Lesson 209—Pag-aaral ng mga Mensahe ng mga Tagapaglingkod ng Panginoon: Maririnig Natin ang Tinig ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga Salita ng Kanyang mga Lider
“Lesson 209—Pag-aaral ng mga Mensahe ng mga Tagapaglingkod ng Panginoon: Maririnig Natin ang Tinig ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga Salita ng Kanyang mga Lider,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Pag-aaral ng mga Mensahe ng mga Tagapaglingkod ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Lesson 209: Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan
Pag-aaral ng mga Mensahe ng mga Tagapaglingkod ng Panginoon
Maririnig Natin ang Tinig ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga Salita ng Kanyang mga Lider
Ito ay isang pambungad na lesson para sa magkakasunod na lesson na ituturo sa buong taon gamit ang mensahe ng isang lider ng Simbahan. Gagamitin ng mga lesson na ito ang template na “Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan.” Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pag-aaral at pagsasabuhay ng mga mensahe ng Panginoon na ibinigay ng Kanyang mga tagapaglingkod.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang mga tagapaglingkod ng Tagapagligtas ay nagbabahagi ng mga mensahe mula sa Kanya
Kung may isang taong mag-oobserba sa inyong buhay, ano ang makikita niya na nagpapamalas ng pagpapahalaga ninyo sa mga salita ng mga tagapaglingkod ng Panginoon?
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 1:37–38, at alamin ang iniuutos ng Tagapagligtas na gawin natin sa mga salita ng Kanyang mga tagapaglingkod.
Ano sa palagay ninyo ang mahalagang tandaan mula sa passage na ito?
Anong mga katotohanan ang matutukoy ninyo?
Paano ninyo pinagsikapang saliksikin ang mga salita ng mga tagapaglingkod ng Panginoon bilang bahagi ng inyong regular na pag-aaral ng ebanghelyo?
Sa pagtatapos ng pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018, ipinaabot ni Pangulong Russell M. Nelson ang sumusunod na paanyaya. Maghanap ng mga salita o parirala na makatutulong sa isang tao na maunawaan ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga mensahe ng mga lider ng Simbahan.
2:3
Pinapayuhan ko kayo na pag-aralan ang mga mensahe ng kumperensyang ito nang madalas—kahit paulit-ulit—sa susunod na anim na buwan. Matapat na maghanap ng paraan para maisama ang mga mensaheng ito sa inyong family home evening, inyong pagtuturo ng ebanghelyo, inyong pakikipag-usap sa pamilya at mga kaibigan, at maging mga pakikipag-usap ninyo sa mga hindi natin kamiyembro. Maraming mabubuting tao ang aayon sa mga katotohanan na itinuro sa kumperensyang ito kapag ibinahagi ng may pag-ibig. Ang hangarin ninyong sumunod ay titindi habang inaaalala at pinag-iisipan ninyo ang mga nadama ninyo nitong nakaraang dalawang araw. (Russell M. Nelson, “Magpatuloy Tayo,” Liahona, Mayo 2018, 118)
Ano ang natuklasan ninyo?
Ano ang ilang paraan na maisasama ninyo ang mga turo ng mga lider ng Simbahan sa inyong pag-aaral ng ebanghelyo?
Paano kayo napagpala ng Panginoon sa paggawa nito?
Palalimin ang inyong pag-aaral
Pumili ng isa sa mga sumusunod upang matulungan kang magsanay na pag-aralan ang isang mensahe mula sa isa sa mga tagapaglingkod ng Panginoon:
Isulat ang salitang Jesucristo sa gitna ng isang pahina ng iyong study journal. Habang pinag-aaralan mo ang mensahe, hanapin ang mga salita o parirala na nagtuturo tungkol sa pagkatao, mga katangian, at mga tungkulin ni Jesucristo. Isulat sa iyong journal ang natutuhan at nadama mo tungkol kay Jesucristo at kung paano ito makatutulong sa iyo na sundin Siya.
Tukuyin ang mga banal na kasulatan na binanggit sa mensahe (o sa mga endnote). Basahin ang mga talata at bigyang-pansin ang itinuturo o ipinauunawa sa iyo ng mga ito tungkol sa paksa. Maaari mong pag-ugnayin ang talata at ang mensahe sa iyong Gospel Library o maaari kang magsulat ng tala sa iyong mga banal na kasulatan.
Gamit ang natutuhan mo sa mensahe, gumawa ng larawan, drowing, poster, meme, social media post, o isang bagay na katulad nito na maaaring magsilbing paalala o magbigay-inspirasyon sa isang tao. Maghandang ibahagi ang ginawa mo, at ipaliwanag ang mensahe at kung paano nito mapagpapala o mabibigyang-inspirasyon ang iba.
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga salita ng mga tagapaglingkod ng Panginoon
Ano ang natutuhan o nadama mo ngayon na nakatulong sa iyo na madama ang kahalagahan ng mga salita ng Tagapagligtas na ibinigay ng Kanyang mga tagapaglingkod?
Ano ang gusto mong maalala habang patuloy mong pinag-aaralan ang mga mensahe ng mga tagapaglingkod ng Panginoon?
Paano ka makikinabang sa pag-aaral ng mga mensahe mula sa mga lider ng Simbahan bilang bahagi ng iyong regular na pag-aaral ng ebanghelyo?