Kasaysayan ng Simbahan
Mga Tala ng Unang Pangitain ni Joseph Smith


“Mga Tala ng Unang Pangitain ni Joseph Smith,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Mga Tala ng Unang Pangitain ni Joseph Smith”

Mga Tala ng Unang Pangitain ni Joseph Smith

Naitala ni Joseph Smith na ang Diyos Ama at si Jesucristo ay nagpakita sa kanya sa kakahuyan malapit sa tahanan ng kanyang mga magulang sa dakong kanluran ng Estado ng New York noong siya ay mga 14 na taong gulang. Nababahala dahil sa kanyang mga kasalanan at hindi tiyak kung ano ang espirituwal na landas na dapat sundan, humingi si Joseph ng patnubay sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pulong, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, at pagdarasal. Bilang kasagutan, nakatanggap siya ng maluwalhating pagpapahayag. Ibinahagi at itinala ni Joseph ang Unang Pangitain, tulad ng kung paano ito nakilala, sa maraming pagkakataon; isinulat niya o nagtalaga ng mga tagasulat na magsusulat ng apat na iba’t-ibang salaysay ng pangitain.

Si Joseph Smith na nakaluhod sa Sagradong Kakahuyan

Isang paglalarawan kay Joseph Smith sa Sagradong Kakahuyan.

Naglathala si Joseph Smith ng dalawang tala tungkol sa Unang Pangitain noong siya ay nabubuhay. Ang una sa mga ito, na kilala ngayon bilang Joseph Smith—Kasaysayan, ay isinama sa Ang Mahalagang Perlas at sa gayon ay naging pinaka-kilalang tala. Ang dalawang di-inilathalang salaysay, na itinala sa pinakaunang sariling talambuhay ni Joseph Smith at sa kanyang journal kalaunan, ay karaniwang nalimutan na hanggang sa ang mga mananalaysay na nagtatrabaho para sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay muling natuklasan at inilathala ang mga ito noong 1960s. Bukod pa sa mga salaysay mismo ni Joseph Smith, may mga limang paglalarawan pa ng kanyang pangitain ang naitala ng kanyang mga kapanahon.

Ang mga iba’t-ibang salaysay ng Unang Pangitain ni Joseph Smith ay nagbibigay ng pare-parehong kuwento, bagama’t natural na magkakaiba ang kanilang binibigyang-diin at detalye. Inaasahan ng mga mananalaysay na kapag muling ikinuwento ng isang tao ang isang karanasan sa iba’t-ibang lugar sa iba’t-ibang tagapakinig sa loob ng maraming taon, ang bawat salaysay ay magbibigay-diin sa iba’t-ibang aspeto ng karanasan at maglalaman ng mga bukod-tanging detalye. Nagkamali ang ilan sa pakikipagtalo na anumang pagkakaiba sa muling pagsasalaysay ng kuwento ay katibayan ng pagkatha. Sa halip, ang saganang talaan ng kasaysayan ay hinahayaan tayong malaman pa lalo ang tungkol sa kagila-gilalas na pangyayaring ito kaysa kaya nating malaman kung hindi ito gayon kahusay na nakadokumento.

Mga Kaugnay na Paksa: Mga Awakening at Revival, Palmyra at Manchester, Sagradong Kakahuyan at Sakahan ng Pamilyang Smith