Kasaysayan ng Simbahan
Ang Nawawalang Manuskrito ng Aklat ni Mormon


“Ang Nawawalang Manuskrito ng Aklat ni Mormon,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Ang Nawawalang Manuskrito ng Aklat ni Mormon”

Ang Nawawalang Manuskrito ng Aklat ni Mormon

Noong Hunyo 1828, si Joseph Smith ay atubiling pinahintulutan ang kanyang tagasulat na si Martin Harris na hiramin ang 116 pahina ng orihinal na manuskrito ng Aklat ni Mormon. Ipinangako ni Harris na bantayan ang mga pahina at ipakita ang mga ito sa ilang mga miyembro ng pamilya lamang, ngunit ang mga pahina ay agad na naglaho at hindi na nabawi pa. Hinangad ni Joseph ang banal na patnubay sa kung paanong magpapatuloy ng pagsasalin at natuto sa pamamagitan ng paghahayag kung paano makukumpleto ang salin ng Aklat ni Mormon nang walang binabalikang tekstong nakapaloob sa nawalang manuskrito.1

sa himpapawid na tanawin ng bukiran

bukirin ni Martin Harris malapit sa Palmyra, 1907.

Anuman ang kaunting nalalaman sa mga nilalaman ng nawalang manuskrito ay mula kay Joseph Smith at sa propeta ng Aklat ni Mormon na si Nephi. Isinulat ni Joseph na ang mga nawawalang pahina ay naglalaman ng Aklat ni Lehi. Tulad ng halos lahat ng Aklat ni Mormon, ang tala ni Lehi ay pinaikling ulat ni propetang Mormon na tinatawag ni Joseph bilang mga lamina ni Lehi. Ipinaliwanag ng anak ni Lehi na si Nephi na ang talaang ito ay naglalaman ng tala ng mga panaginip, pangitain, propesiya, at mga turo ni Lehi sa kanyang mga anak. Pinaikli ni Nephi ang talaan ni Lehi bago bumuo ng kanyang sariling kasaysayan.2 Ayon sa ilang mananaliksik, ang pinaikling tala ni Nephi ay binubuo ng mga unang kabanata ng Aklat ni Mormon. Ang iba ay nagbigay ng haka-haka na ang nawalang manuskrito ay naglalaman hindi lamang ng aklat ni Lehi kundi maging materyal na isinulat ng iba, marahil ay si Mormon o isang tao na nabuhay noong panahon sa pagitan ni Lehi at ni Haring Benjamin.3

Noon panahong nawala ang manuskrito, hindi batid nina Joseph Smith at Martin Harris ang tungkol sa pinaikling tala ni Nephi. Dahil dito, nang malaman ni Joseph na nawala ni Harris ang manuskrito, naisip ni Joseph na nabigo siya sa kanyang banal na utos. Hindi itinuloy ni Joseph ang pagsasalin sa loob ng siyam na buwan. Kalaunan, nang siya at ang kanyang bagong tagasulat, si Oliver Cowdery, ay halos umabot sa pagtatapos ng talaan, humingi si Joseph ng paghahayag kung muling isasalin ang mga nawalang pahina. Ang paghahayag na ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 10) ay nagsasaad na ang mga lamina ni Nephi ay naglalaman ng isang ulat na katulad sa aklat ni Lehi ngunit mas may pagtutuon ng pansin sa espirituwal na kasaysayan ng pamilya ni Lehi. Nalaman ni Joseph na dapat niyang isalin ang mga lamina ni Nephi hanggang sa marating niya ang bahagi kung saan natapos ang nawalang manuskrito.4 Pinagbawalan rin ng paghahayag si Joseph na muling isalin ang aklat ni Lehi at binalaan siya hinggil sa mga kaaway na nagtataglay ng nawalang manuskrito na maaaring pagtangkaang manipulahin ang teksto at pagkatapos ay pasinungalingan ang nakalathalang bersyon ng Aklat ni Mormon. Masyadong nag-alala si Joseph sa posibilidad ng isang manuskrito na binago kung kaya’t sa pambungad ng Aklat ni Mormon ay nagbabala siya sa ibang magkakasabwat upang huwag salungatin ang gawain ng Diyos. Walang tao ang nagpahayag na nasa kanya ang mga nawawalang manuskrito.5

Mga Kaugnay na Paksa: Pagsasalin ng Aklat ni Mormon

Mga Tala

  1. Joseph Smith, “History, circa 1841, fair copy,” 13–14, josephsmithpapers.org; Lucy Mack Smith, “Lucy Mack Smith, History, 1844–1845,” aklat 6, pahina 10–aklat 7, pahina 7, josephsmithpapers.org. Isinalin ni Joseph ang Aklat ni Lehi mula sa kalagitnaan ng Abril hanggan sa kalagitnaan ng Hunyo 1828. Si Martin Harris ay naglingkod bilang kanyang punong manunulat at maaaring tinulungan siya ni Emma Smith o ng kapatid nitong si Reuben Hale.

  2. 1 Nephi 1:16–17.

  3. Joseph Smith, “Preface to Book of Mormon, circa August 1829,” sa Book of Mormon, 1830, iii, josephsmithpapers.org; S. Kent Brown, “Lehi’s Personal Record: Quest for a Missing Source,” BYU Studies, tomo. 24, blg. 1 (Taglamig 1984), 20–21; William J. Critchlow III, “Manuscript, Lost 116 Pages,” sa Encyclopedia of Mormonism, ed. Daniel H. Ludlow, 5 tomo. (New York: Macmillan, 1992), 2:854–55; Jack M. Lyon and Kent R. Minson, “When Pages Collide: Dissecting the Words of Mormon,” BYU Studies, tomo 51, blg. 4 (2012), 120–36. Maaring ginamit ni Joseph ang bilang na 116 bilang pagtantiya sa dami ng mga nawalang pahina kaysa sa eksaktong bilang (tingnan sa “Revelation, Spring 1829 [DC 10],” Historical Introduction, josephsmithpapers.org).

    Mahigit 50 taon pagkamatay ni Joseph Smith, binanggit ni Franklin D. Richards na habang ang dalawa ay nanirahan sa Nauvoo, tinalakay ni Joseph ang mga nilalaman ng nawalang manuskrito. Nabasa ni Richards sa Alma 10:3 kung paano si Lehi ay nagmula kay Manases, na nagpalito sa kanya sapagkat madalas tinutukoy ng mga Banal ang Aklat ni Mormon bilang ang “tungkod ng Ephraim.” Nang tinanong ni Richards si Joseph tungkol sa posibleng pagkakaiba na ito, ipinaliwanag ni Joseph na si Ismael at ang kanyang pamilya ay nagmula kay Ephraim at isinalaysay sa nawalang manuskrito ang angkan ni Ismael (Franklin D. Richards, “Origin of American Aborigines,” Contributor, tomo 17, blg. 7 [Mayo 1896], 425).

  4. Hindi nabatid ni Joseph ang tungkol sa mga lamina ni Nephi hanggang sa tagsibol ng 1829 (tingnan sa “Revelation, Spring 1829 [DC 10],” Historical Introduction, josephsmithpapers.org; Doctrine and Covenants 10:38–46).

  5. “Revelation, Spring 1829 [DC 10],” sa Aklat ng mga Kautusan, 22–24, josephsmithpapers.org; Joseph Smith, “Preface to Book of Mormon,” sa Book of Mormon, 1830, iii.