Seminary
Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65: Buod


“Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan, (2025)

“Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65

Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65

Buod

Tatlong taon matapos ang Unang Pangitain, ninais ni Joseph Smith na malaman ang kanyang katayuan sa harapan ng Diyos. Nanalangin siya na patnubayan ng Diyos. Nagpakita ang anghel na si Moroni at sinabi nito kay Joseph na may gawaing ipagagawa sa kanya ang Diyos. Binanggit ni Moroni ang tungkol sa mga laminang ginto at ang mga propesiya sa Biblia na tutulong si Joseph Smith para maisakatuparan ang mga ito, kabilang na ang propesiya ni Malakias na ibabaling ni Elijah ang mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama.

icon ng trainingMagturo sa pamamagitan ng Espiritu: Ang Espiritu Santo ay sumasaksi sa katotohanan, nagpapatotoo tungkol kay Cristo, at napagbabago Niya ang mga puso. Sa pamamagitan lamang ng Espiritu Santo maisasakatuparan natin ang pinakamithiin ng pagtuturo ng ebanghelyo—ang patibayin ang pananampalataya kay Jesucristo at tulungan ang iba na maging higit na katulad Niya. Maghanap ng mga paraan upang maanyayahan ang Espiritu Santo na gampanan ang Kanyang mga tungkulin. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito nagawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagbigay ng mga Pagkakataon sa mga Tao na Maturuan ng Espiritu Santo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga pagsusuri sa sarili ay maaaring isang paraan para magawa ito. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na pinamagatang “Doktrina at mga Tipan 2”.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–50

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagtawag kay Joseph Smith bilang propeta ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng mga makabuluhang katotohanan na inihayag dahil tinawag ng Diyos si Joseph Smith na maging propeta.

Joseph Smith—Kasaysayan 1:50–65

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan na tutulungan sila ng Panginoon na maisakatuparan ang gawaing ipinagagawa Niya sa kanila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na pinag-iisipan kung paano sila makikinabang sa tulong ng Tagapagligtas sa kanilang buhay.

  • Nilalamang ipapakita: Maaari mong kopyahin ang chart sa pisara bago magklase.

Doktrina at mga Tipan 2

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang paanyaya ng Panginoon na ibaling ang kanilang puso sa kanilang mga ninuno.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaaring maghanda ang mga estudyante na magbahagi ng tungkol sa isang tao mula sa sarili nilang family history. Maaari nilang gamitin ang tab na “Memories” sa FamilySearch para maghanap ng kuwento tungkol sa isang kamag-anak sa kanilang family tree.

  • Mga Materyal: Paalalahanan ang mga estudyante na dumating sa klase na may nakahandang username at password para makapag-log in sa FamilySearch.org. Magagamit nila ang log-in information ng kanilang Church account para ma-access ang FamilySearch.org. Magbigay ng papel at gunting para makagawa ng kadenang papel.