Seminary
Lesson 120—Doktrina at mga Tipan 107:21–100: Mga Natatanging Saksi ni Jesucristo


“Lesson 120—Doktrina at mga Tipan 107:21–100: Mga Natatanging Saksi ni Jesucristo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 107:21–100,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Lesson 120: Doktrina at mga Tipan 106–108

Doktrina at mga Tipan 107:21–100

Mga Natatanging Saksi ni Jesucristo

isang estatwa ni Cristo

Tulad ng ginawa Niya noong panahon ng Bagong Tipan, tumawag si Jesucristo ng mga propeta, apostol, at iba pa upang pamunuan ang Kanyang Simbahan ngayon at patotohanan Siya sa buong mundo. Sa Doktrina at mga Tipan 107, ipinaliwanag ni Jesus ang tungkulin ng mga piniling lider na ito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas magtiwala na ang mga Apostol ay mga natatanging saksi ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Simbahan ni Jesucristo

Maaari kang magdala ng anim na baso sa klase at gumawa ng maliit na pyramid kasama nila. Maglagay ng tatlong baso sa ibaba, dalawa sa gitna, at isa sa tuktok. Lagyan ng label na Mga Banal ang baso sa tuktok at sabihin sa mga estudyante na kumakatawan ito sa mga miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas. Ipaliwanag na sa Bagong Tipan, inorganisa ni Jesus ang Kanyang Simbahan sa paraang mapagpapala ang mga miyembro nito.

Basahin ang mga sumusunod na talata. Alamin ang mga katungkulang ginamit ng Tagapagligtas upang pangasiwaan ang Kanyang Simbahan at suportahan ang mga Banal sa Kanyang panahon.

  • Ano ang nalaman ninyo?

    Habang nagbabahagi ang mga estudyante, maaari mong lagyan ng label na Mga Pitumpu at Mga Obispo ang dalawang baso sa gitna, at ng label na Jesucristo, Mga Propeta, at Mga Apostol ang tatlong baso sa ibaba. Ipaliwanag na bagama’t ang lahat ng Apostol ay itinuturing na mga propeta, tagakita, at tagapaghayag, karaniwan nating tinutukoy ang senior na Apostol bilang ang propeta.

  • Bakit mahalagang maunawaan natin na si Jesucristo, ang mga propeta, at ang mga apostol ay nasa pundasyon ng Simbahan? (tingnan sa Efeso 2:20).

    Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na noong unang panahon, ang “[pangulong] batong panulok” (Efeso 2:20) ay isang malaking bato na nakalagay sa sulok ng pundasyon. Ang anggulo at paglalagay ng lahat ng iba pang bato ay sinukat mula sa pangulong batong panulok.

  • Ano ang nalalaman ninyo tungkol kay Jesucristo na maihahambing sa isang pangulong batong panulok?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagpapala sa pagkakaroon ng mga lider na ito sa Simbahan ng Tagapagligtas. Maaaring itanong ng mga estudyante sa kanilang sarili kung ano ang ginagawa nila para matanggap ang mga pagpapalang maaaring dumating sa pamamagitan ng mga taong inilagay ng Tagapagligtas sa mga katungkulang ito.

Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang impluwensya ng Espiritu Santo habang sinisikap nilang maunawaan ang tungkuling ginagampanan ng mga lider ng Simbahan sa pagpapalakas ng kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo.

Maaari mong ibuod o basahin ang sumusunod na konteksto para sa Doktrina at mga Tipan 107.

Sa ilalim ng patnubay ng Kanyang Ama, inorganisa ni Jesucristo ang Kanyang ipinanumbalik na Simbahan sa ating panahon sa mismong pundasyon na ginamit Niya noong Kanyang mortal na ministeryo (tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:6). Sinimulan ng Panginoon na ihayag ang istruktura ng organisasyon kay Propetang Joseph Smith at patuloy Niya itong inihahayag ngayon. Noong 1835, tumawag ang Tagapagligtas ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, mga Pitumpu, mga bishop, at iba pang opisyal ng priesthood upang paglingkuran ang mga Banal at pangasiwaan ang Kanyang Simbahan sa lupa. Nakasaad sa Doktrina at mga Tipan 107 ang ilan sa mga responsibilidad na ibinigay ng Tagapagligtas sa mga tinawag sa mga katungkulang ito.

Mga responsibilidad ng mga piniling lider ng Panginoon

Maaari mong isulat ang bawat isa sa mga sumusunod na katungkulan sa magkakahiwalay na piraso ng papel at ipaskil ang mga ito sa paligid ng silid. Maaari mong atasan ang mga estudyante na maggrupu-grupo upang pag-aralan ang mga partikular na katungkulan, o maaari mo silang hayaang pumili ng katungkulang gusto nilang pag-aralan.

Tiyaking maglaan ng sapat na oras para sa huling bahagi ng lesson.

