Kasaysayan ng Simbahan
Pagpapagaling


“Pagpapagaling,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Pagpapagaling”

Pagpapagaling

Noong Kanyang mortal na ministeryo, pinagaling ni Jesucristo ang mga maysakit at nagdurusa. Binigyan Niya ang Kanyang mga disipulo ng kapangyarihan at awtoridad na magpagaling at itinuro na ang kaloob na magpagaling ay isa sa mga “tandang [ito] na susunod sa kanila na nagsisisampalataya.”1 Pinagtibay ng makabagong paghahayag kay Joseph Smith ang mga alituntuning ito at tinukoy kapwa ang “pananampalataya na gumaling,” at “pananampalataya na makapagpagaling” bilang mga kaloob ng Espiritu.2

Pinapagaling ni Jesucristo ang isang lalaki

Noong Kanyang mortal na ministeryo, pinagaling ni Jesucristo ang mga maysakit at nagdurusa.

Kasaysayan ng Mga Gawain ng Pagpapagaling

Ginamit ng mga naunang Banal sa mga Huling Araw ang kaloob na pagpapagaling sa dalawang magkakasanib na paraan. Una, sinunod nila ang payo na ibinigay sa Bagong Tipan at sa mga paghahayag na natanggap ni Joseph Smith na nag-aatas sa kanilang tawagin ang “mga elder ng simbahan” na “ipatong ang kanilang mga kamay” sa mga maysakit at basbasan ang mga ito.3 Sa pagsunod sa nakasaad sa banal na kautusang ito, ang mga kalalakihang may hawak ng katungkulan sa priesthood sa Simbahan ay nagsagawa ng basbas ng pagpapagaling. Ikalawa, itinuturing ng mga naunang Banal sa mga Huling Araw ang pagpapagaling na kaloob ng Espiritu, na maaaring makamit ng sinumang tao na nagtataglay ng sapat na pananampalataya.4 Noong ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo, nagsagawa ng mga basbas ng pagpapagaling kapwa ang mga kalalakihan at kababaihan sa pangalan ni Jesucristo, karaniwan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa apektadong bahagi ng katawan ngunit hindi partikular na nanawagan sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood.5

Ang mga naunang pamamaraan ng mga Mormon sa pagpapagaling ay magkakaiba. Ang paggamit ng inilaang langis para sa pagpapahid ng langis sa maysakit ay pinasimulan matapos ang paglalaan ng Kirtland Temple, bagama’t ang pamamaraan ng paggamit ng langis ay nagbago sa paglipas ng panahon. Halimbawa, ang mga taong nagkasakit o nasugatan ay kadalasang nagpapahid ng langis sa apektadong bahagi tulad ng gamot na panghaplos.6 Ang mga ritwal na karaniwang ginagamit sa ibang mga layunin ay inaangkop din sa pagpapagaling. Halimbawa, kung minsan ang mga pagbibinyag ay isinagawa para sa kalusugan. Sa mga gayong sitwasyon, ang kalalakihan at kababaihan ay inilulubog sa tubig, hindi para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan kundi para sa kanilang pisikal na kapakanan. Ang mga pagbibinyag na ito ay isinagawa sa mga templo ng mga lalaking may taglay ng awtoridad ng priesthood hanggang sa unang bahagi ng ika-20 siglo.7 Ang iba pang seremonya ng pagpapagaling ay isinasagawa sa mga templo, kabilang na ang mga paghuhugas at pagpapahid ng langis para sa kalusugan; kapwa ang mga kalalakihan at kababaihan ay itinalaga upang pangasiwaan ang mga pagbabasbas na iyon.8

Inaprubahan ni Joseph Smith ang partisipasyon ng mga kababaihan sa pagpapagaling. “Patungkol sa mga babaeng nagpapatong ng mga kamay,” sabi ni Joseph, “ito ay hindi kasalanan para sa sinuman na gawin ito na may pananampalataya.”9 Para sa mga kababaihan, ang pagbabasbas sa maysakit ay natural na karugtong ng kanilang mga gawain bilang pangunahing nars at tagapangalaga sa panahon ng karamdaman. Bilang katiyakan, ang mga kababaihan na mga Banal sa mga Huling Araw ay madalas na pinanahiran ng langis at binabasbasa ang iba pang kababaihan kapag nagbubuntis o nanganganak.10

