Kasaysayan ng Simbahan
Pag-aasawa nang Marami pagkaraan ng Pahayag


Pag-aasawa nang Marami pagkaraan ng Pahayag

Sa loob ng mahigit kalahati ng ika-19 na siglo, ang ilang Banal sa mga Huling Araw ay nagsasagawa ng maramihang pag-aasawa sa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Simbahan. Ang gawaing ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng paghahayag na ibinigay kay Joseph Smith para sa limitadong grupo ng malapit na mga kasamahan at hayagang isinagawa sa pagitan ng 1852 at 1890.1 Nabigyang-inspirasyon si Pangulong Wilford Woodruff na ibigay ang Pahayag, isang mensahe na naglalahad ng kanyang “hangaring sumunod sa mga batas na yaon” at nagbabawal ng maramihang pagpapakasal “at gamitin ang [kanyang] impluwensiya sa mga kasapi ng Simbahan … na gawin nila ang gayon din.”2 Tulad ng pagsisimula ng pag-aasawa nang marami sa Simbahan, ang pagwawakas ng pagsasagawa nito ay dahan-dahan at unti-unting nasusunod, isang prosesong puno ng hirap at mga pag-aalinlangan.

Ipinahayag ng Pahayag ang hangarin ni Pangulong Woodruff na sumunod sa mga batas ng Estados Unidos, at, nang sang-ayunan ang Pahayag sa pangkalahatang kumperensya, ang mga bagong pag-aasawa nang marami sa loob ng hurisdiksyong iyon ay karamihang natapos na.3 Gayunpaman, maraming praktikal na bagay ang dapat ayusin. Hindi ipinaliwanag ng Pahayag kung ano ang dapat gawin ng mga pamilyang bunga ng pag-aasawa nang higit sa isa. Sa kanilang sariling pagkukusa, ang ilang mag-asawa ay naghiwalay o nagdiborsyo dahil sa Pahayag; ang ibang mga lalaki naman ay iisang asawa na lamang ang pinakisamahan ngunit patuloy pa ring nagbibigay ng pinansyal at emosyonal na suporta sa mga asawa’t anak na umaasa pa sa kanila.4 Dahil naniniwala sila na ang mga tipang ginawa nila sa Diyos at sa kanilang mga asawa ay dapat pahalagahan higit sa lahat, maraming lalaki, kabilang na ang mga lider ng Simbahan, ang patuloy na nakisama sa kanilang mga asawa at naging ama sa kanilang mga anak hanggang sumapit ang ika–20 siglo.5

Ilang maramihang pag-aasawa ang patuloy na isinagawa sa Mexico at Canada sa ilalim ng pahintulot ng ilang lider ng Simbahan. Bilang patakaran, ang mga kasal na ito ay hindi itinaguyod ng mga lider ng Simbahan at mahirap maaprubahan. Ang isa o lahat ng mag-asawang pumasok sa mga pagsasamang ito ay karaniwang kailangang sumang-ayon na manatili sa Canada o Mexico. Bilang eksepsyon, mas maliit na bilang ng pag-aasawa nang marami ang isinagawa sa loob ng Estados Unidos sa pagitan ng mga taong 1890 at 1904. Hindi batid ang eksaktong bilang ng mga bagong pag-aasawa nang higit sa isa sa mga taon na ito, sa loob at labas ng Estados Unidos.6 Ang mga talaan ng pagbubuklod na iniingatan sa panahong ito ay karaniwang hindi nagpapahiwatig kung ang pagbubuklod ay monogamous o maramihan, na nagpapahirap sa masusing kalkulasyon.7

Ang papel na ginagampanan ng Simbahan sa mga kasal na ito ay naging paksa ng matinding debate sa publiko pagkatapos mahalal si Reed Smoot, isang Apostol, sa Senado ng Estados Unidos noong 1903.8 Sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 1904, nagbigay ang Pangulo ng Simbahan na si Joseph F. Smith ng isang mariing pahayag, na nakilala bilang Pangalawang Pahayag, na pinaparusahan ang mga bagong maramihang pag-aasawa sa pamamagitan ng pagtitiwalag.9 Simula sa pamumuno ni Joseph F. Smith, paulit-ulit na binigyang-diin ng mga Pangulo ng Simbahan na hindi na pinahihintulutan ang Simbahan at ang mga miyembro nito na magpakasal o mag-asawa nang higit sa isa at binigyang-diin ang katapatan ng kanilang mga salita sa pamamagitan ng paghimok sa mga lokal na lider na dalhin sa konseho sa pagdidisiplina ng Simbahan ang mga miyembro na hindi sumusunod.

Isinalaysay sa Mga Banal ang ilang mahahalagang kuwento na may kaugnayan sa pagwawakas ng mga Banal sa mga Huling Araw sa pagsasagawa ng maramihang pag-aasawa, kabilang na ang “Pangalawang Pahayag.” Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “The Manifesto and the End of Plural Marriage.”

Mga Kaugnay na Paksa: Maramihang Pag-aasawa sa Utah, Pahayag, Batas Laban sa Poligamya, Paglilitis kay Reed Smoot, Si Joseph Smith at Ang Maramihang Pag-aasawa, Wilford Woodruff, Joseph F. Smith, Mga Kolonya sa Mexico

  1. Tingnan sa mga Paksa: Si Joseph Smith at Ang Maramihang Pag-aasawa, Maramihang Pag-aasawa sa Utah.

  2. Official Declaration 1; “Official Declaration,” Deseret Evening News, Set. 25, 1890, 2. Tingnan din sa Paksa: Pahayag.

  3. Lorenzo Snow, sa Opisyal na Pahayag 1; “The Manifesto and the End of Plural Marriage,” Gospel Topics, ChurchofJesusChrist.org.

  4. The Manifesto and the End of Plural Marriage,” Gospel Topics, ChurchofJesusChrist.org; tingnan din sa Jessie L. Embry, Mormon Polygamous Families: Life in the Principle (Salt Lake City: University of Utah Press, 1987), 13–14; Francis M. Lyman journal, Dec. 15, 1893, Church History Library; Utah Stake High Council Minutes, Aug. 5, 1892, Church History Library.

  5. Kenneth L. Cannon II, “Beyond the Manifesto: Polygamous Cohabitation among LDS General Authorities after 1890,” Utah Historical Quarterly, tomo 46, blg. 1 (Taglamig 1978), 24–36.

  6. Karaniwang hindi minarkahan ang mga talaan ng pagbubuklod ng panahong iyon kung ang pagbubuklod ay monogamous o maramihan, at mula sa mga talaang iyon na nagbanggit ng maramihang pag-aasawa, ang mga proporsyon ay nagpapahiwatig na ang pag-aasawa nang higit sa isa ay isang lumilipas na kaugalian matapos ang 1890; tingnan sa “The Manifesto and the End of Plural Marriage,” Gospel Topics, ChurchofJesusChrist.org.

  7. Tingnan sa “The Manifesto and the End of Plural Marriage,” Gospel Topics, ChurchofJesusChrist.org.

  8. Tingnan sa Paksa: Paglilitis kay Reed Smoot; tingnan din sa Kathleen Flake, The Politics of American Religious Identity: The Seating of Senator Reed Smoot, Mormon Apostle (Chapel Hill: University of North Carolina Press, 2004).

  9. “Official Statement by President Joseph F. Smith,” Deseret Evening News, Abr. 6, 1904, 1.