“Doktrina at mga Tipan 41–44: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 41–44,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 41–44
Doktrina at mga Tipan 41–44
Buod
Itinuro ng Panginoon na nalulugod Siyang pagpalain ang mga nakikinig sa Kanya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 41:1). Sa pagtugon at pagdarasal ng mga Banal nang may pananampalataya, inihayag Niya ang Kanyang batas at mga kautusan, kabilang na ang batas ng paglalaan.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 41
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng tiwala na pagpapalain sila ng Panginoon kapag pinakinggan at sinunod nila Siya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan sandali kung gaano sila nagtitiwala na pagpapalain sila ng Panginoon kung maririnig at pakikinggan nila Siya. Maaari din nilang pag-isipan kung bakit ganoon ang nararamdaman nila.
-
Video: “We Walk by Faith” (16:24; panoorin mula sa time code na 7:30 hanggang 12:38)
-
Mga materyal: Dalawang maliliit na papel para sa bawat estudyante
Doktrina at mga Tipan 42
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipakita ang kanilang pagmamahal sa Panginoon sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang huling pagkakataon na sinunod nila ang isa sa mga kautusan ng Diyos at pagnilayan kung bakit nila piniling sumunod.
Doktrina at mga Tipan 42:29–39
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maragdagan ang kanilang hangaring ipamuhay ang batas ng paglalaan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nakatutulong sa atin na maging katulad ni Jesucristo ang pangangalaga sa mga taong nangangailangan, kabilang ang mga maralita.
-
Mga Video: “You Are My Hands” (17:22; manood mula sa time code na 0:00 hanggang 2:27); “Fast Offerings: A Simple Commandment with a Marvelous Promise” (3:01); “Syrian Refugee—‘The Moment I Was Shot I Knew I Would Never Walk Again’” (2:39); “A Thousand Days” (4:32)
-
Mga bagay na ihahanda: Mangkok; maliliit na bagay para sa bawat estudyante tulad ng mga candy o barya