Patuloy na hinihikayat nina Brigham Young at iba pang mga lider ng Simbahan ang mga kababaihan na humingi ng espirituwal na kaloob na magpagaling at sinang-ayunan ang partisipasyon ng mga kababaihan sa basbas ng pagpapagaling.11 Noong 1880, ipinahayag ng Korum ng Labindalawang Apostol na isinasagawa ng mga kababaihan ang nakapagpapagaling na pagbabasbas “hindi sa pamamagitan ng kabanalan at awtoridad ng priesthood, ngunit sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Cristo.”12 Gayundin, itinuro ng General President ng Relief Society na si Eliza R. Snow, “Ang mga babae ay maaaring magbasbas sa pangalan ni Jesus ngunit hindi sa bisa ng Priesthood.”13

Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, ang mga bagong henerasyon ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagsimulang maghangad ng kalusugan at pagpapagaling sa iba’t ibang paraan kaysa sa mga nauna sa kanila. Nagpatuloy sila sa pananawagan na ang mga maysakit ay pahiran ng langis, ngunit sa maraming pagkakataon, binigyang-diin nila ang bisa ng pag-aayuno at pagdarasal nang walang pormal na basbas.14 Ang mga pag-unlad sa siyensya ng medisina ay humantong din sa kanila na magtiwala sa mga doktor at ospital nang higit kaysa sa mga naunang henerasyon.15 Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, sina President Joseph F. Smith at Heber J. Grant ay naglatag ng mga pamantayan para sa mga pamamaraan ng priesthood at mga ordenansa, kabilang na ang basbas ng pagpapagaling.16 Kasama sa pagsisikap na ito ang paglimbag ng mga tagubilin para sa mga basbas ng pagpapagaling ng priesthood sa mga hanbuk para sa mga missionary at mga lokal na lider ng priesthood.17 Nagbigay rin ang mga lider ng Simbahan ng mga partikular na tagubilin tungkol sa paggamit ng inilaang langis sa mga pagbabasbas, na nagmumungkahi ng simpleng pagpapahid sa tuktok ng ulo.18 Noong dekada ng 1920, ang mga pagbibinyag para sa kalusugan ay itinigil, gayundin ang mga basbas ng pagpapagaling sa templo.19

Pagdating sa partisipasyon ng mga kababaihan sa basbas ng pagpapagaling, pinagtibay ng isang liham noong 1914 mula sa Unang Panguluhan na “sinumang mabuting kapatid na babae, puno ng pananampalataya sa Diyos at sa bisa ng panalangin” ay maaaring magbasbas ng maysakit. Subalit binigyang-diin ng Panguluhan ang priyoridad ng mga basbas ng priesthood: “Ang utos ng Panginoon ay tumatawag sa mga elder upang mangasiwa sa maysakit, at kapag sila ay tinawag, sila ay dapat hilingang magpahid ng langis sa maysakit o ibuklod ang pagpapahid ng langis.”20 Binigyang-diin ng mga sumunod na lider ng Simbahan ang tagubilin ng banal na kasulatan na “ipatawag ang mga elder” upang pangasiwaan ang mga basbas na nagpapagaling.21 Ang pagpapahalagang ito ay binigyang-diin sa mga peryodiko ng Simbahan at sa mga liham na ipinadala at ipinamahagi ng lokal na mga lider ng Relief Society noong mga dekada ng 1940 at 1950.22 Itinuturo sa kasalukuyang hanbuk ng Simbahan na “tanging mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang maaaring mangasiwa sa maysakit o nahihirapan.”23

Pagpapagaling at Siyensyang Medikal

Habang naghahangad ng paggaling sa pamamagitan ng espirituwal na paraan, sumunod ang mga naunang Banal sa mga Huling Araw sa payo sa mga banal na kasulatan na ang mga maysakit ay dapat “[mapangalagaan] nang buong pagmamahal, ng mga halamang gamot at pagkaing madaling matunaw.”24 Itinuro ni Pangulong Brigham Young na angkop “na gamitin ang bawat remedyo na nasa aking kaalaman, at hilingin sa aking Ama sa Langit, sa pangalan ni Jesucristo, na pabanalin ito sa pagpapagaling ng aking katawan.”25 Itinaguyod niya ang propesyonal na pag-aaral ng medisina kapwa sa mga kalalakihan at kababaihan at inaprubahan ang suportang pinansyal para sa ilang miyembro ng Simbahan na mag-aral sa mga paaralan ng medisina sa silangang Estados Unidos.26

