“Doktrina at mga Tipan 67–70: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 67–70,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 67–70
Doktrina at mga Tipan 67–70
Buod
Noong Nobyembre 1831, sa isang espesyal na kumperensya sa Hiram, Ohio, nagpasiya ang mga elder ng Simbahan na maglathala ng isang koleksyon ng mga paghahayag na natanggap ni Joseph Smith. Nang mag-atubili ang ilang elder na magpatotoo na ang mga paghahayag ay nagmula sa Panginoon, inihayag Niya ang Doktrina at mga Tipan 67. Bilang karagdagan, apat sa mga elder ang humiling kay Joseph Smith na magtanong sa Panginoon tungkol sa Kanyang kalooban para sa kanila. Nakatanggap ang Propeta ng paghahayag na nakatala na ngayon sa Doktrina at mga Tipan 68. Kabilang dito ang payo na dapat ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang mga alituntunin at mga ordenansa ng ebanghelyo.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 67
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang tiwala nila na nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta at na ang Doktrina at mga Tipan ay Kanyang salita.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano sila nagtitiwala na nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta at na ang Doktrina at mga Tipan ay salita ng Panginoon. Maaari nilang pag-isipan ang mga karanasang nakaapekto sa kanilang patotoo tungkol dito at ang anumang alalahanin na maaaring humadlang sa kanilang mga paniniwala.
-
Nilalamang ipapakita: Ang iginuhit na paglalarawan ng “Ang mga Salita ng Propeta ay Totoo” mula sa magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hunyo 2021, i-print o i-display (Kung hindi posible o matrabaho ito, mayroong alternatibo sa lesson.)
Doktrina at mga Tipan 68:25–31
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang utos ng Panginoon sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ang ebanghelyo sa tahanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nila natutuhan ang ebanghelyo sa kanilang buhay. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na isipin kung ano ang gagawin nila nang katulad o nang iba kapag ituturo nila ang ebanghelyo sa kanilang sariling mga anak.
-
Nilalamang ipapakita: Alinman sa tatlong aktibidad na gusto mong gamitin