Kasaysayan ng Simbahan
Sunday School


“Sunday School,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Sunday School”

Sunday School

Ang pagmamalasakit sa mga maralitang batang trabahador sa England noong dekada ng 1780 at sa Hilagang Amerika noong dekada ng 1790 ay humantong sa pagbuo ng mga Sabbath school, isang popular na gawaing Protestante upang turuan ang mga kabataan ng tungkol sa Biblia at ng pagkatutong bumasa at sumulat.1 Madalas dumalo ang mga naunang Banal sa mga Huling Araw sa mga Sabbath school bago sila sumapi sa Simbahan. Bilang isang bata, isinaulo ni Eliza R. Snow ang mga talata sa Bagong Tipan sa kanyang mga Sabbath school sa Ohio, at pinasalamatan ni Jonathan Crosby ang kanyang pag-aaral noong binatilyo pa siya na nag-udyok ng mga mahahalagang tanong tungkol sa mga banal na kasulatan.2 Sa Kirtland, Ohio, nag-organisa ang mga Banal sa mga Huling Araw ng di-pormal na Sunday School kung saan ang mga bata at guro ay malakas na nagbabasa ng mga talata ng banal na kasulatan sa loob ng templo.3 Paminsan-minsang nagtuturo si Emmeline B. Wells sa Sunday school sa Nauvoo, Illinois, at sa Winter Quarters, Nebraska.4

Isang pamantayang programa ng Sunday School ng mga Banal sa mga Huling Araw ang binuo sa Teritoryo ng Utah simula noong 1849. Si Richard Ballantyne, na nag-norganisa ng isang Presbyterian Sunday school sa Scotland bago sumapi sa Simbahan, ay itinuring na kanyang tungkulin ang pagtuturo ng ebanghelyo sa mga bata sa isang pormal na paraan.5 Nagtayo siya ng isang silid sa kanyang bahay na may mga upuang yari sa kahoy at tinipon doon ang 50 bata noong Disyembre 9, 1849, upang magturo sa kanila mula sa Biblia, Aklat ni Mormon, at Doktrina at mga Tipan.6 Pagsapit ng 1850 ang mga klase ay lumipat sa katatapos lamang na meetinghouse ng ika-14 na Ward ng Lunsod ng Salt Lake. Hinirang si Ballantyne bilang superintendente ng paaralan, at ang mga bata ay hinati sa mas maliliit na klase.

larawan ni Richard Ballantyne

Litrato ni Richard Ballantyne.

Agad na kumalat ang programa sa kabuuan ng mga pamayanan sa Utah, lumilikha ng isang lumalaking pangangailangan para sa materyales at patnubay sa pagtuturo. Noong 1866 ang patnugot at Apostol na si George Q. Cannon ay nagsimulang maglathala ng magasing Juvenile Instructor na inilalathala dalawang beses kada buwan, na nagtatampok ng mga aral ng mula sa mga banal na kasulatan, musika, at mga tagubilin tungkol sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Noong sumunod na taon, si Cannon ay itinalagang tagapamahala ng Churchwide Deseret Sunday School Union.7

Nauna ang Sunday School sa Mutual Improvement Association at sa Primary bilang may pamantayang klase na batay sa mga banal na kasulatan para sa mga bata at kabataan sa mga umaga ng Linggo. Noong 1872 ang mga pulong ng Sunday School at mga sesyon sa pagsasanay ng mga guro, ayon sa isang nagmamasid, ay “patuloy na lumago sa mga bahagi at interes hanggang sa ang mga ito ay kabilang sa mga pinakabantog at pinakahigit na dinadaluhan sa lahat ng mga pagpupulong ng mga tao ng Sion.” Pinamamahalaan ng mga bishop ang pangangasiwa ng sakramento sa Sunday School simula noong 1887, may layunin na ang mga bata ay tatanggap ng “mas mabuting pang-unawa sa banal na misyon ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo at sa Kanyang pagbabayad-sala.” Pagkaraan ng ilang taon, ang mga Banal sa Ogden, Utah, ay nagdaos ng mga klase sa Sunday School sa paaralan ng teritoryo para sa mga bingi at bulag.8 Noong 1928 ang pangkalahatang tagapamahala na si David O. McKay ay pormal na pinasimulan ang mga kursong adult Gospel Doctrine sa buong Simbahan.9

