Seminary
Doktrina at mga Tipan 106–108: Buod


“Doktrina at mga Tipan 106–108: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 106–108,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 106–108

Doktrina at mga Tipan 106–108

Buod

Tulad ng ginawa Niya noong panahon ng Bagong Tipan, tumawag si Jesucristo ng mga propeta, apostol, at iba pa upang pamunuan ang Kanyang Simbahan ngayon at patotohanan Siya sa buong mundo. Sa Doktrina at mga Tipan 107, ipinaliliwanag ni Jesus ang tungkulin ng mga piniling lider na ito at nagbibigay Siya ng mga detalye upang tulungan sila at ang iba na gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa priesthood.

icon ng training Gamitin ang mga salita ng mga propeta upang mabigyang-diin ang doktrina at mga alituntunin: Itinuturo, nililinaw, at ipinapaliwanag ng mga buhay na propeta at apostol ang doktrina at mga alituntuning itinuturo sa mga banal na kasulatan. Ang paggamit ng mga salita ng propeta ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan at maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagturo mula sa mga Banal na Kasulatan” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Makakakita ka rin ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 107:1–20.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 107:1–20

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng paghugot ng lakas sa kapangyarihan ng Tagapagligtas at sa Kanyang awtoridad ng priesthood habang naglilingkod sila sa Kanyang Simbahan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang mga sandali kung kailan nadama nilang tinutulungan sila ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na maglingkod sa Kanyang Simbahan. Maaaring kabilang dito ang mga katungkulan sa kanilang mga korum at klase o ministering assignment.

  • Video:The Tender Mercies of the Lord” (17:15; panoorin mula sa time code na 6:55 hanggang 8:53)

Doktrina at mga Tipan 107:21–100

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas magtiwala na ang mga Apostol ay mga natatanging saksi ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Ibahagi sa mga estudyante na ang mga propeta at apostol ay tinawag upang maging mga natatanging saksi ni Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:23). Anyayahan silang maghanda para sa klase sa pamamagitan ng pag-aaral ng isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya kamakailan mula sa isang miyembro ng Unang Panguluhan o ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa kanila na alamin kung ano ang itinuturo ng mga ito tungkol kay Jesucristo.

  • Mga Materyal: Anim na baso na maaaring pagpatung-patungin para maging pyramid

  • Nilalamang ipapakita: Mga piraso ng papel na nakapaskil sa paligid ng silid kung saan nakasulat ang mga katungkulang matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 107 at ang mga talata kung saan binabanggit ang mga katungkulang ito

  • Video:Neil L. Andersen: Natatanging Saksi ni Cristo” (5:24; panoorin mula sa time code na 4:15 hanggang 5:24)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga naka-print na kopya ng mga mensahe sa kumperensya kamakailan o iba pang bagong pahayag mula sa mga Apostol para sa mga estudyante na hindi maa-access ang mga ito sa electronic na paraan

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag sa isang kaibigan o kapamilya ang bawat isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ayon sa pagkakatanda nila. Kung may anumang alituntunin na mahirap tandaan, sabihin sa mga estudyante na gamitin ang Doctrinal Mastery Core Document (2023) upang rebyuhin ang mga ito bago ang klase.

  • Mga Materyal: Maliliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante; isang lalagyan kung saan ilalagay ng titser ang mga papel

  • Larawang ipapakita: Larawan ng isang dalagita