Pag-aralan ang mga sumusunod na passage, at alamin kung paano ginagamit ni Jesucristo ang mga taong inilalagay Niya sa mga katungkulang ito upang suportahan ang mga Banal sa Kanyang Simbahan:

Kapag natapos nang mag-aral ang mga grupo, anyayahan silang ibahagi sa klase ang natutuhan nila.

  • Paano kayo napagpala ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga mayhawak ng mga katungkulang ito?

  • Ano ang ilang bagay na magagawa natin upang suportahan ang mga mayhawak ng mga sagradong katungkulang ito? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:22).

Mga natatanging saksi ni Jesucristo

Kapag natapos nang magbahagi ang mga grupo, hikayatin ang mga estudyante na markahan ang mga salita o parirala sa talata 23 na nagtuturo na tumatawag si Jesucristo ng mga Apostol upang maging mga natatanging saksi Niya sa buong mundo.

  • Sa anong mga paraan nagpapatotoo ang mga Apostol kay Cristo sa buong mundo sa ating panahon?

Ipinaliwanag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol kung ano ang ibig sabihin ng pagiging “mga natatanging saksi ng pangalan ni Cristo” (talata 23).

Elder David A. Bednar

Ang tungkulin ng Apostol ngayon ay pareho noong sinauna (tingnan sa Mga Gawa 1:22; 4:33). Ang atas sa amin ay magsihayo sa buong sanlibutan at ipahayag si “Jesucristo, at siya na ipinako sa krus” (tingnan sa Marcos 16:15; 1 Corinto 2:2). Ang Apostol ay isang missionary at natatanging saksi ng pangalan ni Cristo. Ang “pangalan ni Cristo” ay tumutukoy sa kabuuan ng misyon, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli ng Tagapagligtas—Kanyang awtoridad, doktrina, at mga natatanging kwalipikasyon bilang Anak ng Diyos upang maging ating Manunubos at Tagapagligtas. Bilang mga natatanging saksi ng pangalan ni Cristo, nagpapatotoo kami sa katotohanan, kabanalan, at pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo, sa Kanyang walang katapusan at walang hanggang Pagbabayad-sala, at sa Kanyang ebanghelyo. (David A. Bednar, “Special Witnesses of the Name of Christ,” Religious Educator: Perspectives on the Restored Gospel, vol. 12, no. 2 [2011], 1)

  • Sa inyong palagay, bakit nagbigay si Jesucristo ng mga buhay na Apostol bilang Kanyang mga natatanging saksi bukod pa sa Kanyang mga saksi sa mga banal na kasulatan?

Maaaring panoorin ang video ng isang Apostol na nagbabahagi ng kanilang natatanging pagsaksi kay Jesucristo, tulad ng “Neil L. Andersen: Natatanging Saksi ni Cristo” (5:24; panoorin mula sa time code na 4:15 hanggang 5:24). Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin ang nadarama nila habang pinakikinggan nila ang kanyang patotoo.

5:30

Mga Natatanging Saksi ni Cristo – Elder Neil L. Andersen

Nagsalita si Elder Andersen tungkol sa mga pagsubok na dinanas ng mga naunang Banal at nagpatotoo tungkol sa pagmamahal ng Tagapagligtas na si Jesucristo.

Kung kinakailangan para sa sumusunod na aktibidad, maaari mong bigyan ang mga estudyante ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya kamakailan o iba pang bagong pahayag mula sa mga Apostol.

Maghanap sa mga mensahe sa kumperensya kamakailan o sa iba pang bagong pahayag para sa mga halimbawa ng mga Apostol na nagbabahagi ng kanilang natatanging pagsaksi kay Jesucristo. Habang ginagawa ninyo ito, maaari ninyong sagutin sa inyong study journal ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano naiimpluwensyahan ng mga natatanging pagsaksi ng mga Apostol na ito ang nadarama mo kay Jesucristo?

  • Ano ang isang bagay na ibinahagi ng isang Apostol tungkol kay Jesucristo na pinaniniwalaan mo ring totoo? Paano mo natutuhan ang katotohanang iyon sa sarili mo?

  • Ano ang ilang bagay na magagawa natin sa buong buhay natin upang patuloy na matuto mula sa mga natatanging pagsaksi ng mga Apostol kay Jesucristo?

Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang napag-aralan nila pati na rin ang mga kabatiran na maaaring isinulat nila.

Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na gamitin ang mga natatanging pagsaksi ng mga Apostol kay Jesucristo upang mapalakas ang kanilang pananampalataya sa Kanya. Halimbawa, maaari mong imungkahi sa mga estudyante na pag-aralan ang isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya bawat linggo, i-follow ang mga Apostol sa social media, o partikular na pagtuunan ang mga patotoo at turo ng mga Apostol tungkol kay Jesucristo sa darating na pangkalahatang kumperensya.