Patuloy na naghahanap ang mga Banal sa mga Huling Araw ng tamang panggagamot mula sa mga kwalipikadong propesyonal. Itinuro ng mga lider ng Simbahan na “ang paggamit ng siyensya ng medisina ay hindi salungat sa ating mga panalangin ng pananampalataya at pananalig sa mga basbas ng priesthood.”27 Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw sa pag-iwas sa pagkakasakit sa pamamagitan ng wastong pagkain, sapat na ehersisyo at pahinga, pagsunod sa Word of Wisdom, at pangangalaga para sa kalusugan. Sa mga nakaraang dekada, halimbawa, nag-ambag ang Simbahan ng malaking yaman sa mga pagsisikap sa pagbabakuna sa buong mundo.28

Ang Kaloob ng Pagpapagaling Ngayon

Ang kaloob ng pagpapagaling ay ginagamit sa Simbahan ngayon sa pamamagitan ng pananampalataya ng bawat isa at panalangin—para sa kapakanan ng isang tao o para sa iba—at sa pamamagitan ng basbas ng priesthood. Ang katuparan ng mga basbas ng pagpapagaling ay natatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya at ayon sa kalooban ng Panginoon. Hindi lahat ng pagbabasbas ay magdudulot ng pagpapagaling. “Ginagawa natin ang lahat para gumaling ang isang mahal sa buhay,” itinuro ni Elder Dallin H. Oaks, habang naglilingkod bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, “at pagkatapos ay nagtitiwala tayo sa Panginoon sa kahihinatnan niyon.”29

Pangangasiwa ng basbas ng pagpapagaling

Ang mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang nangangasiwa ng basbas ng pagpapagaling.

Mga Kaugnay na Paksa: Mga Kaloob ng Espiritu, Kaloob na mga Wika

Mga Tala

  1. Mateo 10:1; Marcos 16:17; tingnan din sa Mateo 17:20–21; Mga Gawa 3:1–7; 5:12, 15–16; 14:8–10; Santiago 5:13–16.

  2. Revelation, circa 8 March 1831–A [D&C 46],” sa Revelation Book 1, 77, 78, josephsmithpapers.org; “Revelation, 7 December 1830 [D&C 35],” sa Revelation Book 1, 47, josephsmithpapers.org; “Revelation 22–23 September 1832 [D&C 84],” 3, josephsmithpapers.org; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 35:9; 46:9, 19–20; 84:65–72.

  3. Santiago 5:14–15; “Revelation, 9 February 1831 [D&C 42:1–72],” 4, josephsmithpapers.org; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 42:43–44.

  4. I Mga Taga-Corinto 12:4–11; Moroni 10:11; “Revelation, circa 8 March 1831–A [D&C 46],” sa Revelation Book 1, 78; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 46:20.

  5. Para sa mga naunang pamamaraan ng mga Mormon sa pagpapagaling, tingnan sa The Journals of William E. McLellin, 1831–1836, pinamatnugutan nina Jan Shipps at John W. Welch (Provo, UT: BYU Studies; Urbana: University of Illinois Press, 1994), 40, 45, 66, 71; Juanita L. Pulsipher, pat., “History of Sarah Studevant Leavitt (1875),” 9, L. Tom Perry Special Collections, Harold B. Lee Library, Brigham Young University, Provo, Utah; tingnan din sa Jonathan A. Stapley at Kristine Wright, “The Forms and the Power: The Development of Mormon Ritual Healing to 1847,” Journal of Mormon History, tomo 35, blg. 3 (Tag-araw 2009), 42–87.

  6. Tingnan sa Stapley at Wright, “The Forms and the Power,” 65–66. Sa ilang pagkakataon, ang nagkasakit na tao ay uminom ng inilaang langis.

  7. Jonathan A. Stapley at and Kristine Wright, “‘They Shall Be Made Whole’: A History of Baptism for Health,” Journal of Mormon History, tomo 34, blg. 4 (Taglagas 2008), 69–112.

  8. Kabilang sa mga nakapagpapagaling na ritwal na ito ay ang pagpapatong ng mga kamay at paghuhugas at pagpapahid ng langis. Stapley at Wright, “The Forms and the Power,” 75–77.

  9. Nauvoo Relief Society minutes, Apr. 28, 1842, sa Jill Mulvay Derr, Carol Cornwall Madsen, Kate Holbrook, at Matthew J. Grow, mga pat., The First Fifty Years of Relief Society: Key Documents in Latter-day Saint Women’s History (Salt Lake City: Church Historian’s Press, 2016), 55.

  10. Mary Walker Morris diary, July 22 at Sept. 6, 1879; Mar. 3, 1881, sa Before the Manifesto: The Life Writings of Mary Lois Walker Morris, pinamatnugutan ni Melissa Lambert Milewski (Logan: Utah State University Press, 2007), 226, 230, 298. Sa ibang pagkakataon, naghugas at nagpahid ng langis ang mga kababaihan at ang mga lalaki ay nagbuklod ng pagpapahid ng langis at nagbasbas. Morris diary, Sept. 7–8, 1881, sa Life Writings, 314. Karaniwang ginagawa ng mga kababaihan ang mga pagbabasbas na ito kasama ang, at alang-alang sa, iba pang mga babae o mga bata, ngunit kung minsan ay binabasbasan din nila ang mga lalaki o kumilos kasama ng mga lalaki sa pagbibigay ng mga basbas ng pagpapagaling o kapanatagan. Para sa halimbawa, tingnan sa Wilford Woodruff journal, Mar. 30, 1838, Church History Library, Salt Lake City; tingnan din sa Helen Mar Kimball, “Scenes in Nauvoo, and Incidents from H. C. Kimball’s Journal,” Woman’s Exponent, tomo 12, blg. 6 (Ago. 15, 1883), 42. Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga ritwal ng pagpapagaling ay mas tinalakay pa sa Jill Mulvay Derr, Janath Russell Cannon, at Maureen Ursenbach Beecher, Women of Covenant: The Story of Relief Society (Salt Lake City: Deseret Book, 1992), 44–45, 67–68, 114, 220–21, 429–30. Isang mas bago at kumpletong pagtalakay ay matatagpuan sa Jonathan A. Stapley at Kristine Wright, “Female Ritual Healing in Mormonism,” Journal of Mormon History, tomo 37, blg. 1 (Taglamig 2011), 1–85.

  11. Para sa mga halimbawa ng mga gayong pahayag, tingnan sa Brigham Young discourse, Nov. 14, 1869, sa Journal of Discourses, 26 tomo. (London: Latter-Day Saints’ Book Depot, 1871), 13:155; “Report of the Dedication of the Kaysville Relief Society House, Nov. 12, 1876,” Woman’s Exponent, tomo 5, blg. 19 (Mar. 1, 1877), 149.

  12. Quorum of the Twelve Apostles, Draft Circular Letter, October 6, 1880 (Excerpt),” sa Jill Mulvay Derr, Carol Cornwall Madsen, Kate Holbrook, at Matthew J. Grow, mga pat., The First Fifty Years of Relief Society: Key Documents in Latter-day Saint Women’s History (Salt Lake City: Church Historian’s Press, 2016), 489. Nagsalita si Pangulong Wilford Woodruff sa kahalintulad na mga kataga sa isang liham ng tagubilin sa general secretary ng Relief Society. Sinabi niya na ang kababaihan ay nangasiwa sa mga maysakit “hindi bilang mga miyembro ng priesthood, ngunit bilang mga miyembro ng Simbahan” (Wilford Woodruff letter to Emmeline B. Wells, Apr. 27, 1888, 3, Church History Library, Salt Lake City).

  13. Morgan Utah Stake Relief Society minutes and records (1878–1912), tomo 1, Abr. 28, 1883, 93, Church History Library, Salt Lake City.

  14. Tingnan sa Minutes, Nov. 1888, Ashley Center Ward Relief Society minute book, 1880–92, tomo 1, 77, Church History Library, Salt Lake City; Minutes, Mar. 5, 1896, Thatcher Ward Relief Society minutes and records, 1884–1910, tomo 1, 166; Minutes, Oct. 23, 1897, Farmers Ward Relief Society minutes and records, 1896–1902, tomo 2, 62; Minutes, Sept. 13, 1899, Provo Utah Central Stake Relief Society minutes, tomo 5, 41.

