Seminary
Doktrina at mga Tipan 109–110: Buod


“Doktrina at mga Tipan 109–110: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Doktrina at mga Tipan 109–110,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Doktrina at mga Tipan 109–110

Doktrina at mga Tipan 109–110

Buod

Pagkalipas ng halos tatlong taon ng pagtatrabaho at pagsasakripisyo, handa na ang Templo ng Kirtland. Inihayag ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith ang panalangin ng paglalaan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 109). Matapos ang paglalaan nito, tinupad ng Tagapagligtas ang Kanyang pangako na “ipakikita [ang Kanyang sarili] sa [Kanyang] mga tao” sa Kanyang bahay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110:7). Nagpakita rin ang tatlong sugo ng langit at ipinanumbalik nila ang mahahalagang susi ng priesthood.

icon ng trainingPagtuunan ang mga alituntuning nagpapabalik-loob: Tulungan ang mga estudyante na matuklasan ang doktrina at mga alituntunin na makaiimpluwensya sa kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Para sa karagdagang kaalaman kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Ang Tagapagligtas ay Nagturo ng mga Katotohanang Humahantong sa Pagbabalik-loob at Nagpapalakas ng Pananampalataya” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Makakakita ka rin ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson ngayong linggo na may pamagat na “Doktrina at mga Tipan 110, Bahagi 1.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doktrina at mga Tipan 109

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang mas matinding hangaring dumalo sa templo at tanggapin ang mga ipinangakong pagpapala ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang nadarama nila tungkol sa templo. Maaari nilang basahin ang Doktrina at mga Tipan 109:10–13 at alamin ang mga pagpapala ng pagdalo sa templo na makabuluhan sa kanila.

  • Mga larawang ipapakita: Iba’t ibang templo at ang Templo ng Kirtland

  • Impormasyong ihahanda: Maaari kang maghanap ng ilang katotohanan tungkol sa templo, tulad ng bilang ng mga templong ginagamit, bilang ng mga templong ibinalita sa huling pangkalahatang kumperensya, ang pinakamalapit na templo sa lugar ng klase mo, at iba pa. Para sa istatistika ng templo, maaari kang bumisita sa ChurchofJesusChristTemples.org/statistics/.

  • Mga Video:The Blessings of the Temple” (3:37) o “Strength beyond My Own” (3:47)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang himnaryo o kopya ng himnong “Espiritu ng Diyos” (Mga Himno, blg. 2)

Doktrina at mga Tipan 110, Bahagi 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tayo inihahanda ng ating pagiging karapat-dapat na mas mapalapit sa Panginoon sa Kanyang templo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang ibig sabihin ng maging karapat-dapat na pumasok sa templo at kung bakit mahalaga ito. Maaari mo rin silang anyayahang hilingin sa isang kapamilya o lider ng Simbahan na ibahagi ang kanilang mga naiisip. Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang ibahagi ang kanilang mga ideya at tanong.

  • Larawang ipapakita: Larawan ng Tagapagligtas

  • Video:Nagpakita si Jesucristo sa Lumang Amerika” (16:43; mula sa time code na 11:52 hanggang 14:05)

  • Nilalamang ipapakita: Drowing ng templo na may landas na patungo rito

  • Materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng, o access sa, mga tanong sa temple recommend

Doktrina at mga Tipan 110, Bahagi 2

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano mapagpapala ng mga susi ng priesthood na ipinanumbalik kay Propetang Joseph Smith ang kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa at pagnilayan kung paano ito naging pagpapala sa kanilang buhay: gawaing misyonero, ebanghelyo ni Jesucristo, o templo at family history.

  • Larawang ipapakita: Ang pagpapakita ng Tagapagligtas sa Templo ng Kirtland

  • Handout: “Ipinanumbalik ang mga Susi ng Priesthood sa Templo ng Kirtland (Bahagi 1 at Bahagi 2)”