“Mga Simbahang Kristiyano noong Panahon ni Joseph Smith,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan
“Mga Simbahang Kristiyano noong Panahon ni Joseph Smith”
Mga Simbahang Kristiyano noong Panahon ni Joseph Smith
Noong nagdasal ang batang si Joseph Smith upang malaman “kung alin sa lahat ng sekta ang tama”, marahil ay nasa isip niya ang ilang denominasyon ng mga Protestante na nakaharap niya malapit sa lugar na kanyang kinalakihan.1 Sa isang salaysay, inilarawan niya ang mga Methodist, Presbyterian, at Baptist na nakikipagtalo sumapi siya sa kanila, maaaring may iba pa siyang isinaang-alang. Dumami ang hanay ng mga pagpipiliang relihiyon sa nakaraang siglo, at karamihan sa mga Amerikano ay natutukoy ang pagkakaiba ng napakaraming “sekta.”
Karamihan sa mga simbahan sa Estados Unidos noong panahon ni Joseph Smith ay Protestante. Habang lumalaki ang Romano Katolisismo sa Estados Unidos noong mga unang taon ng 1800s, maliit na bilang lamang ng mga Katoliko ang naging mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga miyembrong Protestante sa Amerika, sa makulay at pagka-masalimuot nitong relihiyon, kadalasan ang mga miyembrong naunang naging Banal sa mga Huling Araw.
Repormasyon sa Europa at mga Simbahan ng Protestante
Isang lupon ng mga karaingan laban sa lumipas na medyebal na Simbahang Katoliko ay humantong sa paghihiwalay ng Kristiyano sa Kanlurang Europa, na ngayon ay kilala bilang Repormasyon. Pinamunuan ni Martin Luther ang isang maimpluwensyang naunang kilusang reporma sa Alemanya o Germany noong kalagitnaan ng siglong 1500 na ipinangalan sa kanya. Si John Calvin, isang mas batang kasabayan ni Luther, ay bumuo ng isang maselang teolohiya at tinangkang ipatupad ang kanyang mga ideya para sa isang relihiyosong komunidad sa Geneva, Switzerland. Si Luther at iba pang mga repormador na tulad nina Philipp Melanchthon at Huldrych Zwingli ay nagbalangkas ng mga pahayag ng paniniwala na kilala bilang “pagtatapat,” na tinanggap ng mga tagasunod ng kanilang kilusan bilang alituntunin ng pananampalataya. Ang iba, kabilang na ang mga miyembro ng kilusang Anabaptist, ay tinutulan ang pagsunod sa alinman sa mga pagtatapat na ito.
Ang mga Kristiyanong Ingles ay bumuo ng bukod-tanging tradisyon sa loob ng ilang siglo, ngunit humiwalay sila nang tahasan mula sa Romano Katolisismo noong idineklara ng parlyamento si Haring Henry VIII bilang kataas-taasang pinuno ng Simbahan ng Inglatera o Church of England ayon sa batas noong 1534. Nakaranas ang Simbahan ng Inglatera (Anglikano) ng isang serye ng mga panloob na kilusang reporma sa sumunod na daang taon, na nagdulot ng mga komunidad na Puritan, Presbyterian, at Quaker, na humiwalay sa Anglikanismo. Ang biglang pagkakagulo ng paghahating ito ay nagpatuloy sa kabilang panig ng Atlantiko habang ang mga mananakop ay nanirahan sa kanilang bagong lupain sa Hilagang Amerika.
Paglaganap ng mga Simbahan sa Sinaunang Estados Unidos
Ang pamahalaang kolonyal ng mga Briton sa Amerika ay gumawa ng isang alinsunuran sa Europa sa pamamagitan ng pagtangkilik ng ilang simbahan gamit ang opisyal na kasunduan at pagtulong sa kanila mula sa mga kita sa buwis. Ang mga simbahan ng Puritan Congregationalist ay umunlad sa ilalim ng mga kasunduang ito, namamayani sa mga hilagang kolonya noong kalagitnaan ng siglong 1700. Natamasa ng Simbahan ng Inglatera ang malaking bilang ng mga kasapi sa mga gitnang bahagi ng kolonya, ngunit noong hinati ng Rebolusyong Amerikano ang mga makabayan at mga tapat sa Britanya, inilayo ng mga Anglikano sa Amerika ang kanilang sarili mula sa kanilang punong simbahan at ginamit ang isang bagong titulo, ang Simbahang Episcopal.
Ang mga kolonya ay nagbigay ng higit na kalayaan sa relihiyon, at pinaunlad ang ilang kilusang relihiyon sa Hilagang Amerika kung saan sila ay naantala sa Europa. Halimbawa, ang kilusang Methodist ay umakit ng higit na mas malaking bilang sa Hilagang Amerika kaysa sa bayang pinagmulan nito na Inglatera. At ang mga Kristiyano na nagpapahayag ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog ang nagpasimula ng mga kongregasyong Baptist sa Amerika habang ang pamahalaan sa Inglatera ay ipinatapon sa bilangguan ang kanilang mga kasama na nasa Europa.
Lumawak ang pagpipilian sa relihiyon matapos ang pagkakatatag ng Estados Unidos noong huling bahagi ng siglong 1700. Nilansag ng Saligang Batas ng Estados Unidos at kalaunan ng mga indibidwal na lehislatura sa bawat estado ang mga kasunduan na pagtataguyod ng estado sa mga simbahan, na nagbigay-daan sa maraming alternatibo upang umunlad. Ang mga Methodist at Baptist lalo na ay nadagdagan ang bilang, na humigit pa sa mga Simbahang Congregational, na dating mga pinakamalaking simbahan sa Hilagang Amerika, noong kalagitnaan ng siglong 1800.
Ang mga simbahan ay minsang inuri ayon sa kanilang istruktura ng organisasyon at estilo ng pagsamba. Halimbawa, ang mga Episcopalian ay minsang tinawag na “high-church” dahil binigyang-diin nila ang mas pormal na ritwal at hirarkiya ng Simbahan ng Inglatera na namana sa Katolisismo. Ang mga Methodist at Baptist, sa kabilang banda, ay pabor sa “low-church” na kapatiran, na binibigyang-diin ang personal na espirituwal na karanasan at pagbabalik-loob kaysa sa awtoridad ng pari at ritwal. Ang mga “Low-church” na mga Kristiyano, o Ebangheliko, na kalaunang itinawag sa kanila, ay nag-ambag sa maraming kilusang reporma sa relihiyon at lipunan at naging kasangkapan sa pag-udyok ng mga revival na isinulat ni Joseph Smith sa kanyang kasaysayan. Ang mga revival ay madalas na inilaan upang pasiglahin ang lahat ng Kristiyano sa halip na hangaring makaakit ng mga nagbabalik-loob sa isang partikular na grupo. Ang kilusang Ebangheliko na ito, kasama ang paglaganap ng mga pagpipiliang relihiyon, ay nagdulot ng isang napakalaking pagtaas sa bilang ng mga tumutungo sa simbahan at pagsali sa relihiyon sa Estados Unidos.
Kaligirang Pangrelihiyon ng mga Naunang Miyembro ng Simbahan
Karamihan sa mga naunang Banal sa mga Huling Araw ay mga dating kabilang sa Methodist, Presbyterian, at Baptist, ganoon din ang ilang Congregationalist, Lutheran, Episcopalian, Quaker, Shaker at walang kina-aaniban na mga Protestante. Hinangad ng isang komunidad ng Reform Baptist sa Ohio ang panunumbalik ng sinaunang Kristiyanismo tulad ng matatagpuan sa Bagong Tipan. Nakatagpo ng grupong ito ang mga missionary na mga Banal sa mga Huling Araw noong 1830, at niyakap ng marami ang Aklat ni Mormon. Ang iba pang mga miyembro ng kilusang ito ng Restoration ay bumuo ng hiwalay na denominasyon, na kilala bilang ang Simbahan ni Cristo (Mga Alagad ni Cristo).
Bagama‘t ang mga Banal sa mga Huling Araw ay tinalikdan ang kanilang mga naunang simbahan, dinala nila ang maraming tradisyon at paniniwala sa kanilang pagsali sa mga Banal. Ang mayamang kaligirang Kristiyano ay nag-ambag nang malaki sa kultura ng Simbahan noong araw.
Mga Kaugnay na Paksa: Religious Beliefs in Joseph Smith’s Day, Awakenings and Revivals, Joseph Smith’s First Vision Accounts