“Ang mga Salita ng Propeta ay Totoo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, 24–25. Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin Ang mga Salita ng Propeta ay Totoo Doktrina at mga Tipan 67 Ni Joshua J. Perkey, na inilarawan ni Val Chadwick Bagley Pagsapit ng taglagas ng 1831, si Propetang Joseph Smith ay nakatanggap na ng mahigit 60 paghahayag. Pero iilan lang sa kanyang mga paghahayag ang maaaring mabasa. Hindi nababasa ng karamihan sa mga tao ang mga ito. Alam ni Joseph na ang mga paghahayag ay makapagpapalakas sa mga miyembro at makatutulong sa mga missionary na ipangaral ang ebanghelyo. Sa isang kapulungan ng mga elder, tinalakay nila ang paglilimbag sa mga paghahayag ni Joseph upang mabasa ang mga ito ng nakararami. “Mga kapatid, kailangan nating ilimbag ang mga paghahayag upang mabasa ng ating mga tao ang mga salita ng Panginoon.” Nagtalo ang mga elder sa loob ng maraming oras, pero sa huli ay pumayag sila na maglathala ng 10,000 kopya. Nais ni Joseph na magpatoto ang mga elder na ang mga paghahayag na ilalathala nila ay nagmula sa Diyos. “Maaari ba kayong magpatotoo?” Ngunit ang ilan sa kanila ay nag-iisip kung ang mga paghahayag ay talaga nga bang mula sa Diyos. “Kasi …” “Gusto ko, Joseph, pero …” Nakatanggap si Joseph ng isa pang paghahayag. Piliin ang pinakamatalino sa inyo at pasulatin siya ng isang paghahayag. Kung ito ay kasingganda ng isinulat ni Joseph, masasabi ninyo na hindi totoo ang mga isinulat niya. Pero kung hindi, kayo ay isusumpa kung hindi kayo magpapatotoo na totoo ang mga ito. Sinubukang magsulat ng isang paghahayag ni William McClellin. Nahiwatigan nilang lahat na ang isinulat ni William ay hindi nagmula sa Panginoon. Ang ilan sa kalalakihan ay lumagda sa isang patotoo na ibinigay sa Propeta ang mga paghahayag sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos.