“Doktrina at mga Tipan 124: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 124,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 124
Doktrina at mga Tipan 124
Buod
Matapos palayasin ang mga Banal sa Missouri, ginabayan sila ng Panginoon upang itatag ang lunsod ng Nauvoo, Illinois. Nagsikap sila upang mapaganda ang latian, madaig ang sakit, at makapagtayo ng bagong templo. Sa panahong ito inihayag ng Panginoon ang ilang ordenansa sa templo na isinasagawa natin ngayon, tulad ng endowment.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Pagtatatag ng Nauvoo
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maiugnay ang mga banal na kasulatan at kasaysayan ng Simbahan sa kanilang sarili.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nila iniuugnay ang mga banal na kasulatan sa kanilang sariling buhay sa kanilang araw-araw na pag-aaral ng banal na kasulatan.
-
Mga item na ipapakita: Isang kopya ng Doktrina at mga Tipan o isang larawan ni Joseph Smith
-
Video: “Joseph Smith: Prophet of the Restoration (2002 version)” (1:09:35; panoorin mula sa time code na 47:39 hanggang 50:54)
-
Handout: “Pag-uugnay ng Kasaysayan ng Simbahan sa Ating Sarili”
Doktrina at mga Tipan 124
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng templo ng Panginoon at ang mga ordenansang isinasagawa roon, kabilang ang endowment.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na bisitahin ang temples.ChurchofJesusChrist.org at maghanap ng isang bagay na interesante o makabuluhan para sa kanila.
-
Item na ipapakita: Isang larawan ng ilaw trapiko
-
Handout: “Ang Endowment”