Seminary
Lesson 12—Doktrina at mga Tipan 2: Ang Ating mga Puso ay Babaling sa Ating mga Ninuno


“Lesson 12—Doktrina at mga Tipan 2: Ang Ating mga Puso ay Babaling sa Ating mga Ninuno,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 2: Ang Ating mga Puso ay Babaling sa Ating mga Ninuno,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 12: Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27-65

Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65

Ang Ating mga Puso ay Babaling sa Ating mga Ninuno

Gawain sa family history

Nang magpakita kay Joseph Smith ang anghel na si Moroni, isang propeta sa Aklat ni Mormon, binanggit niya ang ilang propesiya sa banal na kasulatan. Ang isa ay ang pahayag ni Malakias na babalik ang propetang si Elijah at “ang mga puso ng mga anak ay babaling sa kanilang mga ama” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makibahagi sa pagsasakatuparan ng propesiya ng Panginoon na ibabaling ang kanilang puso sa kanilang mga ninuno.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang aking pamilya

Upang matulungan ang mga estudyante na maisip ang kanilang mga ninuno at kung bakit tayo gumagawa ng family history, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gawin ang sumusunod na aktibidad.

Paalala: Ang ilang estudyante ay dumaranas ng mahihirap na sitwasyon sa pamilya. Maging sensitibo sa mga taong maaaring may mga alalahanin, tulad ng pagiging nakaugnay nang walang-hanggan sa kanilang pamilya o kung hindi nila kilala ang kanilang pamilya na kadugo nila.

Maaaring makatulong na ibahagi ang Karagdagang Resource na “Paano makatutulong ang gawain sa templo at family history sa pagpapagaling ng mga ugnayan ng pamilya?

Isulat ang lahat ng tao sa iyong family tree na naaalala mo. Tingnan kung ilang henerasyon ang maisasama mo.

  • Paano naimpluwensyahan ng mga indibiduwal na ito ang iyong buhay?

  • Ano ang isang makabuluhang karanasan na maibabahagi mo tungkol sa isa sa mga miyembrong ito ng pamilya?

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang pakikibahagi sa gawain sa family history at sa templo ay isang paraan na makatutulong sila upang maisakatupran ang plano ng Ama sa Langit na pagkaisahin ang Kanyang mga anak nang walang hanggan. Upang matulungan ang mga estudyante na masuri kung ano ang nadarama nila sa kasalukuyan tungkol sa pakikibahagi sa family history, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na prompt.

Alin sa mga pahayag na ito ang pinakamahusay na naglalarawan sa nadarama ninyo sa family history?

  • Gustung-gusto kong gumawa ng family history at may nakikita akong malinaw na dahilan para gawin ito.

  • Alam kong mahalaga ang family history pero hindi ako masyadong gumugugol ng oras sa paggawa nito.

  • Alam kong mahalaga ang family history, pero hinahayaan ko ang iba pang mga miyembro ng pamilya na asikasuhin ito.

  • Wala talaga akong nakikitang malinaw na dahilan para gumawa ng family history.

Hikayatin ang mga estudyante na suriin kung paano naimpluwensyahan ang damdamin nila tungkol sa gawain sa family history at templo habang pinag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 2.

icon ng trainingMagturo sa pamamagitan ng Espiritu: Para sa karagdagang training sa paggawa ng mga pagsusuri sa sarili ng mga estudyante, tingnan ang training na may pamagat na “Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral,” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magturo sa Pamamagitan ng Espiritu.

Ang pagbabalik ng propetang si Elijah

ang batang si Joseph Smith na nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Upang maibigay ang konteksto para sa Doktrina at mga Tipan 2, maaari kang magpakita ng larawan ng anghel na si Moroni na nagpakita kay Joseph at anyayahan ang mga estudyante na ikuwento ang naaalala nila tungkol sa kanyang pagdalaw. Bilang alternatibo, maaari mong ibahagi ang mga sumusunod na talata gamit ang sarili mong mga salita o ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante.

Nang magpakita ang anghel na si Moroni sa 17-taong gulang na si Joseph Smith, binanggit ni Moroni ang ilang sinaunang propesiya na nakatala sa Biblia. Ang mga propesiyang ito ay naghayag ng higit pa tungkol sa gawain ni Joseph sa hinaharap at kasama rito ang mga pangyayaring magaganap bago at pagkatapos ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Ang isang propesiya sa Lumang Tipan na binanggit ni Moroni ay ang Malakias 4:5–6. Ang mga salita ni Moroni ay nakatala sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39 at Doktrina at mga Tipan 2, na naghahayag na ang propetang si Elijah ay babalik sa lupa bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Maaaring interesado ang mga estudyante na malaman na ang pagbabalik ni Elijah ay tinukoy sa bawat isa sa mga aklat ng mga banal na kasulatan (tingnan sa Malakias 4:5–6; 3 Nephi 25:5–6; Doktrina at mga Tipan 2; Joseph Smith—Kasaysayan 1:38–39). Habang binabasa ng mga estudyante ang mga sumusunod na talata, tulungan silang bigyang-kahulugan ang anumang salita at pariralang hindi nila nauunawaan.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 2, at alamin kung bakit mahalaga ang pagbabalik ni Elijah sa mga anak ng Ama sa Langit (tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 128:17–19).

  • Ano ang mga tanong ninyo tungkol sa mga talatang ito?

