila nadarama na mapagpapala nito ang kanilang tahanan ngayon at sa hinaharap.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mahahalagang katotohanang inihayag tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo mula sa Unang Pangitain ni Joseph Smith.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makapagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong madama ang Espiritu Santo na nagpapatotoo sa kanila na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith.