Kasaysayan ng Simbahan
Book of Commandments


“Book of Commandments,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Book of Commandments”

Book of Commandments

Sa mga unang taon ng Simbahan, ang tanging paraan ng karamihan sa mga miyembro na malaman ang mga paghahayag ng Panginoon kay Joseph Smith ay sa pamamagitan ng mga kopyang isinulat-kamay sa mga hiwa-hiwalay na pahina na ibinabahagi sa mga Banal sa mga Huling Araw. Umaasa ang mga pinuno ng Simbahan at mga missionary sa mga kopyang ito para sa patnubay at inspirasyon. Sa nalalapit na pagtatapos ng 1831, nagdaos si Joseph ng isang kumperensya upang malaman kung dapat ba at kung paano ilalathala ang mga paghahayag na ito. Nais niya at ng iba pang mga lider ng Simbahan na matiyak na ang tumpak na mga kopya ang malawakang magagamit ng mga miyembro ng Simbahan. Sa isang paghahayag na natanggap ni Joseph sa kumperensya, sinang-ayunan ng Panginoon ang pagtitipon ng mga paghahayag at inihayag ang paunang salita para sa ilalabas na aklat.1 Isang komite na tinatawag na Literary Firm ang inatasang pangasiwaan ang paglalathala ng aklat.2 Kadalasang tinatawag ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga paghahayag bilang “mga utos [commandments],” at ginamit ng Literary Firm ang salitang ito sa pamagat ng mga tinipong kautusan: “A Book of Commandments.”

larawan ng Book of Commandments na nakabukas sa pahinang pamagat, lagda ni Wilford Woodruff sa kabilang pahina

A Book of Commandments, inilathala sa Independence, Missouri, noong 1833.

Ang paglilimbag ay nagsimula noong 1832 sa isang palimbagan sa Independence, Missouri, na pag-aari ni William W. Phelps. Ang paglilimbag ay halos kumpleto na noong Hulyo 1833 nang salakayin at sirain ng mga mandurumog ang palimbagan. Itinaya ng ilang mga Banal ang kanilang kaligtasan upang iligtas ang mga pahina noong kasagsagan ng pagsalakay. Ang mga miyembro kapwa sa Missouri at sa Kirtland, Ohio, ay binigkis ang mga nailigtas na mga pahina para maging mga aklat, ngunit hindi kumpleto, at ang inaasahang paglabas ng libu-libong kopya ay nahadlangan. Hindi nagtagal ay sinimulang muli ng mga lider ng Simbahan ang isang pagsisikap upang ilathala ang mga paghahayag.3 Nagtagumpay sila noong 1835, at inilathala ang mga ito sa Kirtland sa ilalim ng pamagat na The Doctrine and Covenants of the Church of the Latter Day Saints, na sinang-ayunan ng mga Banal bilang “batas ng simbahan” at “mga tuntunin ng pananampalataya at pagkilos.”4

Mga Kaugnay na Paksa: Doktina at mga Tipan