Kasaysayan ng Simbahan
Pahayag


“Pahayag,” Mga Paksa sa Kasaysayan ng Simbahan

“Pahayag”

Pahayag

Sa loob ng malaking bahagi ng ika-19 na siglo, maraming mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang nagsabuhay ng maramihang pag-aasawa—ang pagpapakasal ng isang lalaki sa higit sa isang babae. Ang simula at wakas ng pagsasabuhay nito ay ginabayan ng paghahayag sa pamamagitan ng mga propeta ng Diyos. Ang unang utos na isabuhay ang maramihang pag-aasawa ay dumating sa pamamagitan ni Joseph Smith, ang Propetang nagtatag at Pangulo ng Simbahan.1 Noong 1890, inilabas ni Pangulong Wilford Woodruff ang Pahayag, na humantong sa pagwawakas ng maramihang pag-aasawa sa Simbahan.

Ang pagwawakas ng maramihang pag-aasawa ay nangailangan ng matinding pananampalataya at kung minsan ay kumplikado, masakit—at napakapersonal—na mga desisyon ng mga indibidwal na miyembro at lider ng Simbahan. Tulad ng pagsisimula ng maramihang pag-aasawa sa Simbahan, ang pagwawakas ng pagsasabuhay nito ay isang proseso sa halip na isang minsanang pangyayari.

Isinalaysay sa Mga Banal ang ilang mahahalagang kuwento na may kaugnayan sa pagwawakas ng pagsasabuhay ng maramihang pag-aasawa ng mga Banal sa mga Huling Araw, kabilang na ang Pahayag. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “The Manifesto and the End of Plural Marriage.”2

Mga Kaugnay na Paksa: Batas Laban sa Poligamya, Si Joseph Smith at Ang Maramihang Pag-aasawa, Maramihang Pag-aasawa sa Utah

  1. Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132.

  2. Para sa karagdagang konteksto, tingnan sa Thomas G. Alexander, “The Odyssey of a Latter-day Prophet: Wilford Woodruff and the Manifesto of 1890,” Journal of Mormon History, tomo 17 (1991), 169–206; Sarah Barringer Gordon, The Mormon Question: Polygamy and Constitutional Conflict in Nineteenth-Century America (Chapel Hill: University of North Carolina Press, 2002).