Seminary
Doktrina at mga Tipan 77–80: Buod


“Doktrina at mga Tipan 77–80: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 77–80,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 77–80

Doktrina at mga Tipan 77–80

Buod

Inatasan ng Panginoon si Joseph Smith at ang iba pang lider ng Simbahan na lumikha ng isang samahang mamamahala sa mga gawain at paglalathala ng Simbahan. Ang samahang ito ay tinawag na United Firm [Nagkakaisang Samahan] at pinangasiwaan nito ang mga gawain ng Simbahan sa pagkita ng pera at pangangalaga sa mga nangangailangan. Para tuparin ang utos ng Tagapagligtas na “ipangaral ang ebanghelyo sa bawat nilalang” (Doktrina at mga Tipan 80:1), may mga indibiduwal na tinawag para magmisyon. Sina Jared Carter, Stephen Burnett, at Eden Smith ay nakatanggap ng mga mission call.

icon ng trainingTulungan ang bawat estudyante na makapag-ambag sa karanasan sa pagkatuto: Taos-pusong kilalanin na ang bawat estudyante ay kinakailangan at may maiaambag. Maaaring may mga estudyante na mas nakikibahagi kaysa sa iba. Dagdagan ang pagsisikap at maging malikhain para tulungan ang bawat estudyante na makapag-ambag sa mga paraang komportable para sa kanila. Para sa karagdagang impormasyon sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Tiniyak ng Tagapagligtas na Nadama ng Lahat na Iginagalang at Pinahahalagahan Sila” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 78.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 78

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring maging katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga nangangailangan.

  • Paghahanda ng estudyante: Ang isang paraan para mas makapaghanda ang mga estudyante na tumanggap ng personal na paghahayag ay pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tahimik na manalangin sa buong lesson upang malaman kung ano ang nais ng Ama sa Langit na matutuhan, madama, o magawa nila dahil sa kanilang pinag-aaralan.

  • Mga Materyal: Isang kahon na may label na “Ang Kamalig ng Panginoon”; mga piraso ng papel para sa bawat estudyante

Doktrina at mga Tipan 79–80

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na ibahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas habambuhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging isipin ang mga indibiduwal na maaari nilang bahaginan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung paano mapagpapala ang mga taong ito ng mensahe ng ebanghelyo at kung paano nila ito maaaring ibahagi sa kanila sa natural na paraan.

  • Mga Materyal: Mga kopya ng handout na “Mangaral ng Aking Ebanghelyo

  • Video:Good Things to Share” (2:21)