Kasaysayan ng Simbahan
William Paul Daniels


“William Paul Daniels,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan (2022)

“William Paul Daniels,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

William Paul Daniels

Si William Paul Daniels ay ipinanganak sa Stellenbosch, South Africa, noong ika-20 ng Agosto, 1864.1 Sa loob ng maraming taon, siya at ang kanyang ama na si William Carl ay parehong may apelyidong February, na pinapatungkulan ang pagiging maliit ni William Carl o ang kanyang maikling pasensya (ang February ang pinakamaikling buwan ng taon).2

Lumaki si William Paul sa kultura na may diskriminasyon sa lahi, at itinuring siya na taong “coloured,” isang salitang ginagamit sa South Africa para patungkulan ang mga taong mula sa pinaghalo-halong lahi. Ang South Africa ay dating kabilang sa negosyo ng Dutch na pagbebenta ng mga alipin, na umaabot mula sa mga baybayin ng Africa hanggang sa arkipelago ng Indonesia. Nang masakop kalaunan ng British, ang South Africa ay may populasyon na binubuo ng iba’t ibang lahi na coloured na naglalarawan sa masalimuot na kasaysayang ito. Ayon kay Daniels ang pamilya ng kanyang ama ay European at ang kanyang ina ay mula sa mga inaliping Malay na kinuha mula sa Batavia (na ngayon ay Jakarta, Indonesia) ng Dutch East India Company.3 Tila kinikilala rin niya na may lahi siyang Itim na Aprikano.4

Noong 1893, pinakasalan ni William si Clara Elizabeth Carelse, isang babaeng coloured na taga Cape Town.5 Napalaki ng mag-asawang ito ang kanilang apat na anak.6 Bagama’t nalimitahan ang marami sa kanyang mga oportunidad dahil sa diskriminasyon sa kanyang lahi , nagkaroon si William ng maliit na negosyo sa Cape Town, patahian ng pantalon, pampasaherong sasakyan, at maliit na sakahan.7 Si William ay debotong Kristiyano tulad ng kanyang mga magulang. Siya ay miyembro ng Dutch Reformed Church at naglingkod bilang deacon, elder, at miyembro ng brass band para sa kongregasyon sa simbahan ng St. Stephen sa Cape Town.8

Nalaman ni William ang tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa kanyang kapatid na babae na si Phyllis Sampson. Silang mag-asawa ay nabinyagan at lumipat sa Utah noong 1911. Ang anak ni William na si Abel ay naglakbay din kasama ang kanyang tiyahin at tiyuhin at nabinyagan sa Utah.9 Noong una, hindi nagpakita ng interes si William, ngunit di nagtagal naging magkaibigan sila ng pangulo ng misyon na si Nicholas G. Smith, na isa sa kanyang mga kliyente sa patahian. Ang mga pag-uusap nila ni Smith at iba pang mga missionary ang pumukaw ng interes niya sa Simbahan, ngunit nang ipaliwanag nila sa kanya na may restriksyon sa pag-oordina ng kalalakihan na may lahing Itim, nagulumihanan siya. Determinado si William na maglakbay patungo sa Utah para malaman pa ang tungkol sa Simbahan at mag-apela sa mga lider nito.10

Habang nasa Utah noong 1915, nakipag-usap si William kay Pangulong Joseph F. Smith, na nagpatunay sa restriksyon ngunit binigyan siya nito ng basbas, hinikayat siya na maging matapat at sinabihang maoordina siya sa priesthood balang araw.11 Si William ay nabinyagan sa Clearfield, Utah, pati ang kanyang anak na si Simon, na kasama niya sa paglalakbay. Umuwi si William kasama ang kanyang dalawang anak kalaunan nang taong iyon.12

Hindi nagtagal natuklasan niya na ang pagiging coloured na Banal sa mga Huling Araw sa Capetown sa panahong iyon ay may kaakibat na mga hamon at pagpapala. Sa isang banda, ang kultura ng South Africa sa sumunod na mga taon na kinakitaan ng diskriminasyon sa lahi ay pabor sa mga taga South Africa na puti, na patuloy na umiwas sa pakikihalubilo sa mga Itim at mga taong coloured. Nadama ni Daniels at ng kanyang pamilya na hindi sila tanggap sa karamihan sa branch para sa mga puti sa Mowbray. Sa likod sila umuupo at palihim na lumalabas sa katapusan ng mga pulong.13 Gayunpaman, si William ay madalas na magpatotoo sa mga pagpapala ng ebanghelyo sa kanyang buhay. Itinatangi niya ang oportunidad na mabasbasan ng pananampalataya at priesthood ng mga missionary at lokal na mga miyembro sa pagpapagaling ng kanyang mga problema sa kalusugan. Pinatotohanan niya na ang kapangyarihan ng Diyos ang nagpagaling sa kanya sa maraming pagkakataon.14

Si William ay regular na dumalo sa mga pulong tuwing Linggo, nagbahagi ng kanyang patotoo, ipinagtanggol ang Simbahan sa mga lokal pahayagan, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanyang pamilya at mga kaibigan.15 Si Clara ay nabinyagan noong 1918 kasama ang isa pang kaibigan ng pamilya na coloured, si Emma Beehre.16 Ang mga anak ni William na sina Alice at William Carl ay nabinyagan noong 1920.17 Si William at kanyang pamilya ay tumulong na mangalap ng pera para makabili ng organo para sa bagong gusali ng Simbahan sa Mowbray, nagsimula ng lingguhang klase sa Biblia sa kanilang tahanan, at natapos kasama ng mga lider sa paligsahan sa buong misyon sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan at pagbabahagi ng mga kopya ng Aklat ni Mormon.18 Sina William at Clara ay madalas mag-imbita ng mga missionary at mga miyembro ng branch sa kanilang tahanan para kumain. Sa loob ng maraming taon, ang pagkain sa tahanan ng mga Daniels ay nagsilbing simula ng napakagandang karanasan para sa mga bagong missionary.19 Ang mga pagpapakaing ito ay mahalagang paraan ng pagtulong ng pamilya sa komunidad ng mga Banal sa mga Huling Araw sa South Africa, at si Clara ay nakilala na magaling magluto.

grupo ng mga missionary

Si William (sa harap sa bandang kaliwa) at Clara (pangatlo mula sa kanan) na inimbita ang lahat ng missionary sa South African Mission para sa isang espesyal na salu-salo, ca. 1927.

Patuloy na inasam ni William ang ordenasyon sa priesthood at ang mga pagpapala ng templo. Noong 1920, ipinahayag niya ang kanyang pagkasiphayo sa pangulo ng misyon na si Nicholas G. Smith dahil ang kanyang bayaw na si David ay naordena na sa Utah. Makikitang puti ang kulay ng balat ni David kahit coloured ang kanyang ina.20 Tulad ni David, maraming tao mula sa magkakahalong lahi ang nagsasabi na kabilang sila sa ibang lahi, isang kaugalian na tinawag na ”racial passing.“21 Halos kasabay nito, itinuring din ni William ang sarili na nagmula sa mga ninunong European at Malyasian lamang.22 Bagama’t kinakitaan ng paminsan-minsang pagkadismaya, patuloy na matiyagang inasam ni William ang panahon na siya ay maoordena at magiging karapat-dapat ang kanyang pamilya para sa mga pagpapala ng templo, sa buhay mang ito o sa kabilang buhay.23

Sa mga sumunod na taon ng pagbabaik-loob ni William, patuloy na nagdaos ang pamilya Daniels ng klase sa pag-aaral ng Biblia tuwing gabi ng Lunes. Ang mga pulong ay paraan ng pamilya na manatiling aktibong nakikibahagi bilang mga Banal sa mga Huling Araw kahit nadarama nila na hindi sila tanggap sa ibang mga aktibidad ng lokal na branch. Bagama’t lahat ng anak na lalaki ni William ay nagsilayo sa Simbahan kalaunan, nagpatuloy sa pagiging aktibo sina William, Clara, at Alice.24 Tiniyak ni William na naitatala ang mga nagaganap sa klase sa Biblia at naipapadala sa Salt Lake City para “maisama ito sa Kasaysayan ng Simbahan.”25

Noong Nobyembre 1931, ang pangulo ng misyon na si Don McCarroll Dalton ay bumuo ng isang branch mula sa klase sa pag-aaral ng Biblia. Pinangalanang “Branch of Love,” binubuo ito ng pamilya Daniels at ni Emma Beehre. Nagsidalo ang iba pang mga kaibigang coloured kasama ang mga missionary at ilang puting miyembro mula sa Cape Town. Si William ay na-set apart bilang pangulo ng branch, ang tanging tao na may lahing Black African na naglingkod sa tungkuling iyan bago ang taong 1978.26 Si Clara ay tinawag na pangulo ng Relief Society at si Alice bilang clerk ng branch.27

Itinuring ni William ang branch na isang biyaya sa kanyang pamilya. Nadama ni Dalton na ang pagbibigay kay William ng “pribilehiyong magsagawa ng partikular na tungkulin” sa Simbahan ay nararapat lamang para kilalanin ang kanyang mga kontribusyon at debosyon. Tulad ng maraming Banal sa mga Huling Araw, umasa si Dalton na di magtatagal ay magbibigay ang Panginoon ng karagdagang paghahayag hinggil sa restriksyon.28 Siya ay naniniwala na sa pamamagitan ng pananampalataya at debosyon ni William at ng iba pa, “aalisin ang hadlang,” at na “darating ang panahon na ang kanyang munting tahanan at palagiang pulong tuwing Lunes at katapatan [ni William] ay maiuugnay sa Africa bilang [mga halimbawa] ng pananampalalataya.”29

Humina ang katawan ni William noong mga unang taon ng 1930s. Sa kabila ng medikasyon, basbas ng priesthood, at ng pananampalataya at mga panalangin ng Itim at puti na mga Banal sa mga Huling Araw sa Cape Town, namatay si William noong ika-13 ng Oktubre, 1936. Ipinagdalamhati ng mga lokal na miyembro ng Simbahan ang kanyang pagpanaw sa meetinghouse ng Mowbray branch.30 Bago ang kanyang kamatayan, nailathala ni William ang kanyang patotoo sa pahayagan ng misyon: “Alam ko na si Joseph Smith ay naging propeta ng Diyos sa mga huling araw,” pahayag niya, “ at alam ko na siya ang naging kasangkapan sa muling pagtatatag ng Simbahan ni Jesucristo, at na ang ipinanumbalik na ebanghelyo ay naglalaman ng mga itinuro mismo ni Cristo.31 Matapos ang paghahayag noong Hunyo 1978 na nag-alis ng restriksyon sa lahi patungkol sa ordenasyon at partisipasyon sa templo, siniguro ng anak nina William at Clara na si Alice na nakumpleto ang gawain sa templo para sa kanyang mga magulang, na siyang naging katuparan ng pangako ni Pangulong Smith kay William na balang araw ay maoordena si William sa priesthood.32

Mga Kaugnay na Paksa: Pagbubukod ng Lahi, Restriksyon sa Priesthood at sa Templo

  1. Evan P. Wright, A History of the South African Mission, Period II, 1903–1944 ([Walang isinaad na lugar kung saan inilathala: Evan P. Wright, ca. 1985]), 251.

  2. Record of Members, 33rd Ward, Liberty Stake, Salt Lake City, 1913; Wright, History of the South African Mission, 251.

  3. William Paul Daniels to Heber J. Grant, February 11, 1926, mga file sa misyon ng Unang Panguluhan, 1908, 1915–1949, Church History Library.

  4. Wright, History of the South African Mission, 255. Alam ng karamihang nakakakilala kay Daniels na may lahi siyang Itim. Tingnan sa Samuel Martin, Autobiography, January 1, 1927, 289, Church History Library; Royal D. Crook journal, January 1, 1924, MS 9055, CHL.

  5. Wright, History of the South African Mission, 251.

  6. Cape Colony Record of Members, South Africa, 1853–1946, Record of Members Collection, CR 375 8, Church History Library.

  7. Wright, History of the South African Mission, 252; Crook journal, October 23, 1922.

  8. Wright, History of the South African Mission, 254.

  9. Cape Colony Record of Members; David S. Sampson, Declaration of intention to naturalize, April 4, 1913, FamilySearch.org.

  10. Wright, History of the South African Mission, 253–55.

  11. Wright, History of the South African Mission, 255.

  12. Clinton Ward Record of Members, Record of Members Collection, CR 375 8, Church History Library; “Personals,” The Herald-Republican [Salt Lake City], Nov. 21, 1915, 2–A.

  13. Wright, History of the South African Mission, 247; tingnan sa Paksa: Pagbubukod ng Lahi.

  14. W. P. Daniels, “My Testimony,” Cumorah’s Southern Messenger, vol. 9, no. 2 (Feb. 20, 1935), 28–29; Love Branch miscellaneous minutes, 1925–1934, August 21, 1933, Church History Library; tingnan sa Paksa: Pagpapagaling.

  15. Mowbray branch general minutes, June 14, 1923; Wright, History of the South African Mission, 254–55.

  16. Cape Colony Record of Members.

  17. Cape Colony Record of Members.

  18. “Mission Wide Book of Mormon Reading Competition,” Cumorah’s Southern Cross, vol. 5, no. 10 (October 1931), 232; “Book of Mormon Reading Competition,” Cumorah’s Southern Cross, vol. 6, no. 3 (March 1932), 43–45; “East London Wins Book of Mormon Reading Contest,” Cumorah’s Southern Cross, vol. 6, no. 4 (April 1932), 62.

  19. Don McCarroll Dalton, South African mission journal, November 6, 1933, Don McCarroll Dalton Papers, L. Tom Perry Special Collections, Harold B. Lee Library, Provo, Utah; Samuel Martin, Autobiography, January 1, 1927, MS 6365, Church History Library, Salt Lake City; South African Mission general minutes, March 8, 1921, Church History Library, Salt Lake City.

  20. Ipinaliwanag ni Pangulong Smith na si William “at ang kanyang pamilya ay mga taong coloured ngunit mas naipapamuhay pa nila ang Ebanghelyo kaysa sa sinuman sa misyong ito. Gayunman iniiisip din nila ang progreso ng kanilang mga kalahi na hindi nagpapamuhay ng Ebanghelyo nang kasingtapat nila, na ang kulay ay nagkataong puti” (Nicholas G. Smith to the First Presidency, June 17, 1920, First Presidency mission files, 1908, 1915–1949, Church History Library, Salt Lake City).

  21. Tingnan sa Allyson Hobbs, A Chosen Exile: A History of Racial Passing in American Life (Cambridge, Mass.: Harvard University Press, 2016).

  22. Noong 1926, ang kapatid na babae ni William na si Phyllis ay nakapasok sa temple sa Salt Lake City at nagsimulang magsagawa ng mga ordenansa para sa kanilang mga ninuno. Nang kwestiyunin ng panguluhan ng templo ang kanyang pinagmulang lahi noong 1925, sumulat si William upang ipagtanggaol siya, na iginigiit na (taliwas sa kanyang nabanggit noong una) na wala silang dugong Itim na Aprikano. Sa kanyang liham isinaad ni William na kaunti lamang ang may lahing Itim sa South Africa, isang paniniwala na kinumpirma ni Pangulong Smith na hindi tumpak. (Nicholas G. Smith to Heber J. Grant, March 17, 1926; Phyllis Sampson to George F. Richards, August 18, 1926; William Paul Daniels to Heber J. Grant, February 11, 1926; First Presidency mission files, 1908, 1915–1949, Church History Library, Salt Lake City).

  23. Love Branch miscellaneous minutes, 1925–1934, February 22, 1932, LR 11787 19, Church History Library, Salt Lake City; Wright, History of the South African Mission, 255.

  24. Wright, History of the South African Mission, 255; Alice Okkers Oral History, MSS 1937, L. Tom Perry Special Collections, Harold B. Lee Library, Brigham Young University.

  25. Love Branch miscellaneous minutes, 1925–1934, August 21, 1933.

  26. Karaniwan noon sa mga pangulo ng misyon na magrekomenda at tumawag ng mga pangulo ng branch. Isinasaad sa tala ng branch na si Elder John A. Widtsoe ng Korum ng Labindalawa, na naglilingkod bilang Pangulo ng European Mission, ay inaprubahan ang pagtawag kay Daniels (Love Branch minutes, December 14, 1931, Church History Library, Salt Lake City).

  27. Pangkaraniwan noon na tumawag ng kababaihan bilang clerk at secretary; tingnan, halimbawa ang Instructions to Bishops and Counselors, Stake and Ward Clerks: No. 13, 1921 (Salt Lake City: The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, 1921), 32; W. H. Brummer, “They Broke the Ice,” Cumorah’s Southern Messenger, vol. 36, no. 4 (April 1961), 98–99; Kanarra Ward General Minutes, April 14–20, 1912, LR 4305 11, Church History Library, Salt Lake City.

  28. Don McCarroll Dalton to the First Presidency, April 11, 1930, Don McCarroll Dalton Papers, MSS 1509, L. Tom Perry Special Collections, Harold B. Lee Library, Brigham Young University.

  29. Dalton, South African mission journal, August 21, 1933.

  30. “Resting Now from Care and Sorrow,” Cumorah’s Southern Messenger, vol. 10, no. 10 (Oct. 20, 1936), 153.

  31. Daniels, “My Testimony.”

  32. Wright, History of the South African Mission, 259.