2021
5 Paraan upang Maibahagi ang Ebanghelyo
Hunyo 2021


“5 Paraan upang Maibahagi ang Ebanghelyo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, 32.

Panghuling Salita

5 Paraan upang Maibahagi ang Ebanghelyo

1. Lumapit sa Diyos

batang lalaki na nagbabasa ng mga banal na kasulatan sa kama

Kapag lalo kayong lumalapit sa ating Ama sa Langit, lalo kayong matatanglawan ng Kanyang liwanag at galak. Mapapansin ng ibang tao at magtatanong sila tungkol dito.

2. Punuin ang Inyong Puso ng Pagmamahal sa Ibang Tao

Sikaping tularan ang pag-ibig ni Cristo at mahabag sa iba. Mahalin at tratuhin sila bilang mga kapwa anak ng Ama sa Langit.

3. Sikaping Lumakad sa Landas ng Pagkadisipulo

Habang lumalalim ang inyong pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga anak, gayundin ang inyong pangakong sundin si Jesucristo. Ang pagtahak sa landas ng pagkadisipulo ay kailangan ng pagsasanay. Ang pagkukuwento sa iba ng inyong pananampalataya ay magiging karaniwan at likas. Sa katunayan, ang ebanghelyo ay magiging mahalaga at kailangang bahagi ng inyong buhay na magiging hindi natural ang pakiramdam kapag hindi ninyo ito tinalakay sa iba.

4. Ibahagi ang Nasa Puso Ninyo

Sa anumang paraan na tila likas at karaniwan sa inyo, ibahagi sa mga tao kung bakit mahalaga sa inyo si Jesucristo at ang Kanyang Simbahan.

5. Magtiwala na Gagawa ng mga Himala ang Panginoon

Hindi ninyo trabaho ang i-convert ang mga tao. Iyan ang papel ng Espiritu Santo. Ang papel ninyo ay mahalin ang Diyos at ang inyong kapwa. Ipakita ito sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na lumapit at tingnan, lumapit at tumulong, at lumapit at makabilang. Gagawa ang Diyos ng mga himala sa pamamagitan ninyo upang pagpalain ang Kanyang minamahal na mga anak.