Lesson 121—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
“Lesson 121—Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8: Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 121: Doktrina at mga Tipan 106–108
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8
Ipamuhay ang mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang pundasyon ng kanilang buhay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Ipamuhay
Alamin at ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Habang naghahandang magturo sa kanyang klase ng Young Women sa Linggo, sinimulang pag-aralan ni Andrea ang Doktrina at mga Tipan 107. Matapos basahin ang talata 8, panandalian siyang huminto at nagsimulang mapaisip kung paano naaangkop ang priesthood sa mga dalagita. Nag-alala siya at napaisip kung mas nagtitiwala ang Diyos sa Kanyang mga anak na lalaki kaysa sa mga anak Niyang babae. Naalala rin niya na kamakailan lang ay may napanood siyang video online na nagpapahayag ng mga opinyon tungkol sa pagtrato sa kababaihan sa Simbahan ni Jesucristo. Binatikos ng isang tao ang Simbahan sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na nililimitahan ang kababaihan dahil hindi sila binibigyan ng mga katungkulan sa priesthood.
Kumilos nang may pananampalataya
Paano magiging isang oportunidad ang mga tanong at alalahanin ni Andrea upang mapalakas niya ang kanyang pananampalataya kay Jesucristo at katapatan sa Kanyang Simbahan?
Anong pang-uudyok ang maaaring gawin ni Satanas kaugnay ng mga tanong at alalahanin niya na maaaring maglayo sa kanya kay Jesus?
Paano ninyong sasabihin na harapin niya ang kanyang mga tanong at alalahanin nang may pananampalataya?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Isulat sa iyong study journal ang isang katotohanan mula sa talata 8 na sa palagay mo ay makatutulong kay Andrea at kung bakit.
Lumibot sa silid, at subukang maghanap ng ibang estudyante na pinili rin ang katotohanang pinili mo. Talakayin sa isa’t isa kung paano ito makatutulong kay Andrea.
Magdagdag ng mga makabuluhang ideya na ibinahagi sa iyo ng ibang estudyante sa pahina ng iyong journal.
Muling lumibot sa silid, at maghanap ng ibang estudyante na pumili ng katotohanang iba sa pinili mo. Ibahagi sa isa’t isa ang mga ideya mula sa inyong mga journal.
Ipagpalagay na hindi makahanap si Andrea ng malinaw na sagot sa kung bakit hindi nagtataglay ng mga katungkulan sa priesthood ang kababaihan. Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa plano ng Ama sa Langit at kung ano ang nadarama Niya tungkol sa Kanyang mga anak na babae na nais ninyong maalala niya?
Aling mga doctrinal mastery passage mula sa Doktrina at mga Tipan (o iba pang aklat ng banal na kasulatan) ang makatutulong na magpaalala kay Andrea ng plano at mga nadarama ng Diyos para sa kanya?
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Ang sources na ginagamit ni Andrea sa paghahanap ng impormasyon ay mahalaga dahil …
Papayuhan ko si Andrea na hanapin ang mga sagot sa pamamagitan ng pagpunta sa … at huwag maghanap ng mga sagot sa pamamagitan ng pagpunta sa …
Katapusan
Ano sa palagay mo ang ipagagawa sa iyo ng Ama sa Langit sa mga tanong o alalahanin mo?
Paano nakakaapekto sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang pagpiling sundin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag nagkakaroon ng mga problema o alalahanin?