David O. McKay na may time capsule

Si President David O. McKay noong 1949 na may time capsule sa pagdiriwang ng sentenaryong anibersaryo ng Sunday School.

Habang patuloy na lumalago ang Simbahan sa buong mundo, ang mga lider noong ika-20 siglo ay nagtrabaho upang gawing mas simple ang Sunday School. Noong dekada ng 1970 mas nakatuon ang isang magkakaugnay na kurikulum sa mga banal na kasulatan at nilimitahan ang iba pang mga paksa. Noong 1980 ang pinagsamang iskedyul ng mga pulong sa araw ng Linggo ay ginawang kabilang sa tatlong oras ng pagsisimba ang mga klaseng ito. Simula noong 2019, ang mga sesyon ng ward Sunday School ay binawasan at ginawang dalawang beses bawat buwan bilang bahagi ng pagbabago tungo sa dalawang oras na mga pulong sa araw ng Linggo. Ang isang bagong pinagsama-samang kurso, ang Pumarito ka, Sumunod ka sa Akin, ay humihikayat ng mas pinaigting na pagsasama ng pagtuturo sa Sunday School at ng personal o pampamilyang pag-aaral sa tahanan.10

Mga Kaugnay na Paksa: George Q. Cannon, Mga Akademya ng Simbahan

Mga Tala

  1. Anne M. Boylan, Sunday School: The Formation of an American Institution, 1790–1880 (New Haven: Yale University Press, 1988), 6.

  2. Eliza R. Snow, “Sketch of My Life,” sa Maureen Ursenbach Beecher, pat., The Personal Writings of Eliza Roxcy Snow (Logan: Utah State University Press, 2000), 8; Jonathan Crosby, “A Biographical Sketch of the Life of Jonathan Crosby [Written] by Himself,” 1–3, Jonathan Crosby Papers, 1871–1872, Church History Library, Salt Lake City. Tingnan din sa Paksa: Eliza R. Snow.

  3. Helen Mar Whitney, “Life Incidents,” Woman’s Exponent, tomo 9, blg. 6 (Ago. 15, 1880), 42.

  4. David O. McKay, “Sunday Schools of the Church,” Improvement Era, tomo 33, blg. 7 (Mayo 1930), 481; Leonard J. Arrington, “Faith and Intellect as Partners in Mormon History,” Mormon History Lecture Series (Utah State University, Nob. 7, 1995), 12. Tingnan din sa Paksa: Emmeline B. Wells.

  5. “Brief Review of the Sunday School Movement,” Juvenile Instructor, tomo 34, blg. 21 (Nob. 1, 1899), 667; Conway B. Sonne, Knight of the Kingdom: The Story of Richard Ballantyne (Salt Lake City: Deseret Book, 1949), 51.

  6. “Brief Review of the Sunday School Movement,” 667–68; McKay, “Sunday Schools of the Church,” 481.

  7. “Brief Review of the Sunday School Movement,” 668–69; tingnan din sa Paksa: George Q. Cannon.

  8. “Brief Review of the Sunday School Movement,” 668–71.

  9. Glen M. Leonard, “125 Years of the Sunday Classroom,” Ensign, Dis. 1974, 12.

  10. Quentin L. Cook, “Deep and Lasting Conversion to Heavenly Father and the Lord Jesus Christ,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 8–11; “2019 Curriculum: Home Centered, Church Supported,” Ensign, Hulyo 2018, ChurchofJesusChrist.org.