Seminary
Doktrina at mga Tipan 102–105: Buod


“Doktrina at mga Tipan 102–105: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 102–105,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 102–105

Doktrina at mga Tipan 102–105

Buod

Noong Pebrero 24, 1834, nakatanggap si Propetang Joseph Smith ng paghahayag mula sa Panginoon, na nag-uutos sa kanya na bumuo ng isang grupo ng mga boluntaryo na tutulong sa mga nagdurusang Banal sa Missouri. Ang mahigit sa 200 boluntaryo ay nakilala bilang Kampo ng Israel (Kampo ng Sion kalaunan) at nagmartsa nang mahigit sa 800 milya (1,300 kilometro) upang tulungan ang mga Banal sa Missouri na mabawi ang kanilang mga lupain. Nang dumating ang kampo sa Missouri, inihayag ng Panginoon kay Joseph na ang panahon para sa pagtubos ng Sion ay hindi pa dumarating, at ang kampo ay nabuwag. Mga anim na buwan matapos bumalik sa Kirtland, Ohio, inorganisa ni Joseph ang Korum ng Labindalawang Apostol at ang Korum ng Pitumpu. Walong miyembro ng Labindalawa at bawat miyembro ng Pitumpu ang nagmartsang kasama ng Kampo ng Israel.

icon ng trainingMaghikayat ng paghahanda para sa mga karanasan sa pagkatuto: Maraming paraan para maihanda ng mga estudyante ang kanilang puso’t isipan upang matutuhan ang ebanghelyo. Isinasama ng ilan ang pagdarasal para sa paghahayag, pagkakaroon ng hangaring matuto, pagsisisi, pag-aaral, pagsagot sa mga tanong, at pagdalo sa klase nang handa upang turuan ang iba. Para malaman ang iba pa tungkol dito, tingnan ang bahaging “Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Iba na Maghandang Matuto” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Maaari ka ring makakita ng halimbawa kung paano ito gawin sa lesson sa linggong ito na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 105.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 103

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na masunod ang mga kautusan na ibinigay sa kanila ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magtanong sa isang magulang o pinagkakatiwalaang adult tungkol sa isang pagkakataon na kinailangan nilang manampalataya para masunod ang isang mahirap na kautusan ng Panginoon at kung ano ang natutuhan nila mula sa karanasang iyon.

  • Larawan: Drowing ng isang stick figure, isang balakid, at mga salitang buhay na walang hanggan

  • Nilalamang ipapakita: Mga opsiyon para sa mga aktibidad sa pag-aaral at mga prompt para sa pagsasabuhay sa huling bahagi ng lesson

Ang Kampo ng Israel

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na sasamahan at tutulungan sila ng Diyos kapag pinili nilang sumunod sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang maaaring dahilan kung bakit mahirap ang pagsunod kay Jesucristo, at kung bakit sulit na pagsikapan ang pagsunod sa Kanya.

  • Video:Paghihintay sa Panginoon” (14:09; panoorin mula sa time code na 9:25 hanggang 9:56); “Zion’s Camp” (18:44; panoorin mula sa time code na 2:13 hanggang 3:02; 3:02 hanggang 5:00; 5:01 hanggang 8:02; at 8:03 hanggang 13:06)

  • Mapa:Zion’s Camp Route, 1834

  • Handout: “Mga Karanasan mula sa Kampo ng Israel”

Doktrina at mga Tipan 105

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring manatiling tapat sa Diyos kapag sinusubok ang kanilang pananampalataya.

  • Paghahanda ng estudyante: Upang matulungan ang mga estudyante na aktibong makalahok sa mga lesson, maaari mo silang anyayahang manalangin nang taimtim bago pumasok sa klase. Maaari silang manalangin para sa mga pagpapala upang madama ang pagmamahal ng Diyos, makatanggap ng tulong sa isang partikular na hamon, o lakas para manatiling tapat sa Panginoon at sa Kanyang mga tipan.

  • Video:Zion’s Camp” (18:44; panoorin mula sa time code na 16:44 hanggang 18:44)