“Doktrina at mga Tipan 3–5: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 3–5,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 3–5
Doktrina at mga Tipan 3–5
Buod
Sa mga bahaging ito, pinagsabihan ng Panginoon si Propetang Joseph Smith dahil kinatakutan niya ang tao nang higit sa Diyos, inihayag Niya sa ama ni Joseph Smith kung paano siya makapaglilingkod sa Kanya, at ginabayan Niya si Martin Harris noong kinailangan nitong humarap sa paglilitis. Kasama rin sa linggong ito ang isang assessment lesson.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 3
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring magtiwala sa Diyos nang higit sa tao
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na naimpluwensyahan sila ng mga kaibigan, sa paggawa man ito ng tama o mali. Sabihin sa kanila na isipin ang epekto ng kanilang mga pagpili sa kanilang buhay at marahil sa buhay ng iba.
-
Mga Materyal: Isang malambot na bagay tulad ng plush toy o unan; mabibigat na bagay tulad ng mga aklat
-
Video: “The Work of God” (13:35; panoorin mula sa time code na 2:25 hanggang 8:45)
Doktrina at mga Tipan 4
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapaglingkuran ang Diyos at ang iba sa mga paraang katulad ng kay Cristo
-
Paghahanda ng estudyante: Mag-isip ng isang tao na mabuting halimbawa ng paglilingkod na katulad ng kay Cristo. Ano ang tungkol sa taong iyon na nakatulong sa kanya na maglingkod na katulad ng Tagapagligtas?
Doktrina at mga Tipan 5
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga saksi na inilaan ng Panginoon upang matulungan silang magkaroon ng personal na patotoo sa Aklat ni Mormon bilang isa pang tipan ni Jesucristo at sa tungkulin ni Joseph Smith bilang propeta ng Diyos
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga karanasan na nakadagdag sa kanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon. Bibigyan ang mga estudyante ng pagkakataon, kung pipiliin nila, na ibahagi ang sarili nilang patotoo sa oras ng klase.
-
Video: “Compelling Witness” (7:46)
-
Handout: “Mga Saksi”
I-assess ang Iyong Pagkatuto 1
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maalala at masuri kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga karanasan sa pag-aaral ng Doktrina at mga Tipan at Joseph Smith—Kasaysayan na umunlad sa espirituwal at mas mapalapit kay Jesucristo
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga espirituwal na aral na matututuhan nila sa taon na ito at pumili ng isang bagay na natutuhan o nadama nila na nakatulong sa kanilang espirituwal na pag-unlad.
-
Mga Materyal: Larawan ni Propetang Joseph Smith; dalawang maliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante