Kasaysayan ng Simbahan
Paghahanap ng Kayamanan


“Paghahanap ng Kayamanan,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Paghahanap ng Kayamanan”

Paghahanap ng Kayamanan

Ang mga kritiko ni Joseph Smith ay madalas sinusubukang pintasan siya sa pamamagitan ng pagbansag sa kanya bilang tagahukay ng salapi o tagahanap ng kayamanan. Sa halip na itanggi ang paratang, inamin ni Joseph sa kanyang opisyal na kasaysayan na inupahan siya ng Josiah Stowell noong 1825 upang tumulong sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng kayamanan sa hilagang Pennsylvania.1 Nais ni Stowell ang tulong niya dahil si Joseph ay kilala ng ilan sa kanyang mga kapitbahay bilang isang “tagakita”—isang tao na maaaring tumingin sa isang espesyal na bato at makita ang nawawala o nakatagong mga bagay.2

Ang “makakita” at “mga tagakita” ay bahagi ng kultura ng Amerika kung saan lumaki si Joseph Smith. Naniniwala ang ilang tao noong unang bahagi ng ika-19 na siglo na posible para sa mga biniyayaang tao na makita ang mga bagay na nawala sa pamamagitan ng mga materyal na bagay tulad ng mga bato. Si Joseph Smith at ang kanyang pamilya, gaya ng marami sa kanila, ay tinanggap ang mga kilalang katutubong gawi.

Noong dekada ng 1820, isang pagkabighani sa ipinahiwatig na mga depositong yaman ng mga Espanyol ang nagtulak sa mga prospektor tulad ni Josiah Stowell na hingin ang tulong ng mga tagakitang tulad ni Joseph sa kanilang paghahanap ng kayamanan.3 Nagtiwala si Stowell kay Joseph, humingi ng tulong sa kanya sa paghahanap ng kayamanan, at sinunod pa ang payo niya na itigil na ang paghahanap. Itinuturing ni Joseph Smith Sr. ang kakayahan ng kanyang anak bilang sagrado at umasang hindi na ito gagamitin sa paghahanap ng mga kayamanan sa lupa.4 Habang naghahanda si Joseph sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon, inatasan siyang tigilan na ang pakikipag-ugnayan sa mga taong naghahangad ng kayamanan at sa halip ay gamitin ang kanyang kaloob upang magsalin at hangarin ang paghahayag.

Kahit pangkaraniwan sa panahon at lugar ni Joseph Smith na makaharap ang mga taong nagsasabi na gumagamit sila ng bato upang maghanap ng mga nawawala o nakatagong mga bagay, ang paggamit ng bato ng tagakita upang magsalin ng sinaunang tala ay hindi pa naririnig. Binigyan ng Diyos si Joseph Smith ng kapangyarihan na isalin ang Aklat ni Mormon, muling ginagabayan ang paggamit ni Joseph ng bato ng tagakita sa isang gawaing likas na espirituwal.

Mga Kaugnay na Paksa: Pagsasalin ng Aklat ni Mormon, Mga Bato ng Tagakita, JPaglilitis kay Joseph Smith Noong 1826

Mga Tala

  1. Joseph Smith, “History, 1838–1856, tomo A-1 [23 Disyembre 1805–30 Agosto 1834],” 7–8, josephsmithpapers.org; tingnan rin sa Elders’ Journal, tomo 1, blg. 3 (Hulyo 1838), 43, josephsmithpapers.org.

  2. Tingnan ang Mga Kaugnay na Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan “Joseph Smith’s 1826 Trial” at “Seer Stones.”

  3. Alan Taylor, “The Early Republic’s Supernatural Economy: Treasure Seeking in the American Northeast, 1780–1830,” American Quarterly, tomo 38, blg. 1 (Tagsibol 1986), 6–34.

  4. William D. Purple, “Joseph Smith, the Originator of Mormonism,” Chenango Union, tomo 30, blg. 33 (Mayo 2, 1877), 3.