Kasaysayan ng Simbahan
Helen Mar Kimball Whitney


“Helen Mar Kimball Whitney,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Helen Mar Kimball Whitney”

Helen Mar Kimball Whitney

Isinilang noong 1828 kina Heber C. at Vilate Murray Kimball, nasaksihan ni Helen Mar Kimball ang marami sa mga naunang tagpo ng Panunumbalik. Noong siya ay tatlong taong gulang, nabinyagan ang kanyang mga magulang kasama ang malalapit na kaibigan sa pamilya ni Brigham Young. Ang dalawang pamilya ay “napakalapit at tila magkakaugnay sa isa’t isa,” ginunita ni Helen kalaunan. Sa katunayan, si “Tiyo Brigham” ang nagbinyag kay Helen matapos lumipat ang kanilang dalawang pamilya nang magkakasama sa Kirtland, Ohio, upang makipagtipon sa mga Banal. Nasisiyahan siya sa pagpapalipas ng mga Linggo ng hapon sa mga klase ng Biblia sa mga kakahuyan ng Kirtland.

Ang ama ni Helen, si Heber, ay inorden bilang Apostol noong 1835 at madalas umalis upang magmisyon. Habang wala siya, tumulong si Helen upang pangalagaan ang tahanan, isang gawain na nagpatuloy matapos lumipat ang pamilya sa Far West, Missouri, noong si Helen ay siyam na taong gulang. Itinaboy ng karahasan ng mga mandurumog ang mga Kimball mula sa estado, at tumakas sila patungong Illinois at tumulong na matirhan ang Nauvoo.

Si Joseph Smith, isang malapit na kaibigan ng mga Kimball, ay sarilinang nagturo kina Heber at Vilate noong 1841 tungkol sa maramihang pag-aasawa, na inatasan siya sa pamamagitan ng paghahayag na ipakilala. Noong Mayo o Hunyo ng 1843, ipinakilala ni Heber kay Helen ang ideya ng maramihang pag-aasawa at humimok siya na mabuklod kay Joseph Smith bilang maramihang asawa. Sumang-ayon siya sa pagbubuklod at kalaunan ay itinuring ito bilang “para sa kawalang-hanggan lamang,” nagpapahiwatig na hindi kabilang sa ugnayan ang seksuwal na relasyon. Itinuturing ni Helen ang kasal bilang isang sakripisyo na maaaring mag-ugnay sa mga pamilyang Kimball at Smith sa lipunan sa langit. Matapos ang pagpanaw ni Joseph noong 1844, niligawan at pinakasalan ni Helen si Horace Kimball Whitney, isang kapatid ng kanyang matalik na kaibigan na si Sarah Ann Whitney at anak nina Newel K. at Elizabeth Ann Whitney. Ikinasal sina Helen at Horace sa buhay na ito sa loob ng Nauvoo Temple noong Pebrero 3, 1846.

Noong paglipat ng mga Banal sa mga Huling Araw patungo sa Lambak ng Salt Lake, nagsilang si Helen ng dalawang anak na lalaki. Ang una ay patay nang isilang, at ang ikalawa ay namatay naman ilang araw matapos isilang. Ang kanyang ikatlong anak ay pumanaw sa parehong araw na isinilang ito sa Lambak ng Salt Lake. Ang iba pang walong anak ni Helen ay nabuhay lampas sa pagkakasilang, bagama’t namatay ang kanyang pinakamatandang anak na babae mula sa tuberkulosis sa edad na 16, ang kanyang bunsong anak na babae naman ay namatay dahil sa scarlet fever sa edad na 4, at isang anak na lalaki ay namatay sa edad na 21. Sa pahintulot ni Helen, pinakasalan ni Horace ang dalawang maramihang asawa, sina Lucy Amelia Bloxham at Mary Cravath. Namatay si Lucy wala pang isang taon matapos ang kanyang kasal. Nakatira si Mary sa tabi nina Helen, at ang dalawa ay nagtulungan sa pag-aalaga ng mga anak ng isa’t isa.

Nakibahagi si Helen sa Simbahan at sa kanyang komunidad sa Utah, lalo na sa gawain ng pagtulong at mga pagdiriwang ng Relief Society. Sa paghihikayat ni Emmeline B. Wells, isinulat ni Helen ang mga alaala ng mga unang araw ng Simbahan na inilathala sa magasing Woman’s Exponent. Siya ay naging isang mapanlikhang manunulat at magaling na nag-ingat ng diary. Noong inihayag sa publiko ni Joseph Smith III na ang kaniyang ama ay hindi pumasok o itinuro ang maramihang pag-aasawa sa Nauvoo, inilathala ni Helen ang dalawang polyeto na nagtatanggol sa kaugalian: Plural Marriage as Taught by the Prophet Joseph Smith (Ang Maramihang Pag-aasawa Ayon sa Turo ni Propetang Joseph Smith) at Why We Practice Plural Marriage (Bakit Namin Isinasabuhay ang Maramihang Pag-aasawa).

Pumanaw si Helen noong 1896 at ipinagluksa ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan. “Talagang nagagalak ako,” isinulat niya, “na nagkaroon ako ng pribilehiyo na maging kabilang sa mga taong pinagdaanan at natiis ang labis na pagdurusa at nagtamo ng kaalaman sa sarili ko, na ito ang gawain ng Diyos.”

Mga Kaugnay na Paksa: Si Joseph Smith at Ang Maramihang Pag-aasawa, Relief Society, Maramihang Pag-aasawa sa Utah

Mga Tala

  1. Helen Mar Whitney, “Life Incidents,” Woman’s Exponent, tomo 9 (Ago. 1, 1880), 38; (Abr. 15, 1881), 170; (Ago. 15, 1880), 42; tomo 10 (Hun. 15, 1881), 9; Helen Mar Whitney, “Early Reminiscences,” Woman’s Exponent, tomo 9 (Hun. 1, 1880), 5.

  2. Whitney, “Life Incidents”; Whitney, “Early Reminiscences.”

  3. Lyndon W. Cook, Nauvoo Marriages Proxy Sealings, 1843–1846 (Provo, Utah: Grandin Book, 2004), 33, tala 3; Stanley B. Kimball, Heber C. Kimball: Mormon Patriarch and Pioneer (Urbana: University of Illinois Press, 1981), 93; “Joseph Smith Documents from February through November 1841,” sa Brent M. Rogers, Mason K. Allred, Gerrit J. Dirkmaat, at Brett D. Dowdle, mga pat., Documents, Volume 8: February–November 1841. Tomo 8 ng Documents series ng The Joseph Smith Papers, pinamatnugutan nina Ronald K. Esplin, Matthew J. Grow, Matthew C. Godfrey, at R. Eric Smith (Salt Lake City: Church Historian’s Press, 2019), xxxii–xxxiii.

  4. Plural Marriage in Kirtland and Nauvoo,” Gospel Topics Essays, topics.ChurchofJesusChrist.org.

  5. Jeni Broberg Holzapfel at Richard Neitzel Holzapfel, mga pat., A Woman’s View: Helen Mar Whitney’s Reminiscences of Early Church History (Salt Lake City: Religious Studies Center, 1997), 481–487; Helen Mar Kimball Whitney, Autobiography [2] sa Heber C. Kimball Family History (Heber C. Kimball Family Association, 1992), 5; J. Spencer Fluhman, “‘A Subject That Can Bear Investigation’: Anguish, Faith, and Joseph Smith’s Youngest Plural Wife,” Mormon Historical Studies, tomo 11, blg. 1 (Tagsibol 2010), 41–51. Tingnan din sa Paksa: Pagbubuklod.

  6. Holzapfel at Holzapfel, mga pat., A Woman’s View, xvi–xviii.

  7. Holzapfel at Holzapfel, mga pat., A Woman’s View, xxiv–xxv; “Lucy Amelia Bloxham,” Pioneer Database, history.ChurchofJesusChrist.org. Tingnan din sa Paksa: Mga Babaeng Pioneer at Medisina.

  8. Report of Relief Society Jubilee, March 17, 1892,” sa Jill Mulvay Derr, Carol Cornwall Madsen, Kate Holbrook, at Matthew J. Grow, mga pat., The First Fifty Years of Relief Society: Key Documents in Latter-day Saint Women’s History (Salt Lake City: Church Historian’s Press, 2016), 589–617.

  9. Holzapfel at Holzapfel, mga pat., A Woman’s View, ix–xii; Charles M. Hatch at Todd M. Compton, A Widow’s Tale: 1884–1896 Diary of Helen Mar Kimball Whitney (Logan: Utah State University Press, 2003). Tingnan din sa mga Paksa: Emmeline B. Wells, Mga Peryodiko ng Simbahan.

  10. Holzapfel at Holzapfel, mga pat., A Woman’s View, xxv–xliii. Tingnan din sa Helen Mar Kimball Whitney, Plural Marriage as Taught by the Prophet Joseph: A Reply to Joseph Smith, Editor of the Lamoni (Iowa) “Herald” (Salt Lake City: Juvenile Instructor Office, 1882); Helen Mar Kimball Whitney, Why We Practice Plural Marriage (Salt Lake City: Juvenile Instructor Office, 1884).

  11. Whitney, “Early Reminiscences,” 188.