Seminary
Doktrina at mga Tipan 81–83: Buod


“Doktrina at mga Tipan 81–83: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 81–83,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 81–83

Doktrina at mga Tipan 81–83

Buod

Noong tagsibol ng 1832, si Propetang Joseph Smith at ang iba pa ay naglakbay patungo sa Independence, Missouri at sinunod nila ang utos ng Panginoon na magtatag ng samahan upang maitayo ang Sion at pangalagaan ang mga maralita (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 78). Doon, nakatanggap ang Propeta ng paghahayag na naglalarawan sa mga inaasahan ng Panginoon sa Kanyang mga tao at inanyayahan niya ang mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan na ibigkis ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng tipan para pamahalaan ang mga gawain ng Kanyang Simbahan.

icon ng training Gabayan ang mga mag-aaral na kilalanin ang impluwensya ng Panginoon sa kanilang buhay: Habang tinutulungan mo ang mga estudyante na maunawaan kung paano pinagpala ng Tagapagligtas ang buhay ng mga tao sa mga banal na kasulatan, maghanap ng mga paraan para matulungan sila na maunawaan kung paano rin Niya pinagpapala ang kanilang buhay. Para sa karagdagang impormasyon kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 82:1–7.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 82:1–7

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila pinagpala ng Panginoon at kung paano Niya inaasahang gamitin nila ang mga pagpapalang iyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga pagpapalang natanggap nila mula sa Panginoon.

  • Mga bagay na ihahanda: Mga bagay na maipapakita ng mga estudyante sa klase, tulad ng isang kopya ng Aklat ni Mormon, isang sobre na may nakasulat na malaking halaga ng pera sa labas (halimbawa $1,000,000), at ilang piraso ng kendi

  • Handout:Mga Pagpapala mula sa Panginoon

  • Video:Treasures in Heaven: The John Tanner Story” (20:31; panoorin mula sa time code na 8:21 hanggang 12:24)

Doktrina at mga Tipan 82:8–24

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tuparin ang mga tipang ginagawa natin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang magulang o lider ng kabataan kung paano napalalakas ang kanyang ugnayan kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.

  • Mga bagay na ihahanda: Dalawang magnet

I-assess ang Iyong Pagkatuto 6

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na suriin ang kanilang espirituwal na pag-unlad mula sa kanilang napag-aralan na sa Doktrina at mga Tipan.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isipin ang mga paraan kung paano sila espirituwal na umuunlad, lalo na sa paglapit kay Jesucristo.

  • Mga larawang ipapakita: Mga taong nagha-hiking, nagbibisikleta, at tumatakbo; Joseph Smith at Sidney Rigdon; diagram tungkol sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan