Seminary
Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan: Buod


“Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)

“Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan

Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan

Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan

Buod

Madalas na nangungusap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga tagapaglingkod (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:38). Habang pinakikinggan at pinag-aaralan natin ang mga mensahe mula sa mga lider ng Simbahan, maaari nating matutuhan ang nais ng Tagapagligtas na malaman natin. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapag-aralan ang mga mensahe ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ng Kanyang mga tagapaglingkod.

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Paghahanda para sa Pangkalahatang Kumperensya

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Ang lesson na ito ay maaaring ituro bago ang pangkalahatang kumperensya sa Abril o Oktubre.

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maghandang pakinggan ang mga personal na mensahe mula sa Tagapagligtas sa pangkalahatang kumperensya.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na kausapin ang kanilang pamilya tungkol sa magagawa nila upang makapaghanda at makibahagi sa pangkalahatang kumperensya.

  • Larawan: Larawan ng isang pamilya na nanonood ng Pangkalahatang Kumperensya

  • Nilalamang ipapakita: Mga tanong sa self-assessment sa simula ng lesson.

  • Handout:Paghahanda para sa Pangkalahatang Kumperensya

Pag-aaral ng mga Mensahe ng mga Tagapaglingkod ng Panginoon

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Maaari mong ituro ang lesson na ito bago ang mga sumusunod na lesson sa grupong ito. Maaari mo itong ituro nang malapit sa pagsisimula ng school year upang maging pamilyar ang mga estudyante sa pag-aaral ng mga mensahe ng mga lider ng Simbahan.

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pag-aaral at pagsasabuhay ng mga mensahe ng Panginoon na ibinigay ng Kanyang mga tagapaglingkod.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng pahayag mula sa isang lider ng Simbahan na makabuluhan sa kanila at ipaliwanag kung bakit. Ang pahayag na ito ay maaaring mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya, mensahe sa broadcast, social media post, o isang bagay na katulad nito.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang bahagi ng mensahe o buong mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya, mula sa magasin na Liahona o Para sa Lakas ng mga Kabataan, o mula sa isang debosyonal o broadcast ng Simbahan

  • Larawang ipapakita: Isang larawan ng kasalukuyang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol

  • Video:Magpatuloy Tayo” (6:01; panoorin mula sa time code na 1:17 hanggang 1:58)

Template: Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan

Mungkahi sa pacing ng pagtuturo: Ang lahat ng lesson na gumagamit ng template na ito ay maaaring ituro sa anumang araw sa school year o sa anumang linggo sa pacing ng pagtuturo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Gayunman, kung hindi mo pa nagamit ang template na ito, maaaring makatulong na ituro ang lesson na “Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” sa ibaba bago maghanda ng bagong lesson tungkol sa isang mensahe mula sa isang lider ng Simbahan. Ang lesson ay nagbibigay ng huwaran para sa pagtuturo tungkol sa mensahe mula sa isang lider ng Simbahan.

Layunin ng lesson: Ang template na ito ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya upang matulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga mensahe mula sa mga lider ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Ibahagi sa mga estudyante ang pamagat ng mensaheng pag-aaralan nila sa klase. Hikayatin silang basahin, panoorin, o pakinggan ang mensahe bago magklase. Sabihin sa kanila na mapanalanging maghanda para maturuan sila ng Espiritu Santo habang pinag-aaralan nila ang mga mensahe ng mga tagapaglingkod ni Jesucristo.

“Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan”

Layunin ng lesson: Makapagbigay ng halimbawa kung paano magagamit ng mga titser ang “Template: Mga Turo ng mga Lider ng Simbahan” upang magabayan ang klase sa pag-aaral nila ng mga mensaheng ito, at mapalalim ang pagkaunawa ng mga estudyante sa mga alituntuning tutulong sa kanila na maghanda para sa buhay na walang hanggan.