  15. Tingnan sa Jonathan A. Stapley, “‘Pouring in Oil’: The Development of the Modern Mormon Healing Ritual,” sa Daniel L. Belnap, pat., By Our Rites of Worship: Latter-day Saint Views on Ritual in Scripture, History, and Practice (Provo, UT: Religious Studies Center, Brigham Young University, 2013), 295, 297–98.

  16. Tingnan sa Young Men’s Mutual Improvement Associations Manual, 1902–1903 (Salt Lake City: General Board of Y.M.M.I.A., 1902), 58–59; Handbook of Instructions for Stake Presidencies, Bishops, and Counselors, Stake and Ward Clerks and Other Church Officers, blg. 16 (Salt Lake City: The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, 1940), 125–26; tingnan din sa Joseph Fielding Smith, Answers to Gospel Questions, 5 tomo. (Salt Lake City: Deseret Book, 1957), 1:148.

  17. Tingnan sa Young Men’s Mutual Improvement Associations Manual, 58–59.

  18. Stapley, “‘Pouring in Oil,’” 303–5.

  19. Stapley at Wright, “Female Ritual Healing,” 64–69. Ang kaugnayan ng templo sa pagpapagaling ay patuloy pa rin ngayon sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga pangalan sa listahan ng panalangin sa templo, kung saan ang mga panalangin alang-alang sa maysakit ay ibinibigay bilang bahagi ng seremonya sa templo.

  20. First Presidency letter to stake presidents and bishops, Oct. 3, 1914, sa James R. Clark, comp., Messages of the First Presidency of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, 6 tomo. (Salt Lake City: Bookcraft, 1970), 4:314–15. Isinaad ng Panguluhan na ang kababaihan “ay may parehong karapatan na mangasiwa sa mga batang maysakit tulad ng sa matatanda, at maaaring magpahid ng langis at magpatong ng mga kamay sa kanila nang may pananampalataya” (liham ng Unang Panguluhan, Okt. 3, 1914). Ang karagdagang pagbibigay-diin na ito sa awtoridad ng priesthood upang mangasiwa ng kaloob na pagpapagaling ay siyang nagpapabukod-tangi ng mga gawaing pagpapagaling ng mga Banal sa mga Huling Araw mula sa mga popular na uri ng paggaling sa pananampalataya na naging laganap sa mga naunang Amerikanong kultura noong ika-20 siglo. Tanging mga basbas ng priesthood ang itinuturing na tunay. Tingnan sa Stapley at Wright, “Female Ritual Healing,” 41–46; John A. Widtsoe, Program of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (Salt Lake City: General Boards of the Mutual Improvement Associations of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, 1938), 127.

  21. Santiago 5:14; Journal History of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, Jan. 16, 1921, 101, Church History Library, Salt Lake City; Heber J. Grant letter to P. J. Hansen, Mar. 12, 1934, Church History Library, Salt Lake City; Heber J. Grant, J. Reuben Clark, David O. McKay letter to Rodney S. Williams, Dec. 14, 1943, Church History Library, Salt Lake City.

  22. Form letter on Relief Society letterhead, July 29, 1946, Relief Society Washing and Anointing File, Church History Library, Salt Lake City (isang anotasyon sa liham ang nagpapahiwatig na ito ay isinulat ni Joseph Fielding Smith upang magamit ng mga lider ng Relief Society); Joseph Fielding Smith, “Your Question: Administering to the Sick,” Improvement Era, tomo 58, blg. 8 (Ago. 1955), 558–59, 607.

  23. Handbook 2: Administering the Church (2010), 20.6.1.

  24. Doktrina at mga Tipan 42:43.

  25. Journal of Discourses, 26 tomo. (London: Latter-Day Saints’ Book Depot, 1857), 4:24.

  26. Derr, Cannon, at Beecher, Women of Covenant, 107–8.

  27. Dallin H. Oaks, “Pagpapagaling ng Maysakit,” Ensign or Liahona, May 2010, 47.

  28. Measles Vaccination Campaign,” Mormon Newsroom, mormonnewsroom.org.

  29. Dallin H. Oaks, “Pagpapagaling ng Maysakit,” 50.