“Maibabahagi Mo ang Ebanghelyo sa Natural na Paraan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, 6.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Maibabahagi Mo ang Ebanghelyo sa Natural na Paraan
Gusto mong ibahagi ang ebanghelyo pero hindi mo alam kung ano ang gagawin. Hindi ka nag-iisa. Maraming taong ganyan ang nadarama.
Narito ang isang lihim na hindi naman itinatago sa lahat: hindi ito kailangang maging mahirap! Sa katunayan, madalas ay pinahihirapan natin ang ating sarili sa masyadong pag-iisip o pilit na pagsubok.
Ang mahalaga ay maging natural ka lang. Maging tapat, maging mabait, at maging handang ibahagi kung sino ka sa iba. Kapag ginawa mo ito, makikita mo na mas marami ka palang pagkakataon na ibahagi kung ano ang mayroon ka. Huwag mo itong ipilit. Tulad ng sinabi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Maghanap ng mga pagkakataon na banggitin ang inyong pananampalataya sa likas at normal na paraan sa mga tao.”1
Dito ay maaari kang matuto mula sa dalawang miyembrong nagbahagi kung paano ito nangyari sa kanilang mga buhay. Habang binabasa mo ang kanilang mga kuwento, pag-isipan kung ano ang iminumungkahi ng kanilang mga karanasan na paraan kung paano mo maipamumuhay at maibabahagi ang pinaniniwalaan mo sa natural na paraan—at pagpapalain ang mga buhay habang ginagawa ito.