Kasaysayan ng Simbahan
Paghuhugas ng mga Paa


“Paghuhugas ng mga Paa,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Paghuhugas ng mga Paa”

Paghuhugas ng mga Paa

Noong Huling Hapunan, kumuha si Jesus ng tuwalya at isang palangganang tubig at hinugasan ang mga paa ng mga disipulo.1 Ilang mga grupong Kristiyano ang sinunod ang halimbawang ito sa Bagong Tipan, hinuhugasan ang mga paa bilang tanda ng pagpapakumbaba o kapatiran.2 Isang paghahayag kay Joseph Smith noong Disyembre 1832 ang humiling sa mga kalahok sa Paaralan ng mga Propeta na makibahagi sa paghuhugas ng mga paa. Inatasan ng Panginoon ang mga elder na “linisin ang inyong mga kamay, at inyong mga paa, sa harapan ko” bilang saksi na sila ay “malinis, mula sa dugo ng masamang salinlahing ito.”3 Sina Joseph Smith at iba pang mga miyembro ng paaralan ay unang nakilahok sa ordenansang ito noong unang sesyon ng paaralan noong Enero 1833.4 Noong malapit nang matapos ang pagtatayo ng Kirtland Temple, ipinaliwanag ni Joseph Smith sa mga miyembro ng paaralan na ang “ordenansa ng paghuhugas ng mga paa,” ay panunumbalik ng kaugalian ng Bagong Tipan na “binuo upang pagkaisahin ang mga puso” at ihanda ang mga elder para sa isang kaloob na espirituwal na kapangyarihan.5 Itinuro pa niya na ang mga ordenansa ay kailangang isagawa sa isang lugar na “bukod sa sanglibutan.”6 Alinsunod dito, noong Marso 29 at 30, 1836, mga 300 mayhawak ng priesthood mula sa Kirtland, kabilang na sina Joseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan, ang nagtipon upang maghugas ng paa ng isa’t isa.7

Mga Kaugnay na Paksa: Paaralan ng mga Propeta, Pagkakaloob ng Kapangyarihan

Mga Tala

  1. Juan 13:1–17.

  2. Tingnan sa Matthew J. Grow, “‘Clean from the Blood of This Generation’: The Washing of Feet and the Latter-day Saints,” sa Richard Lyman Bushman, pat., Summer Fellows’ Papers, 2000–2002: Archive of Restoration Culture (Provo, Utah: Joseph Fielding Smith Institute for Latter-day Saint History, Brigham Young University, 2005), 131–33.

  3. Revelation, 27–28 December 1832 [DC 88:1–126],” sa Revelation Book 2, 40, josephsmithpapers.org.

  4. Minutes, 22–23 January 1833,” sa Minute Book 1, 7, josephsmithpapers.org.

  5. Joseph Smith, Journal, 1835–1836, 32, 33, josephsmithpapers.org; tingnan din sa Paksa: Pagkakaloob ng Kapangyarihan.

  6. Joseph Smith, Journal, 1835–1836, 32.

  7. Joseph Smith, Journal, 1835–1836, 186–88. Ang pagsasagawa ng paghuhugas ng mga paa tulad ng pinasimulan sa Kirtland ay saglit na binuhay muli noong isang Paaralan ng mga Propeta ang saglit na muling itinatag sa Utah noong 1883. Grow, “Clean from the Blood of This Generation,” 135–36. Ang katulad ngunit hindi kaugnay na pagsasagawa ng pagpupunas ng paa, na batay rin sa isang talata sa Bagong Tipan at pinagtibay ng makabagong paghahayag, ay isinagawa ng maraming missionary noong ika-19 na siglo. Tingnan sa Paksa: Mga Unang Missionary.