Lesson 90—Doktrina at mga Tipan 79–80: Nagpapahayag ng Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan
“Lesson 90—Doktrina at mga Tipan 79–80: Nagpapahayag ng Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 79–80,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Nagpapahayag ng Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan
Nang tanggapin ng mga naunang Banal ang mensahe ng Pagpapanumbalik, nagkaroon sila ng matinding hangaring ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa iba. Ibinahagi ng ilan ang kanilang mga paniniwala sa mga kapamilya at kaibigan. Ang iba ay tumugon sa panawagan ng Tagapagligtas na magmisyon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas sa buong buhay nila.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo
Ibinahagi ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Saan man kayo naroon sa mundong ito, maraming pagkakataon upang ibahagi ang mabuting balita ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga taong nakikilala ninyo, kasamang nag-aaral, at kabahay o katrabaho at kasalamuha. (Dieter F. Uchtdorf, “Gawaing Misyonero: Pagbabahagi ng Nasa Puso Mo,” Liahona, Mayo 2019, 15)
Ano ang mga naging karanasan ninyo sa pagbabahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo?
Ano sa palagay ninyo ang mga pagkakataon sa buong buhay ninyo kung saan maibabahagi ninyo ang ebanghelyo?
Gaano kayo kakumpiyansa sa kakayahan ninyong ibahagi sa iba ang ebanghelyo ni Jesucristo? Ano ang magpapahirap sa pagbabahagi ng ebanghelyo?
Mabubuting balita ng malaking kagalakan
Sa mga paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 79–80, tumawag ang Tagapagligtas ng tatlong indibiduwal upang magmisyon: sina Jared Carter, Stephen Burnett, at Eden Smith.
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 79:1. Alamin kung paano inilarawan ng Panginoon ang mensaheng iniutos Niya kay Jared Carter na ibahagi sa iba.
Anong mga salita ang hinangaan ninyo mula sa talatang ito? Ano ang ipinagagawa sa atin ng Tagapagligtas?
Isipin ang buhay ng mga taong isinulat ninyo sa simula ng lesson. Isulat sa tabi ng kanilang mga pangalan kung paano sa palagay ninyo makapagdudulot sa kanila ng kagalakan ang “mabubuting balita” ng ebanghelyo.
Mangaral ng aking ebanghelyo
Mangaral ng Aking Ebanghelyo
Sa paggawa mo ng aktibidad na ito, maghanap ng mga turo mula kay Jesucristo na makatutulong sa iyo sa mga pagsisikap mong ibahagi ang kagalakan ng Kanyang ebanghelyo.
Basahin ang scripture passage at kumpletuhin ang mga tagubilin sa bawat parisukat. Kung kailangan mo ng karagdagang espasyo, maaari mong gamitin ang kabilang bahagi ng handout.
Isulat ang pinaniniwalaan mong pinakamahalagang salita o parirala sa talatang ito at magsulat ng isang maikling paliwanag kung bakit sa palagay mo ay mahalaga ito sa pagbabahagi ng ebanghelyo.
Magsulat ng isang bagay na narinig, pinaniniwalaan, o alam mong totoo tungkol kay Jesucristo o sa Kanyang ebanghelyo. Isama kung bakit mahalagang marinig ng iba ang katotohanang iyon.
Basahin ang talatang ito na para bang direkta itong sinasabi sa iyo. Isulat kung paano nagbibigay sa iyo ng kumpiyansa na ibahagi ang ebanghelyo ang kaalamang tinawag ka ng Tagapaglitas upang gawin ito.
Pagbabahagi ng ating narinig, pinaniniwalaan, at alam na totoo
Ano ang nadama ninyo ngayon na nagpatindi sa inyong hangaring ibahagi ang kagalakan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas?
Ano ang ilang paraan na maipamumuhay ninyo nang habambuhay ang mga katotohanang natutuhan ninyo? ngayon sa buong buhay ninyo?
Sabihin sa mga estudyante na itala ang mga impresyong natanggap nila na makatutulong sa kanilang ibahagi ang kagalakan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas sa mga indibiduwal na natukoy nila sa simula ng klase. Hikayatin ang mga estudyante na sundin ang kanilang mga impresyon at ibahagi ang kanilang mga paniniwala sa iba sa mga makabuluhang paraan tulad ng sa pamamagitan ng personal na pakikipag-usap, mga text message, o social media.