Maraming lider ng Simbahan ang sumuporta sa paglalathala ng mga paghahayag na natanggap at naunawaan ni Propetang Joseph Smith na nagmula ang mga ito sa Diyos. Ang iba naman ay nagtuon sa mga kakulangan na nakita nila sa mga paghahayag at, dahil dito, pinag-alinlanganan nila na nagmula ang mga ito sa Panginoon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madagdagan ang tiwala nila na nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta at na ang Doktrina at mga Tipan ay Kanyang salita.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isang patotoo
Bakit makatutulong na magkaroon ng patotoo tungkol sa mga aspetong ito ng plano ng Ama sa Langit?
Ano ang ilang balakid na maaaring makahadlang sa pagpapalakas ng patotoong ito?
Paano magtamo at magpalakas ng patotoo
Sa pagtatapos ng 1831, si Joseph Smith ay nagkaroon ng koleksiyon ng mga paghahayag mula sa Panginoon, ngunit kakaunting tao lamang ang may kopya ng mga ito. Inihayag ng Panginoon na kailangan nilang ilathala ang mga ito sa isang aklat. Tulad ng Aklat ni Mormon, ang Book of Commandments (na inilathala kalaunan bilang Doktrina at mga Tipan) ay dapat kabilangan ng mga patotoo mula sa mga saksi. Gayunman, may ilang lider ng Simbahan na nag-atubiling magpatotoo; may mga alalahanin sila sa ilan sa wika at nais nilang ayusin pa ito.
Sa iyong palagay, bakit kailangan nilang marinig ito?
Anong katotohanan ng ebanghelyo ang matutukoy mo sa mga talatang ito?
Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa atin kapag naghahangad o nahihirapan tayong magkaroon ng patotoo?
Sa iyong palagay, bakit maaaring makahadlang sa atin ang “takot sa [ating] mga puso” (Doktrina at mga Tipan 67:3) sa pagtanggap natin ng mga pagpapala?
Sa talata 5, ano ang kinilala ng Panginoon tungkol kay Joseph Smith? Bagama’t hindi perpekto o matatas ang Propeta, bakit maaaring hindi makabubuting “makapagpahayag nang mas higit kaysa sa kanyang wika”? (Doktrina at mga Tipan 67:5).
Pagdaig sa mga balakid sa tulong ng Panginoon
Alam ng Panginoon ang ating puso at matutulungan Niya tayong madaig ang mga balakid sa ating patotoo. Sa pagkakataong ito, nagbigay ang Panginoon ng hamon sa mga elder ng Kanyang Simbahan upang matulungan silang tumanggap ng “patotoo sa katotohanan” (talata 4) ng mga paghahayag na natanggap ni Joseph Smith.
Anong uri ng paghahayag ang dapat nilang piliin? (Tingnan sa talata 6.)
Anong klaseng tao ang dapat nilang piliin? (Tingnan sa talata 6.)
Ano ang ipinasulat sa taong ito? (Tingnan sa talata 7.)
Ano ang mangyayari kung magtatagumpay sila? (Tingnan sa talata 7.)
Ano ang mangyayari kung mabibigo sila? (Tingnan sa talata 8–9.)
Ano sa palagay mo ang ilan sa mga aral na natutuhan ng mga lalaking ito mula sa karanasang ito?
Paano ipinapakita ng karanasang ito na kilala sila ng Panginoon at makatutulong Siya sa kanilang mga patotoo?
Patuloy na nangako ang Panginoon ng mga mas dakilang espirituwal na karanasan sa mga lalaking ito kung “[aalisan nila ang kanilang] sarili ng mga inggit at takot, at [magpapakumbaba ng kanilang] sarili sa harapan ko” (Doktrina at mga Tipan 67:10).
Paano naaangkop ang katotohanang ito ngayon
Isipin kunwari na may kakilala ka na nahihirapang maniwala na nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta at na ang Doktrina at mga Tipan ay salita ng Panginoon.
Isipin kung paano mo matutulungan ang taong ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:
Isulat ang sasabihin mo para matulungan siyang malaman na dinidinig ng Panginoon ang ating mga panalangin, nalalaman Niya ang ating puso, at makapagbibigay Siya sa atin ng patotoo tungkol sa mga propeta at sa Doktrina at mga Tipan. Kung posible, maaari mong isama ang anumang personal na karanasan, o karanasan ng mga taong malapit sa iyo, na nagpapatotoo sa mga katotohanang ito.
Gamitin ang mga banal na kasulatan, mga kuwento sa banal na kasulatan, o ang sarili mong mga karanasan para magbahagi ng ilang bagay na magagawa natin para madagdagan ang ating patotoo tungkol sa mga propeta at sa Doktrina at mga Tipan (kabilang sa ilang halimbawa ang Doktrina at mga Tipan 1:37–38; 21:4–6; Moroni 10:4–5). Ibahagi kung paano tayo mapagpapala ng Panginoon sa paggawa ng mga ito.