2021
Kumonekta
Hunyo 2021


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, loob ng pabalat sa harap.

Kumonekta

Ammon S.

13, Jamaica

kabataang lalaki na nakasakay sa scooter

Larawang kuha ni Christina Smith

Ako ay isang manlalaro ng putbol. Sa pagsasanay sa putbol, pinagagawa kami ng aming tagasanay ng maraming aktibidad na sumusubok sa aming katatagan at mga ehersisyo. Maganda ang pakiramdam ko kapag nagtatakda ako ng mga mithiin at nakakamit ko ang mga iyon.

Nagtakda ako ng espirituwal na mithiin na manatiling gising kapag nagdarasal ako sa gabi. Dati, nakahiga ako sa kama habang nagdarasal, pero ngayon, umuupo o lumuluhod na ako. Sinisikap ko ring baguhin ang mga sinasabi ko sa aking panalangin at hindi lang basta inuulit ang mga bagay-bagay. Ang bagong mithiing ito ay nakatulong sa akin na gumanda ang pakiramdam ko sa gabi dahil talagang natatapos ko ang mga panalangin!

Napakaingay sa aming lugar, kaya medyo mahirap marinig ang tinig ng Espiritu. Kung minsan, tila nadarama ko lang ang Espiritu Santo kapag ako ay nagbibigay ng mensahe sa pulpito, nagpapasa ng sakramento, o nagdarasal sa gabi. Gayunpaman, ang aking mga magulang ay nagpapakita ng magagandang halimbawa sa aming tahanan sa pamamagitan ng madalas na pagdaraos ng pampamilyang pag-aaral ng mga banal na kasulatan at paglalagay ng mga larawan ni Jesucristo at ng Aklat ni Mormon sa aming kusina. Sa tuwing nakikita ko ang mga larawang iyon, naaalala ko ang panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan, at ang mga bagay na iyon ay tumutulong din sa akin na madama ang Espiritu Santo.