2021
Masayang Bahagi
Hunyo 2021


“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, 28–29.

Masayang Bahagi

Larawan
Masayang Bahagi

Paghahanap ng Simbolo

Isinumite ni John P., 13, Utah, USA

Oras na para bumuo ng puzzle! Ang layunin ng larong ito ay mapunan ang bawat parisukat ng isang simbolo lang. Pumili ng isang simbolo mula sa mga matatagpuan sa kaukulang panlabas na pababang hilera at pahigang hanay. Gamitin ang mga simbolong iyon upang mapunan ang mga panloob na kahon.

Mga Panuntunan:

  • Punan ang bawat parisukat ng isang simbolo.

  • Ang bawat parisukat ay maaari lang lagyan ng simbolo mula sa magkasalubong na hilera o hanay.

  • Kung higit sa isa ang simbolong maaaring ilagay sa parisukat, gamitin ang simbolo na hindi pa nagagamit sa hanay o hilerang iyon.

  • Maaaring maulit ang isang simbolo sa isang hanay o hilera.

    Halimbawa, ang parisukat kung saan nagsasalubong ang hanay H at hilera C ay kailangang lagyan ng simbolo mula sa mga panlabas na kahon sa hanay H at hilera C. Paalala: dahil iisa lang ang simbolo na parehong makikita sa hanay H at hilera C, ang simbolong iyon ang dapat ilagay sa nasabing parisukat.

  • Bigyang-pansin ang mga parisukat na pinagdurugtong ng mga palihis na arrow! Ang mga simbolo sa mga parisukat na ito ay dapat na tumugma rin sa mga nasa panlabas na sulok.

Isang Kathang-isip na Kuwento tungkol sa Isang Bugtong na Binhi

Minsan ay may isang bishop na nakipagkita sa tatlong lalaki: sina Brother A, Brother B, at Brother C. Ilang buwan na ang nakararaan, binigyan niya ang bawat isa sa kanila ng tig-iisang binhi. Sinabihan niya sila na itanim at alagaan ito upang makita niya kung sino sa kanila ang makapagpapalago ng pinakamagandang halaman. Ang magwawagi ay makatatanggap ng isang gantimpala. Ngayon na ang araw na titingnan niya ang kanilang mga halaman.

Ipinakita sa kanya nina Brother A at Brother B ang kanilang malalago at namumulaklak na halaman. Nagpakita sa kanya ni Brother C ng isang paso na puno ng lupa at wala nang iba pa, dahil hindi raw nito mapatubo ang binhi. Sinabi ng bishop kina Brother A at Brother B na nadismaya siya sa kanila. Sinabi niya kay Brother C na nanalo ito at makatatanggap ito ng isang mahalagang tungkulin. Bakit ganito ang naging tugon ng bishop?

Komiks

Larawan
mag-ina

David! Sabado pa lang! Bukas pa ang simba!

Alam ko po! Gusto ko lang pong maisuot ang kurbatang ito sa takdang oras!

Ryan Stoker

Larawan
pamilya ng kangaroo

Bakit mo siya binigyan niyon?!

Val Chadwick Bagley

Mga Sagot

Paghahanap ng Simbolo: (Tingnan ang larawan.)

Isang Kathang-isip na Kuwento tungkol sa Isang Bugtong na Binhi: Binigyan niya sila ng mga binhing luto na kaya ang mga ito ay patay na at hindi na lalago. Ito ay isang pagsubok sa kanilang katapatan.

Print