Lesson 91—Doktrina at mga Tipan 82:1–7: “Sa Kanya Na Siyang Binigyan Ng Marami Ay Marami Ang Hihingin”
“Lesson 91—Doktrina at mga Tipan 82:1-7: ‘Sa Kanya Na Siyang Binigyan Ng Marami Ay Marami Ang Hihingin,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 82:1–7,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
“Sa Kanya Na Siyang Binigyan Ng Marami Ay Marami Ang Hihingin”
Noong Abril 1832, si Propetang Joseph Smith at iba pa ay naglakbay patungong Independence, Missouri. Sinunod nila ang utos ng Panginoon na magtatag ng samahan upang maitayo ang Sion at pangalagaan ang mga maralita (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 78). Matapos tumulong sa paglutas ng ilang pagtatalo sa mga miyembro, natanggap ng Propeta ang paghahayag na ito na naglalarawan sa mga inaasahan ng Panginoon sa Kanyang mga tao. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sila pinagpala ng Panginoon at kung paano Niya inaasahang gamitin nila ang mga pagpapalang iyon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang ibinigay sa inyo ng Panginoon
Batay sa ibinigay sa kanila, ano ang inaasahan mo na gagawin ng mga estudyanteng ito?
Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:
Paano nakaapekto sa iyo ang mga pagpapalang ito?
Ano ang maituturo ng mga ito sa iyo tungkol sa Panginoon?
Paano naiiba ang inaasahan sa iyo ng Panginoon sa isang taong hindi nakatanggap ng mga pagpapalang ito?
Sa pag-aaral mo ng lesson na ito, maghanap ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa mga tanong na ito.
Ang mga Banal sa panahong ito ay nakatanggap ng malalaking pagpapala mula sa Panginoon. Kabilang sa mga pagpapalang ito ang ipinanumbalik na Simbahan, ang Aklat ni Mormon, at isang buhay na propeta na naghahayag ng mga salita ng Panginoon. Gayunpaman, nahihirapan pa rin silang mamuhay ayon sa ninanais ng Panginoon. Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa:
Sa loob ng ilang buwan, nagkasamaan ng loob si Sidney Rigdon na nasa Ohio at si Bishop Edward Partridge na nasa Missouri. Nagkasundo sila kalaunan.
Pinulaan ng ilang miyembro ng Simbahan sa Missouri si Joseph Smith.
Nang lumipat sa Missouri ang mga miyembro ng Simbahan, marami sa kanila ang hindi sumunod sa payo at mga kautusan ng Panginoon, kabilang na ang pagsunod sa batas ng paglalaan.
Si Propetang Joseph Smith at iba pang lider ng Simbahan ay naglakbay patungong Missouri at nagdaos ng kapulungan ng matataas na saserdote o high priest ng Simbahan. Ang paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 82 ay natanggap sa sesyon sa hapon.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 82:1–7, at alamin kung ano ang inaasahan ng Panginoon sa mga Banal dahil napakarami nilang pagpapala.
Ano ang inyong natutuhan mula sa mga talatang ito?
Sa inyong palagay, bakit may mga ganitong inaasahan ang Panginoon?
Bakit mahalaga para sa atin na maunawaan ang mga ito?
Para sa mga karagdagang kaalaman, basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang ating Ama sa Langit ay isang Diyos na mataas ang inaasahan sa atin. …
… Layunin ng Diyos na tayo, na Kanyang mga anak, ay maranasan ang sukdulang kagalakan, makasama Siya nang walang hanggan, at maging tulad Niya. …
Kung taos-pusong hinahangad at sinisikap nating abutin ang mataas na inaasahan ng ating Ama sa Langit, titiyakin Niyang matatanggap natin ang lahat ng tulong na kailangan natin, ito man ay nagpapanatag, nagpapalakas, o nagtutuwid. (D. Todd Christofferson, “Ang Lahat Kong Iniibig, ay Aking Sinasaway at Pinarurusahan,” Liahona, Mayo 2011, 97, 99)
Bakit makatutulong ding alalahanin ang pagiging maunawain at mahabagin ng Panginoon? (tingnan sa talata 1, 7).
Pag-alaala sa kung ano ang ibinigay ng Diyos sa atin
Mga inaasahan at pagmamahal ng Diyos
Habang sinasagot ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong, suriin kung gaano nila nauunawaan ang alituntuning tinalakay sa lesson na ito. Maghanap ng mga paraan upang mabigyang-diin ang pagmamahal ng Panginoon at kung paano natin mas mapagpapala ang Kanyang mga anak kapag namuhay tayo ayon sa ibinigay Niya sa atin.
Gabayan ang mga mag-aaral para makilala ang impluwensya ng Panginoon sa kanilang buhay: Para sa karagdagang training kung paano ito gawin, tingnan ang training na may pamagat na “Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo. Maaari mong praktisin ang kasanayan. Maaari kang magtanong sa mga estudyante ng mga bagay na nakatuon sa pag-uugnay ng pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay.
Bakit ninyo ipinagpapasalamat ang mga inaasahan ng Panginoon?
Paano naipapakita ng mga inaasahan ng Panginoon ang Kanyang pagmamahal?
Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang listahan nila ng mga pagpapalang ibinigay sa kanila ng Panginoon. Maaari silang magdagdag ng anumang karagdagang pagpapala na naisip nila sa buong lesson. Sabihin sa kanila na isulat kung ano ang gusto nilang alalahanin o gawin dahil sa ibinigay sa kanila ng Panginoon.