2021
Paano ako magpapakumbaba nang hindi nagiging mababa ang pagtingin sa sarili?
Hunyo 2021


“Paano ako magpapakumbaba nang hindi nagiging mababa ang pagtingin sa sarili?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, 31.

Tuwirang Sagot

Paano ako magpapakumbaba nang hindi nagiging mababa ang pagtingin sa sarili?

Larawan
magkapatid na lalaki

Noon pa man, inuutusan na ng Panginoon ang mga tao na magpakumbaba ng kanilang sarili sa Kanyang harapan at palagi Niya silang binabalaan kapag sila ay hindi ganap na mapagpakumbaba (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 67:10).

Sa kasamaang-palad, maaaring madama ng ilang tao na ang pagpapakumbaba ng kanilang sarili ay nangangahulugan na mababa ang pagtingin nila sa kanilang sarili. Pero hindi totoo iyon.

“Ang pagpapakumbaba ay hindi nangangahulugan na [ku]kumbinsihin natin ang ating sarili na tayo ay walang halaga, walang kuwenta, o kakatiting ang halaga. … Hindi tayo nagiging mapagpakumbaba sa paghamak sa ating sarili; nagiging mapagpakumbaba tayo sa hindi gaanong pag-iisip tungkol sa ating sarili. Dumarating ito habang ginagawa natin ang ating gawain na may saloobing maglingkod sa Diyos at sa ating kapwa.”1

Kapag tayo ay tunay na mapagpakumbaba, magsisimula tayong magkaroon ng lubos na pagpipitagan at pagmamahal sa Ama sa Langit, at kikilalanin natin na Siya ang pinakamakapangyarihan, pinakamatalino, at pinakamapagmahal sa lahat. Dapat mahikayat tayo nitong magpasalamat para sa lahat ng kaloob at biyayang natatanggap natin, kabilang na ang kaloob ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Sa gayon ay nanaisin nating maglingkod sa Diyos at sa iba. Sa paggawa natin nito, makakasama natin ang Espiritu Santo, at mas magiging masaya tayo at gaganda rin ang pakiramdam natin tungkol sa ating sarili.

Mga Tala

  1. Dieter F. Uchtdorf, “Kapalaluan at ang Priesthood,” pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2010 (Ensign o Liahona, Nob. 2010, 58).

Print