    Ang sumusunod ay makatutulong sa pagsagot sa mga tanong ng mga estudyante tungkol sa Doktrina at mga Tipan 2:

    • Ang “Pagkasaserdote, sa pamamagitan ng kamay ni Elijah” (talata 1) ay tumutukoy sa kapangyarihang magbuklod na ipinanumbalik ni Elijah sa Kirtland Temple noong Abril 3, 1836 (tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 110:13–16).

    • Ang “dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon” (talata 1) ay tumutukoy sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

    • Ang “mga pangakong ginawa sa mga ama” (talata 2) ay maaaring tumukoy sa Tipang Abraham at mga pangakong ginawa kina Abraham, Isaac, at Jacob (tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 27:9–10).

    • Ang isang paraan ng pagbaling ng mga puso ng mga anak sa kanilang mga ama ay sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history.

    • Kung wala ang pagbubuklod ng mga pamilya, ang mga layunin ng mundo ay hindi maisasakatuparan; ang mundo ay “lubusang mawawasak” (talata 3; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 128:17–19).

  • Paano nakaimpluwensya sa mga pamilya ang pagbabalik ni Elijah?

  • Anong mga katotohanan ang matutukoy ninyo sa Doktrina at mga Tipan 2?

Maaaring isulat ng mga estudyante sa pisara ang mga katotohanang nakita nila. Bukod sa iba pa, maaaring kabilang sa mga katotohanang ito ang: Ipinangako ng Diyos na isusugo si Elijah upang ipanumbalik ang kapangyarihang magbuklod ng priesthood sa lupa bago ang Ikalawang Pagparito (tingnan sa talata 1). Ang ating puso ay babaling sa ating mga ninuno, at makapagsasagawa tayo ng mga ordenansa para sa kanila sa mga templo (tingnan sa talata 2). Kung wala ang kapangyarihang pagkaisahin ang mga pamilya para sa kawalang-hanggan, ang mga layunin para sa mundo ay hindi maisasakatuparan (tingnan sa talata 3).

Ang ating mga puso ay magbabalik-loob o babaling sa ating mga ama

Ang pariralang ating “mga puso … ay magbabalik-loob sa [ating] mga ama” (Doktrina at mga Tipan 2:2) ay maaaring tumukoy partikular na kina Abraham, Isaac, at Jacob, ang “mga ama” ng Sambahayan ni Israel. Ngayon ang pariralang ito ay madalas gamitin upang tukuyin ang lahat ng ating mga ninuno—mga ina, ama, at ang kabuuan ng ating pamilya sa lahat ng henerasyon.

  • Anong mga karanasan sa templo at family history ang nakatulong sa inyo upang maibaling ninyo ang inyong puso sa inyong pamilya?

  • Paano makatutulong ang pagbaling ng ating puso sa ating pamilya sa pagbaling ng ating puso sa Tagapagligtas?

Upang matulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na mababaling nila ang kanilang puso, maaari mo silang anyayahang magbanggit ng mga paraan na makababahagi sila o nakibahagi na sila sa gawain sa templo at family history. Maaari mong ilista sa pisara ang kanilang mga mungkahi, at maaari mong idagdag ang mga sumusunod na ideya kung kinakailangan. Bigyan ng oras ang mga estudyante sa klase na simulang gawin ang aktibidad na pinili nila.

Mapanalanging pumili ng isang aktibidad na tutulong sa inyo na maisakatuparan ang propesiya ng Panginoon tungkol sa pagbaling ng inyong puso sa mga miyembro ng inyong pamilya. Kabilang sa ilang ideya ang:

  • Maghanda ng mga tanong na maaari mong itanong sa isang nakatatandang kapamilya tungkol sa kanyang kabataan o kung ano ang natutuhan niya sa kanyang mga karanasan sa buhay. Pagkatapos ay mag-record ng interbyu sa iyong kapamilya.

  • Magsulat o magbahagi ng makabuluhang kuwento mula sa iyong family history. Halimbawa, maaari mong i-record kung paano sumapi sa Simbahan ang unang miyembro ng inyong pamilya.

  • Gamitin ang FamilySearch.org o ang Family Tree app para:

    • Tuklasin ang iyong family tree at alamin kung paano ka nakakonekta sa iyong mga ninuno.

    • Mag-upload ng mga litrato ng pamilya, kabilang na ang mga pangalan ng mga indibiduwal sa bawat larawan.

    • Itala ang mga paboritong kuwento o alaala tungkol sa mga miyembro ng pamilya.

    • Tukuyin ang mga yumaong kapamilya na maaaring tumanggap ng mga ordenansa sa templo. (Piliin ang Templo, pagkatapos ay Handa na ang mga Ordenansa.)

  • Magplano ng oras para sa iyong pamilya, grupo ng mga kaibigan, o grupo ng mga kabataan na dadalo sa templo. Magtulungan sa paghahanap ng mga pangalan ng mga yumaong kapamilya na kailangang tumanggap ng mga ordenansa sa templo. Anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong na maisagawa ang mga sagradong ordenansang ito.

Hikayatin ang mga estudyante na gawin ang aktibidad na pinili nila. Maaari nilang isali ang kanilang mga kapamilya o malalapit na kaibigan sa prosesong ito. Maaari kang magplano ng araw para maiulat ng mga estudyante ang kanilang progreso o maibahagi nila sa klase ang kanilang mga karanasan.