“Lesson 11—Joseph Smith—Kasaysayan 1:50–65—Nakuha ni Joseph Smith ang mga Laminang Ginto,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Joseph Smith—Kasaysayan 1:50–65,” Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 11: Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65
Joseph Smith—Kasaysayan 1:50–65
Nakuha ni Joseph Smith ang mga Laminang Ginto
Ang Panginoon ay nagbigay kay Joseph Smith ng mahalagang gawain na gagawin. Iniutos sa kanya na kunin ang mga laminang ginto mula sa Burol ng Cumorah, isalin ang talaan, at ilabas ang Aklat ni Mormon. Ang Panginoon ay nagbigay ng paraan upang tulungan si Joseph na maisakatuparan ang dakilang gawaing ito. Tulad ng pagtulong ng Panginoon kay Joseph na maisakatuparan ang gawaing ibinigay sa kanya, matutulungan din tayo ng Panginoon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na tutulungan tayo ng Panginoon na maisakatuparan ang gawaing ipinagagawa Niya sa atin.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga anghel na tumutulong sa atin na magawa ang gawain ng Diyos
-
Ano ang alam ninyo kung bakit nagpapadala ng mga anghel ang Diyos?
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol, at maghanap ng isang dahilan kung bakit nagpapadala ng mga anghel ang Diyos.
Mula pa sa simula hanggang sa sumunod na mga dispensasyon, gumamit ng mga anghel ang Diyos bilang Kanyang mga sugo para iparating ang pagmamahal at pag-aalala sa Kanyang mga anak. … Nagsalita ako rito tungkol sa tulong ng langit, sa mga anghel na isinugo para basbasan tayo sa oras ng pangangailangan. Ngunit kapag binabanggit natin ang mga kasangkapan sa mga kamay ng Diyos, ipinapaalala sa atin na hindi lahat ng anghel ay nagmula sa kabila ng lambong [tabing]. Ang ilan sa kanila ay nakakasama natin sa paglakad at na[ka]kausap—dito, ngayon, at araw-araw. (Jeffrey R. Holland, “Ang Ministeryo ng mga Anghel,” Liahona, Nob. 2008, 29–30)
Ang Panginoon ay nagbigay ng paraan upang maisakatuparan ni Joseph Smith ang Kanyang gawain
Reference |
Sino ang isinugo ng Panginoon upang tulungan si Joseph? |
---|---|
Reference | |
Reference | |
Reference | |
Reference | |
Reference |
Balikan ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:33 at tukuyin ang anghel na unang isinugo ng Panginoon para tulungan si Joseph.
Sa sumunod na tatlong taon noong Setyembre 22, nakita ni Joseph Smith si Moroni sa lugar ding iyon at nakatanggap siya ng karagdagang tagubilin tungkol sa kahalagahan ng talaan at ng gawaing ipinagagawa sa kanya ng Diyos (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:33–34). Itinuro din ni Moroni kay Joseph ang iba pa tungkol sa “kung ano ang gagawin ng Panginoon, at kung paano” ito mangyayari (Joseph Smith—Kasaysayan 1:54). Sa panahong ito, nakilala at pinakasalan ni Joseph si Emma Hale (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:57–58).
Noong Setyembre 22, 1827, natanggap ni Joseph ang mga laminang ginto mula sa anghel na si Moroni.
Ang babala ni Moroni kay Joseph
Basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:59–60 at alamin ang babala at pangakong ibinigay ni Moroni kay Joseph Smith noong gabing natanggap niya ang mga lamina.
-
Bakit binalaan ni Moroni si Joseph na maging maingat sa pagprotekta sa mga lamina?
Matapos matanggap ang mga lamina mula sa anghel na si Moroni, itinago ni Joseph ang mga ito sa isang troso na may guwang o malaking butas upang mapanatiling ligtas ang mga ito hanggang sa makakuha siya ng isang lockbox para maikandado ang mga ito. Kinabukasan, habang nasa trabaho si Joseph Smith, narinig ng kanyang ama ang isang pangkat ng mga lalaki na nagbabalak nakawin ang mga lamina. Binalaan ni Emma si Joseph, at sa pamamagitan ng Urim at Tummim, nakita niyang ligtas ang mga lamina. Alam din niya na panahon na para kunin ang mga lamina mula sa troso para mapanatiling ligtas ang mga ito.
“Nagmamadaling nagtungo sa burol, hinanap ni Joseph ang troso kung saan nakatago ang mga lamina at maingat na binalot ang mga ito sa isang kamiseta. Payuko siyang nagpunta sa kakahuyan at tinahak ang daan pauwi, alerto ang mga mata sa anumang panganib. …
“Nahihirapan sa pagdadala ng mabibigat na talaan, naglakad nang mabilis sa gitna ng kakahuyan si Joseph sa abot ng kanyang makakaya. Isang natumbang puno ang nakaharang sa kanyang daraanan, at sa pagtalon niya sa ibabaw nito, naramdaman niyang may matigas na bagay na tumama sa kanya mula sa likod. Pagpihit niya, nakita niya ang isang lalaking papalapit sa kanya, hawak ang baril at ipanghahampas sa kanya.
“Mahigpit na hawak ang mga lamina na nakaipit sa isang braso, sinuntok ni Joseph ang lalaki na napahandusay sa lupa at nagmadali siyang tumakbo sa mas masukal na bahagi ng kakahuyan. Halos kalahating milya na siyang nakatakbo nang may isa pang lalaki ang biglang sumulpot mula sa likod ng isang puno at hinampas siya gamit ang hawakan ng baril nito. Nilabanan ni Joseph ang lalaki at mabilis na tumakbo, desperadong makalabas sa kakahuyan. Ngunit bago pa man siya makalayo ay may pangatlong lalaking sumalakay, sinuntok siya nito nang malakas kaya umikot ang kanyang paningin. Tinipon ni Joseph ang kanyang lakas, sinuntok niya nang malakas ang lalaki at tumakbo pauwi. …
“Matapos iuwi ni Joseph ang mga laminang ginto, ilang linggong tinangka ng mga naghahanap ng kayamanan na nakawin ang mga ito. Upang manatiling ligtas ang talaan, kailangan niyang ilipat-lipat ito ng lugar, itinatago ang mga lamina sa ilalim ng dapugan, sa ilalim ng sahig ng gawaan ng kanyang ama, at sa mga ilalim ng bungkos ng butil. Hindi siya dapat maging kampante.
“… Determinado siyang pangalagaan ang mga lamina, nagtitiwala sa pangako ng Panginoon na kung gagawin niya ang lahat ng makakaya niya, [ang mga ito] ay poprotektahan” (Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 46-48, 49).
-
Sa paanong paraan nagsama ang mga pagsisikap ni Joseph at “ang karunungan ng Diyos” upang mapangalagaan ang mga lamina?
-
Ano ang mga nalaman ninyo tungkol sa Diyos mula sa salaysay na ito?
Tinutulungan tayo ng Panginoon na maisakatuparan ang gawaing ibinigay Niya sa atin
-
Ano ang ilang halimbawa sa mga banal na kasulatan kung saan tinulungan ng Panginoon ang mga tao na maisakatuparan ang gawaing iniutos Niya sa kanila?
-
Sa paanong paraan kayo matutulungan ng Panginoon para maisakatuparan ninyo ang gawaing ipinagagawa Niya o ipagagawa Niya sa inyo?
-
Sino ang ilan sa “mga anghel” (mortal na indibiduwal) sa inyong buhay na sa palagay ninyo ay isinugo ng Diyos para tulungan kayo sa gawain ng Panginoon?