Lesson 117—Ang Kampo ng Israel: “Ang Aking mga Anghel ay Hahayo sa Inyo”
“Lesson 117—Ang Kampo ng Israel: ‘Ang Aking mga Anghel ay Hahayo sa Inyo,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Ang Kampo ng Israel,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 117: Doktrina at mga Tipan 102–105
Ang Kampo ng Israel
“Ang Aking mga Anghel ay Hahayo sa Inyo”
Nilisan ng Kampo ng Israel ang Kirtland, Ohio, noong Mayo 1834 upang simulan ang paglalakbay nang mahigit 800 milyang (1,280 kilometro) paglalakad. Bagama’t naharap ang mga miyembro ng kampo sa maraming paghihirap at problema habang naglalakbay, nakaranas din sila ng maraming pagpapala. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na sasamahan at tutulungan sila ng Diyos kapag pinili nilang sumunod sa Kanya.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagsunod kay Jesucristo
Inilarawan ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang landas na maaaring ipatahak sa mga tagasunod ni Jesucristo:
14:18
Mga minamahal kong kapatid, ang Kristiyanismo ay nakagiginhawa, ngunit kadalasan ay hindi nagbubunga ng maginhawang kalagayan ang pagsasabuhay nito. Ang landas tungo sa kabanalan at kaligayahan sa buhay na ito at pagkatapos nito ay mahaba at mabato kung minsan. Kailangan ng panahon at tiyaga upang matahak ito. Ngunit, mangyari pa, ang gantimpala sa paggawa nito ay napakalaki. (Jeffrey R. Holland, “Paghihintay sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2020, 116–117)
Ano ang naiisip o nadarama ninyo tungkol sa pahayag na ito?
Ano ang maaaring magpahirap sa pagiging isang tagasunod ni Jesucristo ngayon?
Sa inyong palagay, bakit sulit ang pagsisikap na sundin ang Tagapagligtas?
Sa lesson na ito, pag-aaralan ninyo ang paglalakbay ng Kampo ng Israel mula sa Ohio patungong Missouri. Ang kanilang paglalakbay ay mahaba, mahirap, at nangailangan ng matinding pagsisikap. Ngunit nakatanggap din ng malalaking pagpapala ang mga miyembro ng kampo habang naglalakbay. Habang nag-aaral kayo, alamin ang mga katotohanang makatutulong sa inyo kapag nahihirapan kayong maging tagasunod ni Jesucristo.
Sinimulan ng Kampo ng Israel ang paglalakbay nito
Noong Mayo 1834, sinimulan ng mga miyembro ng Kampo ng Israel ang kanilang paglalakbay nang mahigit 800 milya (1,280 kilometro) patungo sa Missouri. Dalawang grupo ng kampo ang sabay na umalis mula sa Kirtland, Ohio, at mula sa Pontiac, Michigan Territory. Kalaunan ay nagsama ang dalawang grupo sa Missouri. Ang Kampo ng Israel, na kalaunan ay nakilala bilang Kampo ng Sion, ay binubuo ng tinatayang 200 lalaki, 12 babae, at 10 bata. Layunin nilang tulungan na makabalik ang mga Banal sa Missouri sa kanilang mga lupain na hindi makatarungang kinuha sa kanila.
Ano ang pinakanapansin ninyo nang pag-aralan ninyo ang ilan sa mga karanasan ng Kampo ng Israel?
Anong mga katotohanan ang matututuhan ninyo tungkol sa Panginoon mula sa mga karanasang ito?
Palalimin ang pag-unawa
Maglaan ng ilang oras para maghanap at pag-aralan ang isa o mahigit pang mga banal na kasulatan na nagtuturo tungkol sa mga hangarin ng Diyos na samahan tayo at tulungan tayo sa ating buhay. Maaari kayong pumili ng mga banal na kasulatan o pumili ng ilan mula sa sumusunod na listahan: